Chapter 3

38.6K 738 5
                                    


FAYE'S POV:

Nandito kami ngayon sa mall nila Nikki. Wow lang, ang laki-laki talaga and ang daming customers ha. Nakwento sakin noon ni Milong na si Nikki na daw yung nagmmanage ng lahat ng business nila simula nung namatay yung parents nila. Kaya hindi na din ako nagtataka kung bakit sobrang seryoso lagi nyang si Nikki. Ikaw ba naman ang bata-bata mo pa tapos andami mo na kaagad responsibilidad. She's really something. Oh no! What the?! Ano ba tong pinag-iisip ko! Stop it Faye!

O wala naman masamang humanga diba?

Babae din yan hoy! At kapatid pa ng bestfriend mo!

So? Hindi ko naman sinabing mas gusto ko sya kay Milong diba?

Sus kunwari ka pa? Eh hindi ka nga makatingin ng derecho sa kanya!

What?!

"Ehmmm" natigil ang pakikipagtalo ko sa isip ko ng biglang may tumikhim.

"Ay sorry Nikki, may iniisip lang ako" hinging paumanhin ko dito.

Bigla naman itong natawa.

"Ba't feeling ko may kaaway ka kanina? Nagkakahandahaba yang nguso mo habang nagdday dream eh. Hahaha!" tawa pa nito. Nakita ko na nakatawa din si Jenny.

AWKWARD! And why am I blushing! Napayuko na lang ako.

"Awww cute, bessy she's blushing o!" narinig kong sabi ni Jenny.

Nakita kong nagsmile lang si Nikki. Pagpasok pa lang namin ay binati na ito ng mga empleyado sa mall.

"Ganda talaga ni Ma'am Nikki no? Swerte talaga ng boyfriend nya" narinig nyang bulong nung isang babae sa katabi.

BF? Nagkibit-balikat na lang sya. As if I care. Hahaha!

Andami namang biniling damit nitong si Nikki, pansin ko lang ha, halos lahat ata ng daanan namin na boutique eh may binibili sya. O eh di sila na yung mayaman. Pagkatapos namin mamili ay umuwi na din kami, medyo gabi na kasi eh. Nauna ng inihatid ni Nikki si Jenny, kaya eto kami ngayon naiwan sa kotse nya. OMG! Bat ba wala akong masabi! Tahimik pa rin kami hanggang makarating kami sa subdivision namin. Pababa na ko ng kotse ng bigla nya kong hinabol.

"Faye!" tawag nya

Paglingon ko ay nakatodo na naman yung smile nya. Crap! That smile, why do I always feel something strange kapag ngumingiti sya sakin. Paglapit nya ay iniabot nya sakin yung mga pinamili nya.

"Para sayo lahat to!" sabi nya sabay beso sakin.

Shit lang! Parang nagstiff ako don! Beso lang yun Faye! Ganon sya sa lahat ng friends nya! And diba sabi nya friend ka na nya?! Matagal ng nakapasok si Nikki pero andito pa rin ako sa may labas. Gosh, what the hell is happening to me?!!!!

NIKKI'S POV:

"Good evening baby bro!" masiglang bati ko kay Milo na nanonood ng tv sa salas!

"Ate!" sabay yakap nito sakin.

"Aww ang sweet talaga ng baby ko. Kumain ka na?" tanong ko dito.

Tumango naman ito.

"Ikaw?"

"Yes, sa mall kanina kasama ko si Jenny and si Faye."

Nakita kong nagninging ang mata ni Milo sa narinig.

"Thank you ate! The best ka talaga! Best ate in the world" at kiniss ako ng kiniss sa pisngi.

"Ewww bro! Pwede ba? Si Faye kaya yung i-kiss mo! Tsss" reklamo ko dito.

"Saka na yun ate, pag kami na." masayang sabi pa nito.

"BTW, ok lang naman sayo kung medyo i-make over ko yung nerdy girlfriend mo diba?" tanong ko dito.

Saglit naman itong nag-isip pero tumango din naman bandang huli. 

"Ikaw bahala" sabi nito.

"Syempre naman no, kung makikipagkaibigan sya samin, kailangan, cool din sya, hindi yung nerdy look. You know what I mean" natigilan ako dahil sumama yung tingin sakin ni Milo.

"Maganda naman sya kahit ganun sya ate" sabi pa nito.

"I know baby kaya ko nga gagawin to para mas lumabas pa yung totoong ganda nya" sabay kindat ko dito.

Nakita ko naman na ngumiti na ito.

"Lika na nga baby matulog na tayo at baka ma-late pa tayo bukas. Goodnight. I love you" paalam ko dito sabay pasok sa kwarto. 

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon