Part 1 (Winter's Call)

2.9K 59 2
                                    


Nagising ako ng maramdaman kong may malamig na hanging dumampi sa aking paanan.. nagulat pa nga ako ng makitang may ilang butil na pala ito ng ulan.. ay putcha, nakalimutan ko palang isara yung bintana kagabe, sabe ko sa isip ko. Ang lakas pa naman ng hangin sa labas.. na may kasamang panaka-nakang ulan, haiy.. pati kumot ko naanggihan na tuloy..

Tumayo ako sa kama ko at isinara ang bintana, sabay dampot sa kumot at idineretso ito sa labas ng kwarto kung saan naroon ang aking mga labahan. Pagpasok ko muli ng kwarto, nakita ko may bumagsak palang picture frame sa sahig. Siguro naitulak ito ng hangin kanina. Kinuha ko papira-piraso ang mga basag na salamin at sandaling kinuha ang litrato. Nang makita ko kung sino ang nasa larawang iyon, natulala ako sandali. Its been 30 yrs.. parang wala ko sa sarili na bumulong. Siguro dahil natulala ako, hindi ko napansin na natusok ako nung dulo ng hawak kong bubog. Lumabas dito ang ilang dugo at tumulo sa hawak kong pirasong salamin.

"Hanggang ngayon ba naman gusto mo pa rin na may nasasaktan?" Nakangiti kong sabe sa larawan.

Mabilis kong hinugasan ang kamay ko at nilinis ang mga bubog sa sahig. Itatapon ko sana sa labas ang kalat kaya lang medyo lumakas na ang ulan kaya ipinagpabukas ko na lang. Bago ako matulog, nilagyan ko pa ng band aid ang daliri kong nasugatan. Kinuha ko yung litrato nung nabasag na frame at ipinasok nalang sa drawer.

"Bukas, bibilhan kita ng bagong lalagyanan.." usal ko sa litrato.

Pagkatapos nun..

Nakatulog na ko ng mahimbing..

————————————————————

Tanghali na ko ng magising kinabukasan. Kung hindi pa ko kinatok ng katulong ko, baka hindi pa ko nagising. Yung alarm clock ko kasi hindi gumana, na-set ko nga sa tamang oras kaso nakalimutan kong i-switch on yung alarm. Hehe, mukhang matanda na talaga ako.. nag-uulyanin na..

Pagtingin ko sa wall clock ko, mag aalas diyes na pala ng umaga. May mahalaga ba kong meeting ngayon na aatendan? Tanong ko sa sarili ko.

"Sir..? Gising na po ba kayo?" Tanong ni manang Celis.

"Oo manang, kagigising ko lang.. pumasok ka na't ihanda ang pampaligo ko" sabi ko kay manang na nasa labas ng kwarto.

Pagkapasok nito, may dala na rin pala itong breakfast na nasa tray. Iniwan nito ang hawak sa night table ko sa Gilid.

"Maligamgam po ba o medyo mainit-init?" Tanong nya.

"Maligamgam lang.. tas yung bathtub sana haluan mo ng rosemary oil, wag mong lalagyan ng sabon ha.. ako ng bahala" utos ko.

Tumango naman ang katulong.

Pagkabangon ko sa kama, tinawagan ko ang secretary kong si Monique na alam kong kanina pa naghihintay ng tawag mula sa ken.

Siguro naaburido na to, naisip ko.

"Hello Monique.. good morning" sabe ko sa kanya pagkasagot nya ng tawag ko.

"Ano boss? San ka na? Alam mo naman na marami tayong work ngayon diba? Siguro lumamyerda ka pa kagabe?" Biro nito. "Pinuyat ka ba ng nakadaupang palad mo?" Sabe pa nito.

Natawa ko. "Loko-loko! Anung nakadaupang palad? kaya nga ko napuyat kasi yung trabaho ko na gagawin sana ngayong umaga sinimulan ko na kagabe! May mahalaga bang meeting tayo ngayon dyan sa office?" Tanong ko pa.

Bukod sa pagiging secretary, si Monique ay parang bestfriend ko na rin at kabarkada dahil nagustuhan ko ang kanyang pagiging kalog at madaldal. Masaya syang kausap at kahit 15 yrs. Ang tanda ko sa kanya ang turing nya sa ken ay parang magkaedaran lang kami. Hindi nya ko pino-po o kaya opo. Basta parang normal lang, hindi naman yung parang wala ng galang, basta yung parang magkaibigan lang ang turingan. Alam nya ang posisyon ko at alam nya kung ano lang din ang kanya, pero marunong syang makisama at alam kung paano makitungo ng tama sa akin. Dahil dun natutuwa ko pag kasama sya. Bukod pa sa sya lang ang nakakaalam na bakla ako.

WinterWhere stories live. Discover now