BADUY 9

92 5 2
                                    

Sammy's POV

Late na ako nagising 9:23 na, bigla nalang pumasok si manang at sinabing wala na si ate at umalis na ng bahay tapos nasa baba daw yung bago kong kaibigan means si Abby.

Saktong 10 na ako nakababa at sumalubong sakin ang mga mukha nilang nababanas na Hahaha.

"Sorry naghintay tuloy kayo Haha, Kung tatanungin niyo ay wala ang parents ko dahil nasa Thai." Sabi ko atsaka na kami nagpunta sa kanya-kanyang sasakyan.

Habang nagmamaneho ay nagsasound trip ako at sinasabayan ito, Hindi ko na masyadong inaalala ang mga kaganapan kahapon, Ang mabuti ay nasa tabi nila ako. Nang makarating ay agad kaming nagtungo sa Grocery.

"Errrrr... 30 minutes na tayong naglilibot ay wala pa maski Isa tayong nabibili." Inis na sambit ni Ruby, paikot-ikot lang kami sa grocery at hindi alam kung ano ang bibilhin.

"Camp lang naman so mga delata nalang." Suhestiyon naman ni Abby. Tumango naman kami at kumuha na ng mga delata.

Kumuha rin kami ng mga chocolates, Mineral Water at kung ano-ano pa na makakain at magagamit sa camp. Inabot rin kami ng alas tres sa pamimili dahil naglibot-libot pa kami at bawat nabibili namin ay agad naming inilalagay sa Kotse.

"Kain muna tayo, di pa tayo naglalunch eh." Sabi ko sa dalawa.

"Wahhh sige tara-tara sa Max's tayo." Si Ruby.

Pagkarating ayy naagaw agad ng pansin ko ang dalawang lalaki na nasa dulo, Kung di ako nagkakamali ay si Baduy ito at ang kaibigan niya syempre! Napa buntong hininga nalang ako at tumuloy.

"Oh bakit para ka namang sinakluban ng Langit at lupa?" Tanong ni Abby at natawa naman si Ruby malamang alam na niya! Nakaorder na rin kami at kumakain na saktong sa tapat nila baduy kami naupo!

"Hahahahahahahahahahaha." Deretsong tawa ni Ruby.

"Sige lang Ruby! Bwiset ka!" Inis na sabi ko sakanya at taka namang napatingin si Abby saming dalawa na tila di niya kami maintindihan, Hindi naman kasi talaga niya alam eh!

"Alam mo yang baduy manamit na nasa harap natin?"  Turo ni Ruby kay baduy kaya hinampas ko yung kamay niya baka mapansin kami eh!

"Oh? Bakit yan?" Tanong naman ni Abby.

"Yan ang forever ni Sammy WHAHAHAHAHA!" King Ganda ka Ruby!

"O? Got problem with that? Gwapo naman siya, Baduy lang!" Sabi ni Abby na siyang ikinataas ng balahibo ko at sabay kaming natawa ni Ruby.

"Haha....m-mukhang..Hahaha...Kailangan.. HAHAHA... Na ni Abby ng S-sa...Haha...lamin!" Sabi ni Ruby at humagalpak ulit ng tawa saka habol ang hiningang tumingin samin na seryosong nakatingin sakanya at......NAGTAWANAN ULIT KAMING TATLO! Hahaha mga baliw kami wag tularan.

Mabuti naman at di kami napansin nung dalawang ugok. Maaga pa naman at balak namin umuwi ng alas otso kaya pumunta kaming game zone.

"MATATALO NA AKOOOO!" Sigaw ni Ruby, Ayos lang naman dahil game zone ito.

"WHAHAHA."  Ako at si Abby.

Matapos maglaro ay may natanto ako............. Na magkakarhyme ang name naming tatlo! Thou nickname lang yung akin Haha, Sammy, Ruby and Abby! Ayos Haha kabaliwan nanaman.

Alas-sais palang pala, Ngunit napagpasyahan na naming magsi-uwi na dahil pagod na rin naman kami. Nagkahiwa-hiwalay na kami ng daanan, Sa kalagitnaan ng pagdadrive ko ay may mga lalaking mukhang lasing dahil base sa postura ng mga to ay pagewang-gewang na sila, Humarang sila sa dadaanan ko. At dahil ang daanan dito ay kakaunti lang ang dumadaan na sasakyan mga paisa-isa lang ganun dahil shortcut lang naman ito at ito ang daanan papuntang village namin. 7:23 narin kaya madilim na, Ang bilis ng oras. Binuksan ko ang bintana at sinabing gumilid sila dahil makikiraan ako ngunit ang sagot.....

"Ang Ganda mo miss, Ngunit saamin ang daananan."  What the heck?! 

"Anong sainyo?! King Ganda tabeee!"  Sigaw ko sakanila ngunit nagtawanan lang ang mga ito. Bilang ko ay nasa anim sila.

"WHAHAHAHA gusto ko ang babaeng to, Kunin niyo nga yan." Sabi nung lalaki na malaki ang katawan, Tss don't me di ako takot sainyo! Mukhang magagamit ko ang martial arts na pini-PE namin ngayon ah.

Bumaba ako ng sasakyan at tinignan sila ng masama, mabuti nalang at nakapants ako ngayon at jacket na black. May naramdaman naman akong lalaki sa likod ko sa may gilid na nakatitig lang at hindi manlang ako tulungan ng bwiset na to. Dahan-dahan namang lumapit ang mga tarantado sakin ngunit pinigilan ko sila.

"Anong gagawin niyo?" Tanong ko at nagtawanan sila, nakakarindi ang tawa nila!

"Whoaaa saglit lang, titikman ka lang naman namin miss eh." Sabi nung payat saka sumugod sakin.

Akmang yayakapin niya ako ng sinipa ko ito sa tiyan at tumilapon! Hahaha ang galing ko omo!

"Whoa! Mukhang magaling sa bakbakan ang isang to Pare!" Sabi nung may katabaan.

"Kingina! Ang sakit nun ah, sugurin yan!" Sabi nung payat, at dun ko natantong leader ito at Isa silang gang. Nakita ko kasi sa braso niya ang red na dragon at sa mga kasamahan niya ay black na dragon.

Isa-isa silang sumugod sakin at isa-isa ko naman silang sinipa. "Shit! Kabayo ka!" Sigaw sakin nung mataba Haha puro sipa ba naman ginawa ko. Akmang susugod yung payat ay binatukan ko ito at sinipa ulit HAHAHAHA, Sumugod ulit yung mataba kaya naman pumunta ako sa likod niya atsaka ako sumakay at sinabunutan ito at ilang ulit na binatukan at sa huli'y sinuntok ko ang batok neto at teneeeeen! Tulog! Isa nalang Yung leader nalang.

"Magaling ka manipa at mambatok miss ito ang sayo!" Galit na sabi niya atsaka ako sinugod, Natumba ako sa ginawa niya pagsipa sakin masakit man ay agad akong nakatayo at sinuntok siya sa panga at sa lalamunan dahilan para mamilipit siya sa sakit, Sinuntok niya naman ako sa braso at nanghina ako. Ang sakit letse! Huhu ng lumingon ako sa likod ay yung lalaking nasa likod ko ang nakita ko at nakatingin lang talaga ito samin! Walang KWENTA!

Lalapit ulit sana ito ay sinipa ko at saktong nagsidatingan ang mga pulis, sinulit naman nung leader at agad akong sinuntok nito sa tiyan. Napahiyaw nalang ako sa sakit at Dahan-dahang nawalan ng malay ngunit bago yun ay sinalo ako nung lalaking nasa likod ko di ko na maaninag ang mukha niya dahil madilim na rin kaya I mouthed thank you at pumikit na, alam kong siya ang tumawag ng mga pulis.

…………………………

Okay dapat Talaga laging may END OF CHAPTER blah blah sa huli? Hahaha maiba lang enebe. Dahil hindi ko naiUD yung chapter 8 last time ay dalawa ang iUUD ko ngayon! Iloveyou all sana di kayo magsawa na magbasa.

Hello sa mga readers ko Haha meron nga ba? Isang hi naman oh :-( malapit na ang pasko! Advance Merry Christmas sainyo.

Don't forget to vote and comment!

Lovelots <3

~BeautyInBlack

Ang Ex kong BADUY ay nagbabalik? (On-going)Where stories live. Discover now