Chapter 37

27.1K 564 18
                                    

NIKKI'S POV:

Iniwan na ko ni Faye,but I know it's my fault. What have I done? Will I be happy na wala sa sya sa buhay ko? Yung tama yung pinili ko pero bakit mas nasasaktan ako?

"Ate?"

"Yes baby bro?" lingon ko sa kanya after mapunasan ang luha ko.

"Can we talk ate?"

"Sure, what about?" nagpakawala ako ng fake smile.

"You and Faye ate"

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Does he know?

"What about baby bro?" kinakabahang tanong ko.

"Alam ko na lahat ate, matagal na" Oh my gosh, how? " Alam kong ikaw yung mahal ni Faye at sa nakikita ko, alam kong mahal na mahal mo rin sya"

"No baby bro, ikaw ang mahal nya"

"No ate, wag na tayong maglokohan. Alam na alam ko na lahat" noon ako napaiyak. Nakita ko yung galit sa mata ng kapatid ko.

"I'm sorry baby bro, I know galit ka dahil inagaw ko sya sayo pero hindi ko sinasadya, pero don't worry, pinipigilan ko naman eh, kase gusto ko ikaw yung mahalin nya."

"Oo ate galit ako, galit na galit ako sayo dahil sa ginagawa mo!!" sigaw nya sakin.

"I'm sorry, don't worry, pagkatapos namin makasal ni Nico hindi ko na kayo guguluhin."

"Alam mo ba kung bakit ako nagagalit sayo ate?"

"Dahil inagaw ko yung taong pinakamamahal mo?"

Nagulat ako ng bigla itong umiling.

"Galit ako sayo dahil ang selfish mo! Kase hindi mo alam kung gaano mo na nasasaktan si Faye. Ate mahal na mahal ka nung tao pero lagi mo syang itinutulak palayo sayo. Bakit? Dahil natatakot ka sasasabihin ng ibang tao? Na mali yung ginagawa mo dahil pareho kayong babae? Bakit ate, pag ba nagpakasal ka kay Nico magiging masaya ka? Galit din ako dahil wala kang tiwala sakin. Hindi ka naniwala na kaya kong maintindihan yang nararamdaman mo, Sinarili mo lang yang sakit na nararamdaman mo. Oo nagpapasalamat ako na ginawa mo to dahil ayaw mo kong masaktan ate pero naisip mo ba na ayaw din kitang masaktan? Sobra mo kong minahal ate to the point na kahit nasasaktan ka na, ginagawa mo pa din para maging masaya ko. Oo nung una inisip ko ang selfish mo kasi inagaw mo sakin si Faye pero naisip ko din, hindi kaya mas selfish ako? Kase all your life puro ako na lang inisip mo, ni hindi mo magawang isipin yang sarili mo. Hindi mo ba naisip na kung ikaw nakakaya mong magsakripisyo para sakin, kaya ko rin para sayo. Mahal na mahal kita ate, ikaw yung nagturo sakin kung pano lumaban, ikaw yung nag-alaga sakin simula ng mawala sila mommy. Ikaw lang ang lahat-lahat sakin ate at ang gusto ko maging masaya ka. For once ate, isipin mo naman yang sarili mo. Gawin mo kung anong magpapasaya sayo. Yung walang inhibitions. Wag mong hayaang mawala sayo ng tuluyan yung taong nagmamahal sayo."

Umiiyak pa ring yumakap ako kay Milo.

"I'm sorry baby bro, I'm sorry for being selfish"

"Alam mo ba ate kung bakit sya umalis non ng walang paalam?"

Umiling ako.

"Dahil sayo. Dahil sa inyo, she wanted her father to accept her, to accept who she really loves. Matagal ng alam ng parents nya yung sa inyo. Sinabi nila kay Faye na lumayo and bumalik after 4 years. Kung ikaw pa rin yung mahal nya, tatanggapin nila kayo ng buong puso. Nagsakripisyo si Faye ate, masakit sa kanya na lumayo sayo, sa atin pero ginawa nya yun para sa inyo. Alam mo ba yung pakiramdam na mag-isa ka lang sa buhay ate? Pero kinaya nya yun at bumalik dito hoping na sya pa rin yung mahal mo. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo sya ng paulit-ulit. Alam mong mahal na mahal ko sya ate at kung sasaktan mo lang sya, gagawin ko yung lahat para mabawi sya sayo at makalimutan nyang ikaw ang mahal nya."

"Pero wala na sya, hindi na nya ko kakausapin, hindi ko na alam ang gagawin ko"

"Ate isang tanong isang sagot, mahal mo ba sya?"

"Mahal na mahal baby bro, mahal na mahal ko si Faye."

Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Thank you Milo for understanding, I'm sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo. Naisip ko kasi kung masaya ka sa kanya, bat pa ko sisingit diba? I really wanted you to be happy."

"I know ate, and thankful ako kasi ikaw yung naging ate ko, alam kong mahal na mahal mo ko. Pero ok lang ba kung ako naman yung magsasakripisyo ngayon? Ok lang ba kung kaligayahan mo naman yung isipin ko?" nakangiting sabi nya sakin.

Tumango naman ako.

"Sige ako ng bahala, pero ikaw pa rin magdedesisyon ok?"

Yun lang at lumabas na ito ng kwarto. 

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon