The Truth

271 16 3
                                    

Trending World Wide ang balitang pagkakabangga ng truck sa kotseng sinasakyan ni Baekhyun, maraming fans ang nalungkot dahil sa nangyare sa K-pop idol na si Baekhyun. Walang humpay ang mga tweet, at mensahe ng panalangin para sa singer lahat ay nag aalala sa kalagayan nya.

Gulat na gulat ang buong kpop idol sa nangyare kay Baekhyun at lahat sila ay nag alay ng panalangin para sa kaligtasan ni Baekhyun.

Hanggang ngayon naman ay hindi makapaniwala si Dara sa nangyare kay Baekhyun sinisisi nya ang sarili kung bakit naaksidente ang dating boyfriend nito. Kung hindi nya sana ito pinapunta sa condo nya ay hindi ito maaaksindente.

Iyak lang ng iyak si dara habang pinagmamasdan ang mukha ni Baekhyun na nakahiga sa hospital bed at may mga aparatong nakakabit sa katawan nito may mga galos din ito sa mukha.

"Sorry baekhyun kung sana nakinig ako sayo noon sa mga paliwanag mo hindi sana to mangyaya sayo, sorry kasalanan ko sana hindi nalang kita pinapunta sa condo ko di sana hindi ka naaksidente sorry, patawarin mo ko jealous monster please gumising ka na pinapatawad kita beakhyun."pagsusumamo nito na walang tigil sa pag luha.

Isang linggo na ang lumipas ng banggain ng truck ang minamanehong kotse ni Baekhyun at hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising. Agad namang sumuko ang driver ng truck na bumangga sa kotse ni Baekhyun nakatulog daw kase ito sa pag mamanahe kaya hindi nya rin napansin ang stop line na naka red huli na ng makapag preno sya.

Isang araw matapos maaksidente si Baekhyun ay nagpatawag ng presscon ang SM Entertainment. Doon inamin lahat ni Hyuna ang mga kalukuhan at mga kasinungalingan na pinagsasabi nya sa media. Inamin din nya na wala talagang nangyare sa kanila ni Baekhyun sa Japan, Inamin din nito na nagsinungaling sya about sa relation nila ni baekhyun dahil ang totoo ay si Dara talaga ang Girlfriend nito at tungkol naman sa pag bubuntis nya, Oo totoong buntis sya pero hindi si Baekhyun ang ama kundi ang naging kafling nito na Japanese model. Kaya lang nya sinabi na si Baekhyun ang ama ay dahil ayaw itong panagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya ayaw nyang kutyain sya ng iba kaya nya nagawa ang mga bagay na ginawa nya kina Dara at Baekhyun. Galit din sya kay Dara dahil halos lahat ng lalaking gusto nya at kay dara nag kakagusto, mas sikat din si Dara kaysa sa kanya kaya sinira nya ang relation ni Dara at Baekhyun kase akala nya kapag nagawa nya yun ay sasaya na sya at malalagpasan ang kasikatan ni Dara pero wala rin nagyare kaya nagsisisi sya sa mga nagawa nya sinisisi din nya ang sarili sa nangyare kay baekhyun. Sa ngayon ay umalis na sa showbiz si Hyuna at nagpaalam na sya sa lahat ng fans nya at mga kaibigan na aalis na sya sa korea at tutungo sa Germany kung saan naroon ang kanyang mga magulang at doon na maninirahan at palalakihin ang kanyang anak kahit wala itong ama.




"Noona tama na yan hindi matutuwa si Hyung nyan kapag nakita ka nyang ganya ayaw na ayaw pa naman nya na umiiyak ka."pag aalo ni Minzy kay Dara.

"Oo nga Noona wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyare kay Hyung wala kang kasalanan walang may gusto nito aksidente lang ang lahat kaya Noona wag ka ng umiyak."malungkot na pahayag ni Luhan.

"Tama si Luhan, hindi mo kasalanan kung naaksidente si Baekhyun, ang totoo nya kahit hindi mo naman sabihin na pumunta si Baekhyun sa condo mo ay pupuntahan ka talaga nya sinubukan pa namin syang kumbinsihin na ipagpabukas nalang pero mapilit sya it's now or never nga daw kahit hindi mo sya pakinggan kapag nagpaliwanag sya sayo hindi parin sya susuko kahit araw araw pa syang humingi ng tawad sayo. Mahal na mahal ka nya Dara kaya tama na siguradong uusok ang ilong ni baekhyun kapag nakita ka nyang umiiyak mamaya pagbintangan pa kame ni Baekhyun na pinaiyak ka namin, kaya tatagan mo ng loob mo."mahabang litanya ni Suho.

"Tama si Hyung Noona tatagan mo ang loob mo masamang damo nyang si hyung baek kaya mamaya lang gigising na yan."bahagya naman silang natawa sa sinabi ni Chen.


My Girlfriend is a BTS Fangirl(BaekDara) COMPLETEDWhere stories live. Discover now