BADUY 10

184 6 1
                                    

Hello! Nais ko lamang sabihin sainyo na ang storyang to ay unique at walang ginagayang iba, Kung may makita o mabasa man kayo na kapareha ng nabasa niyo ng libro ay COINCIDENCE lamang at hindi sinasadya.

Don't forget to vote and comment!

~BeautyInBlack

…………………………

Nagising ako sa malambot na kama, Unti-unti kong minulat ang mata ko at tumingin sa paligilid. Nasa hospital ako. Nakita ko si ate sa gilid ko na natutulog, at sa sofa naman ay nakaupo at nag-uusap sina Ruby at Abby kasama sina Baduy at Dave, Anong ginagawa ng mga to dito? Biglang sumakit ang ulo ko at naalala ko ang nangyari kahapon.

"G-gising ka na!" Si ate.

"Nasaan yung lalaki?"  Tanong ko.

"Sinong lalaki?" Tanong ni ate, ba't di niya alam?

"Yung tumulong sakin." Sabi ko at bumangon.

"Wala namang lalaki dito nung nadatnan kita, Yung nurse lang."  Sabi ni Ate na kinakunot ng noo ko.

"Bakit di man lang siya nagstay? Para naman kahit papano ay makapagpasalamat ako ng maayos sakanya. Hindi ko manlang natanong ang pangalan niya." Sabi ko at bumuntong hininga, Baka babalik yun? Baka may emergency lang sakanila? Eh bat ko ba inaalala yun?! Walang kwenta!

"Wag mo munang alalahanin yun, ang importante ay maayos ang kalagayan mo." Biglang sulpot ni Baduy. Tuwang-tuwa na napapalakpak pa si ate at tinap si Baduy.

"I like your attitude!"  Maarteng sabi niya kaya iniba ko ang topic.

"Gutom na ako." Sabi ko at nagmamadali namang inabutan ako ng pagkain nung apat sa likod ni ate.

"Wow ang daming alalay ng kapatid ko." Sabi ni Ate saka natawa.

"Duh ate Yana ang sarap lang batukan niyan ni Sammy! Sana binunggo niya nalang Yung mga manyakol na nakasalubong niya sa daan! Masyadong mayabang eh ang sabi nung leader ay puro pambabatok at sipa lang naman ang ginawa niya!" OA na sambit ni Ruby.

"Duh Ruby! Ang galing ko kaya.  Yung leader lang ang di ko napatumba."  Sabi ko at inirapan siya, Natawa naman sila maliban kay baduy.

"Ah Sammy ito prutas dinala ko, mauuna na ako dahil may lakad pa ako."  Nakangiting inabot sakin ni Dave ang mga prutas at nagthank you naman ako bago siya umalis.

"Ah... Ako din pala bes! Dinalhan nalang kita ng teddy bear, Ito oh." Sabi ni Abby at ganun din ang sinabi ko bago siya umalis. "Pagaling ka ha." sabi niya at tuluyan ng nilisan ang kwarto ko. I smell something fishy.

Nasa kalagitnaan ng interview si ate at baduy, Si ate ay tuwang-tuwa na animo'y boto ito kay baduy. Nakikitawa rin si Ruby ng may pumasok na nurse.

"Ah ma'am check ko lang ho kayo ah, Mmmm...ayos na ho kayo at mamayang four pm ay makakalabas na ho kayo paubusin niyo lang ho yang dextrose niyo." Sabi niya at nakangiting lumabas.

"Gusto niyo ng snacks?" Tanong ni Ruby.

"Oo gusto ko ng Pringles." Sabi ko naman.

"Sama ako! Carlo bantayan mo si Sammy ha." Sabi ni Ate saka kinindatan si Baduy sabay takbo paalis.

"Pano yan Sammy Babe, ako nalang kasama mo." Sabi niya at Dahan-dahang lumapit sakin, Bigla namang kumabog ng mabilis ang tibok ng puso ko at nabibingi na ako sa lakas nito, Wahhh baka marinig niya huhu. Lumapit pa siya ng lumapit juskolord! Wag sana akong halikan neto! Ayokong makuha ng baduy ang first kiss ko! Mukhang dejavu ito ah.

Tinulak ko siya at namumulang tinuro "Kung balak mo kong halikan wag mo ng ituloy! Buhay mo ang kapalit." Sabi ko sakanya ngunit humagalpak lang ito ng tawa. Napatitig naman ako sa pagtawa niya dahil ang gandang tignan at di nakakasawa....... TOINK! Bigla kong narealize ang sinabi ko at umiling-iling.

"ASSUMING KA RIN PALA BABE HEHE, AALISIN KO LANG SANA YUNG KAUNTING DUMI NA NASA NOO MO." Sabi niya saka ulit tumawa kaya naman dala ng inis ay binato ko siya ng unan.

"YIEEEEE ANG SWEET SWEEEET NAMAN NG LOVE BIRDS DITO!"  Biglang sulpot ni ate kasama si Ruby na nanunukso ang tingin. Bigla naman akong namula at ganun rin si Baduy ngunit nakatitig ito sakin at nagpapacute!

"Tse! Akin na nga yang Pringles ko!" Naiilang na sabi ko.

Habang kumakain ay nagring ang cellphone ni ate. "Uhm yes? Sa hospital, My sister. Yes, she's now okay. Ah okay sige may mga friends naman siya here, Okay sige I'll be there at 30 minutes wait for me. Okay bye!" Sabi ni Ate at tumingin sakin.

"Dear sissy kailangan ako sa shop. May client ako eh kaya maiwan muna kita ha, Ruby, Carlo. Kayo muna bahala kay Sammy ha."  Baling niya sa dalawa at tumango-tango naman ang mga to.

"Sige ate baka hinihintay ka na dun, aalis na rin naman na ako dito mamaya so don't worry." Sabi ko at umalis na ito.

"HOLLLLLYYYYY SHEEEEEEEEEEEET!"  Biglang sigaw ni Ruby kaya naalarma ako.

"HOY! Anyare sayo?!  Nababaliw ka na?!" Sunod-sunod kong tanong sakanya.

"EH K-KASIII NAGPAPASAMA SAKIN SI JANICE YUNG COUSIN KO! Ngayon na pala yun huhu. Okay lang ba na si Carlo nalang ang magbantay sayooooo?" With matching pleading eyes pa niya. Mukha namang hindi siya nagbibiro at aligaga na siya sa inuupuan niya kaya bumuntong hininga nalang ako at tumango.

"YES! Ilabya besss, Carlo bantayan mo to ha! Ikaw na magdrive sakanya pauwi!" Bilin ni Ruby kay baduy.

"Oo naman hindi ko pababayaan ang Sammy Babe ko." Sabi ni Baduy with matching kindat sakin! Ugh! Nakakadiri.

"Sige bye Sammy!"  Saka nakipagbeso sakin si Ruby.

Nang makaalis na ito ay parang may dumaan na anghel. Nakatitig lang ako sa kisame at si Baduy ayun mukhang nag-iisip ng ipantritrip niya, Bumaling naman siya sakin kaya dali-dali kong inangat yung ulo ko animo'y nakatingin ulit sa kisame, Nandun nanaman yung bilis ng kabog ng puso ko! Tumikhim naman siya at nagsalita na. Kaya no choice kundi ang tumingin sakanya, kabastusan naman kung di ako titingin sakanya. Pigil hininga akong tumingin sakanya at hinintay ang sasabihin.

"Kung sakaling si Drek at ako ay iisa anong reaksyon mo?" Sabi niya na ikinatawa ko ng malakas, at nung tumingin ako sakanya ay seryoso lang siyang nakatingin sakin kaya bumalik ang lakas ng tibok ng puso ko at sumagot.

"F-first of all IMPOSSIBLE yun okay? Gwapo siya at PANGET ka!" Sabi ko at tumawa ulit.

"Tss, Sammy makinig ka sakin." Seryosong sabi ulit niya kaya tumigil ako sa pagtawa at tumingin sakanya.

"Ngayon ko lang sasabihin to kaya makinig ka..... BADUY KA SAMMY." Seryosong sambit niya, WHAT THE HECK?! 

"WOW IPINASA MO PA ANG SAKIT MO! Bwisit!"  Sabi ko ngunit bahagya lang itong natawa.

"May meaning kasi yun, Bahala ka na mag-isip kung ano HAHA." Sabi niya na siyang ikinainis ko.

"Pagiisipin mo pa ako nuh? Bahala ka na nga diyan." Sabi ko at tinalikuran siya, Alas dos palang at two hours ko pang makakasama ang asungot na to!

Bigla namang may pumasok na nurse. "Ah miss inumin niyo nalang ho tong gamot niyo saglit."  Sabi niya kaya tumango ako at uminom.

Nilisan na ng nurse ang kwarto ko, at dahil ayokong kausap ang isang baduy ay umidlip muna ako.

…………………………

Hello! Kamusta? Bakasyon na ano? Edi masaya nanaman kayo HAHA ako rin naman! At araw-araw na akong makakaUD! <3 Don't forget to vote and comment!

Lovelots <3

~BeautyInBlack

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Ex kong BADUY ay nagbabalik? (On-going)Where stories live. Discover now