Part 11 (When their paths crossed)

703 30 2
                                    

Ang konsensyang nararamdaman ko ang nagpapahina sa ken upang maging matamlay ng mga sumunod pang araw. Sa tuwing makikita ko si Winter, parang nakikita ko rin si Maria.. at hindi ko kinakaya yun.. madalas tumatahimik nalang ako sa isang tabe hindi katulad ng dati na lalambing-lambingin si Winter at magsisimula ng kwentuhan sa kanya..

Ngayon pag magkasama kami parehas nalang kaming tahimik.. sya okay lang eh sa lahat naman ng oras hindi nagsasalita yun at walang imik.. pero ako, parang nakakapanibago ng pakiramdam na nawawalan na ko ng gana ngayon magsalita.. alam kong hindi ako ang pumatay kay Maria.. pero bakit nanlulumo ako sa dikta ng konsensya ko?

Na parang ako mismo yung nagtali sa kanya dun sa basement at ako rin ang nagpahirap dito hanggang mamatay..

God, hanggang kelan ko ba mararamdaman to?

Siguro kelangan ko munang maglagay ng space sa pagitan namin ni Winter. Kailangan ko munang isiping mabuti kung makakaya ko pang sikmurain ang mga susunod pang ganung pangyayari kung magkasama kami..

I mean, oo, mahal na mahal ko sya.. pero.. hindi ibig sabihin na sa isang iglap kaya ko na ring maka-adapt kagad sa nature na ginagalawan nya..

Kailangan ko ng oras para mag-isip.. at sana lang, habang ginagawa ko ito, wala muna syang gawing masama habang wala ako sa piling nya..

--------------------------------

"Okay ka lang ba Demetrik?" Tanong sa ken ni kuya Jigger. Bigla akong napalingon sa kanya, hindi ko namalayan nandyan pala sya ngayon sa tabi ko.

"A-andyan ka pala.." bigla kong tugon.

"Oo.. at kanina pa.. may problema ka ba? Kanina pa kita tinatawag pero di mo ko pinapansin.." sabe nito.

Napabuntung-hininga ako. Alangan namang sabihin ko sa kanyang oo, meron, may kaibigan akong napatay dahil sa akin. Kaya iniba ko nalang ang usapan.

"Wala wala.. nai-stress lang ako masyado dito sa bahay at sa school.." sagot ko.

"Weh? Parang di naman.. baka naman may bumasted sayu nahihiya ka lang umamin.." biro ni kuya Jigger sabay tawa.

Natawa nalang din ako.

"Wala pang bumabasted sa ken no!" Sabi ko dito.

"Sus.. yabang mo! Eh kung walang bumasted sayu bat ganyan itsura mo?! mukha kang miserable?" Tanong nya.

"Stress nga lang.. tsaka naguguluhan.." sabe ko.

"San naman?" Tanong nya.

"Basta.. wag mo ng alamin kuya.." sagot ko. Fuck, I need to change the topic now. "Kuya.. bike tayo.. tagal na kitang di nakakasama sa pagbibisekleta eh.." sabe ko.

"Eh pano mukhang may pinagkakaabalahan ka atang iba.. badtrip nga sayo mga bicycle riders eh.. may tinatago ka daw girlfriend di mo man lang pinakilala sa men.." tampo nyang sabe.

"Ako? May girlfriend?! Tol wala no! Kanino nyo naman narinig yan?" Tanong ko.

"Anong wala eh sinong pinupuntahan mo gabe-gabe? O kaya madalas daw sa hapon? Sabe ng mama mo mukha daw may bago kang nililigawan ngayon at sineseryoso mo masyado kaya nawawalan ka na ng oras sa men.. ano ka ngayon?" Sabe ni Jigger.

Nagets ko kagad ang mga sinasabe nya. Ang akala nyang nililigawan ko na babae ay si Winter.. 

"Ah.. eh.." nag-iisip ako ng palusot. " oo kuya.. m-meron nga kong niligawan.. yun yung dinadalaw ko tuwing hapon.. sinusuyo.. pero.. b-basted na ko.. kahapon lang.." katwiran ko.

"O kita mo na.. sasabihin mo wala kang problema.. tapos sabi sabi ka pang di ka nababasted.. ngayon aamin ka rin.." at natawa ito.

Nakitawa nalang din ako para di nya mahalata na hindi totoo ang mga pinagsasabe ko.

WinterWhere stories live. Discover now