The Break Up (Part1)

222 17 2
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at gaya ng mga naunang araw sunod sunod ang mga news na kumakalat tungkol kina Baekhyun at Hyuna. Marami rin larawan ang mga lumabas na magkasama sila sa iba't ibang lugar. Pero gaya nga ng pangako ni Dara kay Baekhyun ay hindi nya nalang pinapansin ang mga news dahil kay Baekhyun lang sya naniniwala. Pinili nya nalang na ituan sa pagta-trabaho ang mga news na kumakalat tungkol sa boyfriend nya ng sa ganoon ay hindi na sya maapektuhan pa dahil ayaw nya rin namang magpaapekto.

Dara Pov

Sobrang dami na ang nagsulputan na mga balita tungkol kay jealous monster ko at kay hyuna ayoko mang magpaapekto dahil naniniwala parin ako kay jealous monster ko at nangako ako sa kanya na sya kanya lang ako maniniwala,pero hindi parin maiwasang maapektuhan ako lalo na yung mga larawang kuha sa kanilang dalawa. Alam ko si Jealous Monster ko nga yung mga nasa picture pero umaasa parin ako na maipapaliwanag nya sa akin kung ano ba ang mga nangyayare, pero this past few days halos madalang na kame magkita at mag kausap kapag tinatawagan ko sya hindi nya sinasagot pero kahit ganun may tiwala ako sa Jealous Monster na yun alam ko may reason ang lahat ng nangyayare.

Baekhyun Pov

Sobrang nagiguilty na ako sa baby ko, halos hindi na kame nakikita at kapag tumatawag naman sya hindi ko nasasagot hindi ko rin kase alam kung ano ang sasabihin ko. Bwisit kaseng Hyuna na iyan ayaw akong tigilan at gagawin nya talaga ang lahat magkasira lang kame ni Dara.

Tulad nalang kanina, kinausap nya ko about sa gagawing papresscon ng CEO ng SMEnt at alam nyo ba gusto nyang sabihin ko sa press na sya ang secret girlfriend ko for 3 long years at kapag hindi ko iyon ginawa ipapakalat nya ang picture namin na nakahubad at magkahiga sa iisang kama, sinabi nya pa na kay Dara nya iyon unang ipapakita, hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Bina-blackmail nya ko using that fucking photo, ok lang sana kung ako lang masisira pero sabi rin nya gagawin nya ang lahat para masira din ang career ng baby ko kapag hindi ko sya sinunod.

Hindi ko hahayaang masira ang pinaghirapan ni Dara ng dahil lang sa kagaguhan ko, gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang sya laban kay Hyuna na sa tingin ko ay nababaliw ng talaga.



KINABUKASAN


Sunod sunod ang flash ng camera ng pumasok na ako sa SM conference hall at naabutan ko doon ang CEO ng SM,Manager namin sa Exo at si Hyuna na nakatingin ng animoy nang aakit pero sa totoo lang wala iyong epekto sa akin siguro kung ang baby ko ang ngingiti sa akin ng mapang akit malaman nahalikan ko na sya kahit marami pang tao sa paligid namin, pero itong si Hyuna ang sarap sakalin.

Nagsimula na ang pag tatanong ng mga reporters at itong si Hyuna mukhang enjoy na enjoy sa attention nakukuha nya ngayon if I know ginagawa nya lang ito para sumikat sya kase sa totoo lang hindi naman sya ganun kapopular.

Reporter 1:Totoo ba na nag di-date na kayo ni Mr.Byun.?

Tanong ng isa sa mga reporter na sinagot na agad

"Yes actually matagal na nga eh di ba honey."sagot ni Hyuna gusto ko mang sabihin na sinungaling sya at wag papaniwalaan ang mga sinasabi nya pero wala ako magawa dahil binalaan nya na ko kanina na kapag hindi ko sinunod ang gusto nya si Dara ang gagantihan nya.

"Yeah"tipid na sagot ko.

Reporter 2:Kung ganoon Mr.Baekhyun si Hyuna ba ang tinutukoy mo na secret girlfriend mo ng minsay mainterview ka sa isang presscon 2 years ago.?"

Tanong naman ng isang reporters

"Come on honey I think this is the right time para malaman na ng lahat ang tungkol sa atin."malanding sabi ni Hyuna sabay haplos sa kamay ko gusto ko mang baliin ang kamay nya pero wag ngayon may araw din sa akin ang babaeng ito.

My Girlfriend is a BTS Fangirl(BaekDara) COMPLETEDWhere stories live. Discover now