Chapter 4

39K 726 20
                                    

NIKKI'S POV:

Maaga palang kinabukasan ay ginising na ako ni Milo. Nasa baba daw si Faye, isasabay na daw kasi namin pagpasok. Absent daw kasi yung driver nila. 

Inis na tumingin ako sa orasan. Anak ng! 5am pa lang o! Anong oras ba nila gustong makarating sa school! Like Im so sleepy pa! Kung hindi ko lang talaga mahal tong si Milo, natarayan ko na tong bestfriend nya eh! 

Dali-dali akong bumangon, naligo at nagbihis ng uniform. Nakabusangot akong bumaba ng hagdan. Nakita kong masayang nagkkwentuhan yung dalawa. Lumapit agad sakin si Milo.

"Ate, kailangan nakasimangot? Umagang-umaga?" bati nito sakin.

Aba at may gana pa syang ngumiti ha! 

"Ang sarap-sarap kasi ng tulog ko tapos bigla mo kong gigisingin! Ang aga pa o! Tsss!" nakasimangot pa din ako.

"Sus, naglalambing lang naman ako sayo ate, good morning, I love you" sabay kiss sa pisngi ko.

Napasmile naman ako ng wala sa oras.

"Naku, pasalamat ka mahal kita!" kiniss ko din sya.

Biglang may nagsalita sa likod ko kaya bigla akong napalingon dito. 

"Goodmorning Nikki" ay nandito nga pala si Faye. Hindi naman kasi si ate nagsasalita. May sa pipi nga ata talaga to.

"Goodmorning din" sabay smile ko sa kanya.

FAYE'S POV:

Ok, ayun na naman yung smile na yun. Maaga pa lang ay pumunta na ko dito, nagpumilit kasi si Milong na sumabay na ko sa kanila ni nikki. Nahiya tuloy ako nung nakasimangot na bumaba si Nikki, para kasing ako yung may kasalanan kung bakit kailangan nilang gumising ng maaga eh. Pero nakita ko kung pano nagbago yung expression ng face nya nung bigla syang lambingin ni Milong. Ang sweet lang talaga nilang magkapatid. How I wish na ako na lang yung nakapagpasmile sa kanya kanina.

Anong sabi mo te? Bakit ikaw? Ikaw ba yung kapatid? Tomboy ka no?

What? Hindi pa pwedeng dahil kaibigan lang ako? Like I am so straight and si Milo yung gusto ko no!

Weh? Parang kay Nikki ka lang nakatingin kanina eh.

Whatever! Gusto ko lang syang maging kaibigan kasi gusto kong walang maging hadlang saming dalwa nung kapatid nya! Duh!

Ah so kaya sya lang yung pinagbake mo ng cookies?

Pa-thank you ko lang yun sa mga damit na binigay nya kagabi.

OHHHHKAY

"Ahm best, inaatake ka na naman ba ng pagkabipolar mo?" narinig kong sabi ni Milo sabay tawa!

Napatingin naman agad ako kay Nikki. Nakita kong natatawa sya dahil nakikipag-away na naman ako sa isip ko. This is so embarrassing.

"Faye, magsabi ka nga sakin ng totoo, ininom mo ba yung gamot mo bago ka pumunta dito?" natatawang sabi ni Nikki.

Oh I hate them both! Pagtawanan ba naman ako hanggang makarating kami sa school!

"So hiwalay muna ako sa inyo ladies ha" paalam ni Milo.

Sabay kaming tumango ni Nikki.

"Ahm Nikki, may ibibigay nga pala ko sayo. Pa-thank you ko dun sa damit na binigay mo" sabay abot nung cookies.

Nakita kong medyo nagulat sya pero nagsmile din agad.

"Aww, sweet, hindi ko naman kailangan ng kapalit eh, pero thanks anyways. Isa lang naman yung gusto kong gawin mo para sakin. Wag mong iiwan yung kapatid ko" seryosong sabi nito.

"Oo naman! Bestfriend ko kaya yun!"

Tumango naman ito.

Hayyy, why do I feel strange everytime na kasama ko si Nikki. Nah, siguro masaya lang ako dahil friends na kami. Yun lang yun Faye. Yun lang.

Papasok na dapat kami sa classroom ng biglang may lumapit samin. In fairness gwapo si Kuya ha! At ang bongga ng dalang flowers. Nakangiti itong lumapit samin.

"Hi babe! Goodmorning" sabay halik kay Nikki.

Oh so eto yung boyfriend nya. Well, bagay sila. Mukha namang matino.

"Goodmorning babe! Sorry kahapon ha, may importante lang talaga kong ginawa" narinig kong sabi ni Nikki.

"It's ok babe! Sige dumaan lang ako para maggoodmorning sayo and ibigay tong flowers. I love you"

"Ang sweet lang talaga ng boyfriend ko. Thank you and I love you too"

Eh di sila na yung sweet. Ako na yung walang boyfriend, ako na yung bitter!

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon