Rumours

155 13 0
                                    

Ilang araw ko ng napapansin na parang balisa si Jealous Monster ko, yung mga ngiti nya parang may something hindi ko alam pero pakiramdam ko may bumabagabag sa kanya pero kapag tinatanong ko naman sya lagi nyang sinasabi "ok lang ako."wag mo ko pansinin pagod lang to." Yan ang lagi nyang sagot sa akin kaya hinahayaan ko nalang at hihintayin ko nalang na magsabi sya kung ano man ang bumabagabag sa kanya.

Pero this past few days napansin ko masyado na syang nagiging weird pati mga kinikilos nya hindi ko alam pero pakiramdam ko may tinatago sya sa akin. Tapos lagi rin ring may tumatawag sa kanya tapos after nila mag usap ng kausap nya sa cellphone nya bigla nalang nag iiba mode nya, nagiging mainitin din ang ulo nya, at palagi syang umalis kahit magkasama kame basta may tumawag sa kanya bigla bigla nalang syang umaalis. Nakakapagtaka na nga e pero may tiwala naman ako kay jealous monster ko alam ko loyal sya sakin, takot nya lang na mawala ako sa kanya.

Nandito kame ngayon nina Cl,Bom,Minzy sa YG cafeteria kasama rin namin ang Bigbang para mag meryenda kakatapos lang kase ng practice namin kaya naisip namin na sabay sabay nalang mag meryenda.

Habang nagmemeryenda kame dito sa Yg Cafeteria biglang nag flash ang news sa TV dito sa cafeteria may TV kase dito kaya nakakanuod kame.

At Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko si Jealous Monster ko na laman ngayon ng balita at sa larawang kuha ay may kasama syang babae sa isang restaurant parehas silang may suot na black cap habang kumakain.

Maya maya pa ay nakita ko na si Jealous Monster na sinusundan ng mga camera at reporters..

"Mr.Byun totoo ba ang kumakalat na may Relation kayo ni Miss.Hyuna.?"

"Si Hyuna ba ang secret girlfriend mo.?"

"Totoo ba na nag de-date na kayo.?"

"Mr.Byun sandali lang."

Mga tanong ng mga reporters pero dire-diretso lang syang naglakas nakaalala naman sa kanya ang mga bodyguard ng exo.

Nabalik lang ako sa sarili ko ng may kamay na humawak sa balikat ko.

"Noona ok ka lang ba."tanong ni Chaerin na may halos pag aalala, ngumiti lang naman ako bilang sagot.

"Noona sure ka ok ka lang."si Bom naman ngayon ang nagtanong.

"Hey! Noona wag mo nalang pansinin yung balita, alam mo naman yang mga reporters na yan lahat ng makita bibigyan nila ng kahulugan para lang magkaroon sila ng magandang scoop."si top naman yan, Well tama sya dapat wag muna ko mag isip ng negative kilala ko si Baekhyun kahit na seloso yun at minsan naman nag susungit alam ko mahal nya ko at nangako sya na ako lang sapat na.

"Paano kung totoo nga na nag di-date sila ni Hyuna.?"si Seungri naman yan

"Sira ulo ka talaga panda hindi ka nakakatulong eh."saway ni Taeyang.

"Dara wag ka munang maniwala sa mga bali-balita kausapin mo muna si Baekhyun tingin ko naman may reason sya,kaya bago ka mag isip ng kung ano ano pa dyan kausapin mo na sya."napangiti naman ako sa sinabi ni GD tama sya kailangan kong makausap si Baekhyun.

"Salamat sa inyo, wag kayo mag alala ok lang ako. Sige aalis na ko may gagawin pa pala ako."tumayo na ako sa upuan ko ang iniwan sila.





Nakasakay na ako sa elevator ng tumunog ay cellphone ko.

It's my jealous monster's calling..

Huminga muna ako ng malalim bago lo sinagot ang tawag nya.

"Hello mahal ko napatawag ka."masigla kong sagot.

"Baby pwede ba tayong magkita."

"Huh ahmm...ano e may gagawin pa ako di pa tapos practice namin."pagdadahilan ko hindi ko alam pero parang ayoko muna syang makausap.

"Please baby magkita tayo after ng practice nyo...please"bumuntong hininga muna ko bago sumagot ng "Oo".

Sinabi nya na magkita nalang kame sa *****restaurant kung saan kame madalas magkita pinsan nya kase may ari nun kaya safe kame sa mga reporters dahil may mga private room doon.

Pagdating ko sa restaurant pumasok agad ako sa isa sa private room na madalas naming pwestuhan kapag kumakain kame dito.

Pag bukas ko palang ng pinto sinalubong nya agad ako ng yakap tapos inalalayang umupo sa upuan saka sya umorrder ng pagkain sa kakarating lang na si Eloy isa sa mga waiter dito sa restaurant na kaclose namin.

"Kamusta practice nyo baby.?"tanong nya.

"Ok lang naman."tipid n sagot ko.

"Baby may gusto sana akong sabihin sayo.?"

"About what?"walang ganang sagot ko.

"Alam ko napanood mo na yung balita kanina at......"

"Yeah napanuod ko nga pero wag kang mag alala hindi naman ako naniwala dahil alam ko hinding hindi mo magagawang lokohin ako di ba.?" Sabi ko at pilit na ngumiti...Nakaramdam naman ako ng  kaba ng hindi agad sya sumagot.

"Ye-yes"tipid na sagot nya saka ngumiti.

"Ah Baby."tawag nya sa akin

"Hmmmm"sagot ko.

"Ah baby pwede bang humingi ng favor?"

"Sure ano ba yun baby."medyo ilang na sagot ko.

"Pwede bang kahit anong balita ang mabalitaan mo, mapanuod mo or marinig mo ay wag mo nalang pansinin...Sa akin ka lang maniniwala, Sa akin ka lang makikinig ok lang ba yun."May pagmamakaawa na mababakas sa kanyang mga tinig.

"Oo naman Byun Baekhyun sayo lang ako maniniwala pero sana rin kahit anong mangyare wag na wag kang mag sisinungaling sa akin."ngumiti sya bago sumagot.

"Ye-yes baby nangangako ako."medyo may alinlangan sa tining nya.

"Basta kahit anong mangyare lagi mong tatandaan....Mahal na mahal kita wala na kong mahihiling pa ikaw lang sapat na sakin. I Love you so so much Sandara park."unti unti syang lumapit sa akin saka ako hinalikan sa labi at damang dama ko sa bawat halik nya ang pag mamahal.



Baekhyun Pov

I'm so sorry Dara kung kinailangan kong mag sinungaling sayo pero pangako gagawan ko ito ng paraan, aayusin ko ito pangako.



A/N:Medyo Bitin ba sige bawi ako sa next Chapter basta wag nyo lang kakalimutang mag vote.hehehe 😁


My Girlfriend is a BTS Fangirl(BaekDara) COMPLETEDWhere stories live. Discover now