The Return of Jealous Monster

177 17 0
                                    

Makalipas ang ilang araw ay nakabalik na sa korea ang Exo at gaya nga ng inaasahan ko galit na jealous monster ang bubungad sa akin.

Nandito kame ngayon sa bahay ko ay ito sya panay ang sermon nya sa akin kesyo...Bakit daw ako pumayag na may kissing scene as if naman na alam ko kahit ako nabigla lang din at dahil nakapirma na ako sa kontrata no choice na saka Lee Min Ho na yun aarte pa ba ko.

At ito nga sya daldal parin ng daldal

"Baby naman di ba sinabi ko na sayo akin ka lang, ako lang ang may karapatan sa labing yan...

Saka yang Lee Min Ho na yan obvious naman na may gusto sya sayo, yung mga ngiti nya pati mga tingin nya sayo ang lagkit....

Saka Hoy Sandara Park bakit may Darandan at Minapple pa kayong tawagan.....

Saka kung maka DARANDAN KO naman ang Mokong na yun parang pag mamay ari ka nya di nya ba alam na sakin ka lang....

Hay naku kung nandito lang ako ng araw na yun mabubug bog ko talaga ang panget na yun...


Saka isa pa bakit pumapayag ka na hawakan ka nya sa bewang mo di nya ba alam na restricted area ang hinahawakan nya at tangin ako lang ang may karapatang humawak dyan sa maganda at sexy mong bewang...

Pati kamay mo hinawakan din nya...bakit mo hinahayaan na chansingan ka ng Lee Min Ho na yun....

Saka......




"Pwede Mahal kong Jealous Monster wag ka ng magselos dahil wala lang naman yun, magkaibigan lang kame ni Lee Min Ho wala ng iba saka ikaw naman ang mahal ko kaya please sorry na poooooohhh.."pagputol ko sa kanya ang dami kaseng sat sat.





"Haist pinag tatagul mo pa ang panget na yun."parang batang nagmamaktol si Jealous Monster pero ok lang cute naman sya tingnan.

"Hindi ko naman sya pinagtatanggol nagsasabi lang ako ng totoo kaya wag ka ng magtampo dyan."paglalambing ko sa kanya saka ko sya niyakap paside nakaupo kase kame sa mahabang sofa.

"Ah basta lagot sakin ang panget na yun."

"Hindi naman panget si Minapple ang pogi pogi nga nya e lalo na sa City Hunter grabe ang cool nya."pero wrong move ata dahil tiningnan nya ko ng masama syempre selos nanaman sya.

"Ah talaga gwapo sya so sinasabi mo bang gusto mo sya..huh?!sabi mo mas na ga-gwapuhan ka ba sa kanya kaysa sa akin...sabihin mo at dun ka na magsama kayo."nakakatawa talaga sya kapag nagseselos para syang bata pero grabe ang cute cute nya magselos para ang sarap pisilin ng ilong nya lumalaki laki pa yung butas parang anytime uusok na ito na parang galit na dragon.


"Sigurado ka ipapamigay mo na ko sa kanya.?"tinaaa ko ang isang kilay ko saka ngumiti ng may halong pang aasar.

"May sinabi ba kong ipapamigay kita sa panget na yun."kita nyo na makapagsabi ng magsama kame ni Minho akala mo kaya naman nyang mawala ako sa kanya if I know super dead na dead sya sa akin hahaha


"Byun Baekhyun makinig ka ok,...Oo gwapo nga si Minapple....."di ko natuloy ang sasabihin ko dahil sinamaan nya ko ng tingin...opss! Jealous Monster alert! Again.

"Ok fine Lee Minho na hindi na Minapple...

So yun nga like what I said earlier,..oO gwapo nga talaga si Minho, Cool at malakas ang dating pero para sakin walang wala sya kung ikukupara sa Mahal ko kahit seloso ka pa at lumalaki ang butas ng ilong kapag nagseselos ikaw parin ang mahal ko, Para sa akin ikaw ang pinaka gwapo, pinakacool, at pinakamalakas ang appeal sa lahat..I love you mahal ko kahit lagi kang nagseselos mahal na mahal kita ikaw lang sapat na."saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi nya para maiharap sya sa akin at binigyan ko sya ng isang matamis na halik mga five seconds din siguro.

"Bati na tayo."paglalambing ko pero di sya sumagot inirapan lang nya ko

"Please bati na tayo..."nag pout ako saka parang nagdadasal na pinagdikit ang mga palad ko with matching twinkle twinkle eyes pa yan kailangan kong magpacute ng todo.

"Pleaseeeee"nabuhayan ako ng makita ko ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi alam ko nagpipigil lang sya na di mangiti.

"Haist...fine bati na tayo pero bago..."napakunot noo naman ako sa sinabi nya.

"Bago ko....I need to clean something."

"Huhh! Anong lilinisin mo."pagtataka ko at nagulat ako ng bigla nyang sunggaban ng halik ang labi ko.

"This."simpleng sagot nya saka ako muling hinalikan at syempre sinabayan ko na rin sya sa paghalik.

Mahaba habang halikan din yun bago kame maghiwalay na parehong nag hahabol ng hininga.

"Ayan malinis na wala ng Minho Virus..."sabay wink

Sira ulo talaga ang isang to...pero inferness kinilig ako dun mga best...😍😍😍


A/N:Short Update muna ko mga best mas ok na yun kaysa wala hehehe

Tanong ko lang sino excited ng makapanood ng MAMA2017 dito...? Specially ang GDA(Golden Disk Award) sana makanood ako ng Live sa GDA..ipag pray nyo ko mga best..🙏🙏🙏🙏

My Girlfriend is a BTS Fangirl(BaekDara) COMPLETEDWhere stories live. Discover now