Chapter 20

29.5K 616 12
                                    

Puro POV po muna ni Nikki yung mababasa nyo.

NIKKI'S POV:

"Baby bro, papasok na ko sa office, ikaw?"

Four years na mula nung iwan kami ni Faye. Ni wala syang sinabihan samin kung san sya pupunta o kung babalik pa ba sya. I don't think Milo has moved on, hanggang ngayon mahal pa rin nya si Faye. Ni wala ngang naging girlfriend yan after syang iwan nito. Umaasa pa rin sya na babalik ito. As for me, hindi na siguro, oo namimiss ko sya, at aaminin ko I still love her, pero iba na ngayon, I think I moved on. I already have a boyfriend. We'll technically hindi naman talaga ko lesbian, madami naman akong nakilalang magagandang babae, mas maganda pa nga sa kanya, pero never ako naattract. Sa kanya lang bumaliktad ang mundo ko.

"Yes ate sabay na tayo" tinutulungan na ko ni Milo sa business namin. Kesa naman daw mabaliw sya kakahanap at kakahintay kay Faye, tutulong na lang daw sya sa business. Naniniwala daw sya sa kanta love will lead you back. Urg! Corny! TSSS.

Pagdating namin sa office ay sinalubong agad kami ni Nico.

"Hi baby! Goodmorning" bati nito.

"Morning baby! I missed you" bulong ko dito.

Then he kissed me sa cheeks.

Nagulat ako dahil bigla ko na namang naramdaman yung kakaibang tibok ng puso ko na matagal ko ng hindi nararamdaman. Alam kong hindi yun dahil sa halik ni Nico. I can feel na may nakatingin samin. Inilinga ko yung mata ko sa mall pero wala naman akong nakitang kakaiba. Nagkibit balikat na lang ako dahil baka imagination ko lang yun. Sabay-sabay na kaming tatlong pumasok sa office.

"Ma'am nandito po si Mr Villanueva." Salubong sakin ng secretary ko.

"Sige papasukin mo" utos ko dito.

I was busy reading some documents ng may kumatok.

"Come in"

Nakita kong pumasok sa pinto si Mr Villanueva, manager ng isang clothing line na partner ng mall namin.

"Goodmorning Ms Fernandez" bati nito.

"Goodmorning Ms Villanueva, what can I do for you?"

"Our company will be having a change in management within next week. It will be handled by Mr Alix's daughter. "

Alix. Why is it so familiar. Parang narinig ko na yung last name nay un pero I can't remember kung saan. Tsss.

"And?" tanong ko pa dito.

"Sinamahan ko yung daughter nila para makilala ka. She'll be managing their company kaya sabi ni parents nya, matutulungan mo sya kung ittrain mo sya. And bukod kasi na sya yung magmamanage ng clothing company nila, sya din yung magiging model non." Paliwanag pa nito.

"Oh so this girl is a model. May alam naman siguro sya sa paghandle ng company no?" tanong ko pa.

"Wala."

"What? So papano ko sya ittrain kung wala naman pala syang alam. Kahit basic?"

"Yes, that's the reason kung bat humihingi ng tulong sila Mr and Mrs Alix sayo. Kung pwede daw sana ay itrain mo yung anak nila para sa pagmamanage ng company nila." Pakiusap pa nito.

"Kelan ko sya pwedeng makausap at makita?"

"Nandyan sya sa labas, tatawagin ko lang" paalam pa nito.

Biglang nagring ang phone nya kaya sinagot nya muna ito habang hindi pa pumapasok ang mga bisita nya.

"O yes baby bro bakit? May problema ka?"

Napansin ko na may kasama na si Mr Villanueva pagpasok nya pero hindi ko muna sila tiningnan.

"Hoy Milo! Bat ba nagkakandabulol-bulol ka dyan! Tsss!"

"Ate she's back"

"Ano?"

"Nakabalik na sya"

"Sinong nakabalik na?" sasagot pa sana ito pero bigla na lang naputol ang linya. Humarap ulit ako kay Mr Villanueva. Medyo nakatalikod yung kasama nya kaya hindi ko makita yung itsura.

"Sorry, yung kapatid ko, kung anu-anong sinasabi. So sya ba yung ittrain ko?" tanong ko kay Mr Villanueva.

Tumango naman ito. Noon biglang humarap yung kasama nyang babae. Noon ko lang naintindihan ang sinabi ni Milo. She's back. She really is back.

"Ms Nicole Fernandez, meet Ms Faye Alix." Pakilala nito.

Nakita kong naglahad sya ng kamay pero parang hindi ko maikilos ang mga kamay ko. Gawwwd what is happening to me? Nakangiti sya sakin pero alam kong may kakaiba sa ngiting yun.

Magsasalita sana ako pero bigla na lang nagdilim ang buong paligid.

"Nikki!" rinig kong tawag nya bago ko mawalan ng malay. 

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon