Part 4 (Winter's Spell)

924 29 2
                                    

11:30 p.m na, pero di pa rin ako makatulog. Nasa isip ko pa rin kasi si James, its been a week simula nung una kaming magkita pero mukhang ang lakas talaga ng tama nya sa ken. Kahit na ilang araw na hindi man kami muling nagkita, malinaw na malinaw pa sa isip ko ang mga nangyari sa una naming pagtatagpo. Lalo na yung eksena nung nakaangkas sya sa bisikleta ko.. grabe ibang klase yon, takot na takot ako samantalang sya naman sobrang saya.. hindi ko alam nung oras na yon kung ititigil ko na ba o mas pabibilisin ko pa lalo.. Yung mukha nya, ung boses nya.. lahat yun malalim na nakaukit sa aking pag-iisip..

Saka ko naisip bakit kaya hindi ko sya puntahan ngayon? This time mag oover da bakod ako para hindi mapansin ng mga tao roon sa kanila. Meron kasi silang 4 na kwartong paupahan, pero malayo naman yun sa bahay nila. Una kasing madadaanan yung paupahan eh, tapos bandang likod yung bahay nila. Medyo nakabisado ko na nga rin yung buong bakuran nila at palagi akong pumupunta roon para mag-abang. Ang pinagtataka ko lang talaga kahit minsan ni hindi man lang sya lumabas ng bahay nila. Pinagbabawalan na kaya sya ng magulang nya? Maaari.. ganun ba naman kagwapong anak maski ako hindi ko rin ilalabas at baka mamaya anong mangyari.. ama kaya nya nasaan? Nung hinatid ko sya after naming magbike yung mama lang nya ang mukhang masungit na nag-aabang sa kanya sa gate ng bahay nila.. ama nya hindi ko alam kung nandoon ba sa kanila o wala..

Tapos sinabe ko sa sarili ko, sige, susubukan ko ngayong puntahan si James sa kanila. Hindi ko hihilingin na magkausap kami, ang mahalaga makita ko man lang sya uli. Miss na miss ko na talaga sya. Kahit na matagal na yung huli naming pagkikita at kahit na isa o dalawang oras lang kami nagkasama ng araw na iyon, pakiramdam ko malalim na yung koneksyon naming dalawa. Lord, kahit ngayon lang, tulungan nyo ko, kailangan ko talaga syang makita sa mga sandaling ito. Gusto ko lang malaman kung kumusta na sya at kung okay lang ba sya.

Nagpalit na ko nun ng damit at naghilamos, sabay nagpulbos pa para magmukhang gwapo. Malay mo diba gising si James pagpunta ko ron, edi kahit papano presentable ako sa paningin nya. Sabihin nyo ng korny ako o kaya o.a pero iba talaga ang impact nya sa ken dito sa puso ko, parang gusto ko na laging makuha ko ang atensyon at paningin nya, na mapansin naman nya ko kahit konti lang. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at bumaba sa sala. Akala ko mahimbing ng natutulog si mama sa kwarto nya kasi ganong oras na nga ng gabe pero nagulat ako ng makitang nanonood pa pala ito ng palabas sa tv. Haiy.. sya itong sabi ng sabi sa akin na maagang matulog pero ayun, sya pa pala itong numero unong nagpupuyat. Mag-ina nga kami, parehas na matigas ang ulo.

Bumalik tuloy ako sa kwarto ko at nag-isip ng mabuti kung anung gagawin para makalabas ng bahay na hindi nya napapansin. Bwiset.. akala ko naman magiging madali na ang pagpunta ko kanila James at gabe na nga ko eeskapo, yun pala dito pa ko sa bahay magkakaroon ng problema. Saka ko naisip na dumaan nalang kaya ako dito sa may bintana ng kwarto ko para makalabas. Tutal may nakasandal naman na hagdanan sa pader ng bahay namin yung ginagamit ko sa tuwing umaakyat ako ng bubong para mag-ayos ng antenna. Naisip ko dun nalang ako mag-aakyat panaog para hindi mahuli ni mama. Pagtingin ko sa labas ng bintana, sakto, abot kamay lang yung layo nung hagdanan. May kabigatan nga lang ito pero nahila ko naman hanggang tumapat mismo sa bintana ko. Mabilis na kong lumabas ng bintana at sumampa sa hagdanan para makababa, kinakabahan nga ko nun kasi ang taas ng pwesto ko, baka mamaya umuga yung hagdanan kahit konti talagang babagsak ako dito. Bali na nga katawan ko, bugbog sarado pa ko kay mama.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makatapak na ko sa lupa. Buti nalang nai-lock ko na pala yung pintuan ng kwarto ko at napatay ko na rin yung ilaw para kung sakaling maisipan akong i-check ni mama, hindi nya mabubuksan yung pinto. Maingat kong binuksan yung pintuan ng garahe namin para ilabas yung bisikleta ko, samantalang yung gate naman namin ay wala talagang harang kundi bakod lang na naiiurong at wala pang trangkahan. Meaning, wala na ko ngayong problema basta nasa labas na ng bahay. Isang beses ko pang sinulyapan si mama ng palihim sa bintana namin para tignan kung ano ng ginagawa nya ngunit natawa ako nung makitang tulog na pala ito tapos bukas pa yung tv. Gusto ko sanang patayin muna yung tv bago umalis pero kung gagawin ko yun, baka mamaya mahuli na ko ni mama at hindi na talaga makalabas pa ng bahay, masasayang lang ang lahat ng effort ko kanina pa.

WinterWhere stories live. Discover now