The Threat

197 11 0
                                    

Baekhyun Pov

Dahil pag papacute ng aking munting Rabbit kaya yun pinatawad ko na sya, wala na rin namang mangyayare kung mag gagalit galitan pa ko pero aminado ako super duper gusto kong basagin ang nguso ni Lee Minho dahil sa lapastangan nyang paghalik sa labi ng mahal ko pero wala rin ako nagawa gaya nga ng sabi ng baby ko Trabaho lang yun walang personal pero bakit ganun sobrang naiinis parin ako. Oo aminado naman ako na sobrang seloso ko, selfish ako at possessive pero sa kanya lang naman dahil ayoko syang mawala mahal na mahal ko talaga si Dara, hindi ko alam  ang gagawin ko kapag nawala sya sa akin isipin ko palang na mawawala sya sa akin pakiramdam ko mababaliw na ko at ikakamatay ko talaga kapag nawala sya sa akin. Mawala na ang lahat sa akin, career ko, kasikatan ko wag lang sya dahil hindi ko talaga kakayanin. Lalo na ngayon natatakot akong mawala sya kapag nalaman nya yun........

Natigil ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko.

Unknown Caller....

"Hello sino to?.."sagot ko sa tumatawag

"Ouch!babe ang bilis mo namang makalimot it's hurt huh."maarteng sagot ng caller.

"Who are you?"walang emosyong tanong ko.

"Hindi mo na ba ko naaalala..?"

"Itatanong ko ba kung sino ka kung kilala na kita."pagsisinuplado ko

"Oh sorry naman daw...by the way it's me Hyuna nakalimutan mo na."oh the bitch

"What do you want.?"walang ganang sagot ko.

"Kapag sinabi ko ba ibibigay mo."kung hindi lang babae ito masasapak ko talaga napaka grrrrrrrr....

"Pwede hindi ako nakikipagbiruan sabihin mo na kung anong kailangan mo.!!"sigaw ko

"Opss! Relax babe ikaw lang naman kailangan ko."ang landi lang palibhasa hindi sya pinapansin ni sehun dahil nga may taeyeon na sya ngayon sa akin naman sya lumalandi grabe may Dara na ko...bwisit na malanding yan.

"Pwede ba tigilan mo na ko hyuna, una si sehun ngayon ako naman nilalandi mo ganyan ka ba talaga."

"Opss! Don't tell me nagseselos ka kay sehun...."

"At bakit naman ako magseselos..?para sabihin ko sayo wala akong pakialam sayo kaya kung pwede tigilan mo na ko kase kahit ano pang gawin mo hinding hindi kita magugustuhan..!!!"

"Oh! Talaga dahil ba kay Sandara Park?!"nag init ang ulo ko ng banggitin nya ang pangalan ng baby ko.

"Pwede ba wag mong idamay si Dara dito...tigilan mo na ko!!!!"ibababa ko na sana ang tawag ng muli syang magsalita na lalong nagpakulo sa dugo ko.

"Ohs di nga, e paano kung idamay ko sya..What if sabihin ko sa kanya yung....."

"Don't you there Hyuna kung ayaw mong mapatay kita'!!"galit na sabi ko sa kanya.

Hindi pwede malaman ni Dara yun,hindi ako papayag na masira kame ng dahil lang sa babaeng yun.

"Well madali naman ako kausap babe,..."

"Don't call me babe nakakasuka."pagputol ko sa kanya

"Ouch! It's hurt naman babe, I mean Baekhyun oh yan happy?!!."

"Ok hindi ko sasabihin sa babaeng yun ang nangyare sa atin...."

"Wag mo syang tawaging babae may pangalan sya at pwede ba walang nangyare sa atin."pagputol kong muli sa kanya pero tumawa lang sya ng nakakabwisit.

"Fine, Dara na kung Dara...and please naman baekhyun wag mo ng ideny na walang nangyare sa atin pareho tayong lasing nun naiintindihan naman kita kung hindi mo na maalala ang nangyare pero ako na ang nagsasabi sayo meron at pareho naman nating na enjoy yun..hahaha"

My Girlfriend is a BTS Fangirl(BaekDara) COMPLETEDWhere stories live. Discover now