Chapter 10

29.8K 688 21
                                    

FAYE'S POV:

Talaga naman! Hindi ko alam kung malas o swerte pero si Nikki yung kasama ko sa kwarto. Temptation! Temptation! Sabi nila nasa loob na daw ng kwarto si Nikki. Magpahinga din daw muna kami, tatawagin na lang daw pag dinner na.

Dahan-dahan ko binuksan yung kwarto, nakita kong nakahiga na si Nikki sa kama. Mukhang pagod na pagod lang. Dahan dahan din akong tumabi sa kanya. Bahagya syang gumalaw kaya akala ko nagising sya. Humarap ako sa kanya. Hinaplos ko yung buhok nya para mas makatulog sya. Kinumutan ko na rin sya dahil medyo malamig dito sa kwarto. Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog. Nakakapanghinayang kasi kailangan kong syang i-let go kahit hindi naman sya naging sakin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

"In time Nikki, in time" bulong ko dito.

Tatayo sana ako ng maramdaman kong humawak sya sakin.

"Dito ka lang please. Wag mo kong iwan" sabay yakap sakin ng mahigpit.

Nananaginip ba to? Tsss. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit.

"I love you" bulong pa nito habang natutulog.

Sana lang Nikki para sakin yun kase ako, mahal na mahal na kita.

Yun lang at ginawaran nya ito ng masuyong halik sa noo.

NIKKI'S POV:

Hmmmm, ang bango naman ng unan ko, amoy strawberry.  At ang lambot-lambot pa. Pagmulat ko, gulat na napatingin ako sa pwesto namin. 

Magkayakap kami ni Faye sa kama. So sya pala yung kasama ko dito. Ang lapit naman sa tukso. Nakatitig lang ako sa mga labi nya. Ang pula-pula lang, at parang sinasabi sakin na,  halika Nikki angkinin mo ako. Unti-unti kong inilalapit yung labi ko sa kanya ng biglang may kumatok. Nagulat ako at nagpanic kaya biglang napadikit yung labi ko sa labi nya. OMG we kissed! Mas lalo akong nagulat dahil nakita kong gising na rin si Faye at nabigla din sa nangyari. Agad akong lumayo sa kanya.

"I-im sorry Faye, nagulat lang ako sa katok promise. Sorry sorry" hinging paumanhin ko dito habang nakatalikod.

Paglingon ko kay Faye. Tulala pa din.

Hala! Na-trauma ata!

"Faye! Faye!" sabay yugyog ko dito!

Hindi pa rin ito kumikilos. Sinampal ko na lang para magising.

PAK!

"Aray ko naman!" sigaw nito habang hawak hawak yung pisnging sinampal ko.

"Sorry, eh kasi naman tulala ka eh! Sorry talaga" sabi ko sa kanya.

"Ikaw na nga biglang nanghalik tapos ikaw pa may ganang manampal" reklamo pa nito.

"Sorry na nga kasi. Hindi ko naman sinasadya eh. Nagulat lang talaga ko. Patayo na kasi dapat ako tapos biglang may kumatok" paliwanag ko sa kanya.

Nakita ko sya na hinaplos-haplos yung labi nya. Napangisi ako sa kanya.

"Oh bat ganyan ka makangisi dyan?!" mataray na sabi nito.

"Don't tell me ako yung first kiss mo?" tukso ko dito.

Nakita ko kung pano sya namula.

"OMG, you're blushing! Tama ako, first kiss mo nga yon! I stole your first kiss" panunukso ko pa dito.

"Tse! Tigilan mo ko! Lumabas na tayo at nagugutom na ko." Masungit na sabi nito bago nya ko

iwan sa loob ng kwarto.

Ngingiti-ngiti naman ako habang palabas.

I was able to steal the first kiss of the girl I love. 

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon