BADUY 8

93 6 0
                                    

Carlo's POV

Si Dave ay pinsan ko na nanliligaw na rin kay Sammy, Kumukulo ang dugo ko nang tumingin siya sakin at ngumisi! Tss sisiguraduhin kong ako ang sasagutin at hindi ikaw bwiset!

"Pare relax lang tayo." Saka ako tinapik-tapik sa balikat ni Leo.

"Tsk!" Inis na sambit ko nalang at nagtungo sa banyo.

Habang naghihilamos ay napapaisip ako, Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng eagerness na makuha si Sammy! Hindi dahil sa may gusto na ako sakanya nuh! Di ako magkakagusto dun! Basta gusto ko lang siya makuha dahil dun sa BET, at ayokong may umaaligid sakanya dahil baka maunahan ako! Kaya sa camp sisiguraduhin kong ako lagi ang kasama niya, WALA NG IBA!

Matapos kong magtransform into Drek ay nagpunta ako sa may garden, gustong-gusto kong pumunta doon para magrelax, Ang Ganda kasi ng ambiance talagang stress reliever at hindi mainit, maganda rin ang tanawin. Sumapit ang hapon ng di ko namamalayan dahil nakatulog ako, Tumayo ako at pinagpag ang damit ko saka nagtungo sa parking lot. Saktong umalis na rin ang kotse ni Sammy na may kasunod na dalawa pang kotse at nasisiguro kong kay Ruby ang color pink na kotse. Nagsimula narin akong magdrive at umalis tinext ko na rin si Leo na umalis na ako at umuwi.

Ruby's POV

Ang sakit! Sobrang sakit! Gusto kong umiyak pero walang luha ang lumalabas, I tried to look like I'm strong but I can't, Nakatulala lang ako habang nagkwekwento si Abby tungkol sakanila ni Dave, Masakit yun sa side ni Abby syempre dahil yung mahal niya ay may mahal na iba at masaklap ay sa bestfriend naming si Sammy pa, SI SAMMY NA MAY GUSTO SA EX KONG SI DREK! Sobrang komplikado! Ang gulo! Ang gulo, gulo! Hindi ko masabi kay sammy na nagkaroon kami ng relasyon ni Drek, natatakot ako sa magiging reaksyon niya.... Wala akong kwentang kaibigan!

Matapos kong magkwento at maiyak dahil naalala ko nanaman ang mga masasayang alaala na alam kong di na maibabalik pa ay nagpunta kami sa mall at napagpasyahan na naming umuwi.

Sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto at nilock ito saka humagulgol. Naalala ko nanaman kasi Kung bakit kami nagbreak, hindi pa siya sikat na model and artist nung magbreak kami. Naging mag-on kami ng halos three years GRADE EIGHT? Bata pa kami pero alam namin na mahal namin ang isat-isa.

FLASHBACK

Grade 10 na kami at 3 days ay moving up na namin, nagpa-practice kami dito sa school ng lumapit si dad sakin kasama si mom ng may seryosong mukha.

"Anak Ruby, alam kong masakit para sayo to. Ngayon lang kami magfavor sayo kaya sana Sundin mo." Seryosong sabi ni mom, at oo ngayon lang sila humingi ng favor sakin. Spoiled ako dahil kaisa-isahang anak nga naman. Tumango nalang ako.

"Gusto naming makipagbreak ka kay Drek." Napatulala lang ako matapos sabihin ni mom yun, Walang luhang lumabas sa mga mata ko. Tumango-tango nalang ako atsaka sila tinalikuran at nagtungo sa garden saka doon umiyak ng umiyak.

Bigla namang dumating si Drek, matagal niya ng alam ang secret garden na to. Tanong siya ng tanong ano daw problema ko, Isang oras ganun hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ang favor nila mom. Hindi ko maintindihan! Hindi ko alam kung bakit biglaan nila akong pinapahiwalay kay Drek, at hindi ko na aalamin kahit kailan dahil AYOKONG MALAMAN ANG WALANG KWENTA NILANG DAHILAN!

"D-drek...." Unang sambit ko at humagulgol ulit, niyakap niya naman ako. "K-kasi.... MAGBREAKNATAYO." Deretsong sabi ko at tinulak siya.

Ang sakit tignan ng reaksyon niya, Nakatingin lang siya sakin ng cold atsaka tumango-tango at umalis na! Ano? Ganun nalang? Hindi na siya magmamakaawa na balikan ko siya? Hindi niya na ako ipaglalaban? Hindi na siya magtatanong kung anong dahilan? Nang mawala na siya sa paningin ko ay napaluhod na ako at sumigaw sigaw habang umiiyak! WALA NA! Wala ng Drek at ako! Naiinis ako sa mga magulang ko SOBRA!

Hindi na ako makahinga kakaiyak, bago ako mawalan ng malay ay sinambit ko ang katagang "Mahal na mahal kita Drek."

END OF FLASHBACK

Simula ng araw na yun nagalit na ako sa magulang ko, hanggang ngayon at sa tingin ko'y habang buhay ko ng dadalhin ang Sama ng loob ko.

Lagi akong kinocomfort ni Sammy, hindi niya ako pinabayaan nun kahit na nilihim ko sakanya na nagboyfriend ako. Hindi na rin ako nag-abalang ipakilala kung sino ito. Yung time na muntik na akong magsuicide ay bigla akong nauntog at natauhan sa mga payo sakin ni Sammy. Napakalaki ng utang na loob ko sakanya na kailanmay di ko mababayaran. Sobrang lucky ko to have her as my bestfriend. Si Abby naman netong grade 11 lang namin siya naging bestfriend at alam naming totoo siya.

Nang tignan ko ang oras ay alas dose y media na ng gabi naninigkit rin ang mata ko sa pag-iyak, naghilamos muna ako bago natulog. AT SIMULA NGAYON KAKALIMUTAN NA KITA DREK, GANUN KADALI MO AKONG NALIMUTAN PWES! Kayang-kaya ko din yun! Matititigan kita sa mga mata mo ng hindi maiilang! 

Tumawag din sakin si Sammy kanina at ayun pinakita ko sa boses ko na okay lang ako. Matapos ay tinawagan ko rin si Abby at umoo ito sa gagawin naming pamimili bukas ng baon.

KINABUKASAN

Maaga akong gumising mga 8? Madalas kasi kapag sabado ay alas diyes na ako nagigising. Naligo na ako at nilagyan ng kung ano-ano ang mata kong sobrang mugto! Inabot din ako ng isang oras.

Bumaba na ako upang kumain ngunit may mga papansing tawag ng tawag sakin! Nagsandok nalang ako at Umupo sa dulo atsaka nagsimulang kumain binalewala ang mga matang titig na titig sakin. Matapos kumain ay lumabas na ako at nagtungo sa bahay ni Sammy.

Pagkarating ko'y naabutan ko si Abby na nakaupo sa sofa at halatang inaantay niya si Sammy.

"Abbyyyy your crying shoulderrrrrr...."  Natatawang kanta ko at tumawa rin siya saka tinap ang upuan kaya umupo ako. Limang minuto nalang at alas diyes na.

Saktong 10 ay bumaba na rin si Sammy.

"AFTER 123456789 years! Bumaba ka na." Sabi ni Abby sakanya at natawa naman ito saka kami inayang umalis na. Wala kasi ang magulang niya nasa Thai daw eh, dun na daw siya sa mall kakain.

…………………………

End of chapter Eight! This chapter is Dedicated to my first ever commentor Haha hello! BtchQwing keep supporting bebe, labyo.

Don't forget to vote and comment! Iloveyou!

Lovelots <3

~BeautyInBlack

Ang Ex kong BADUY ay nagbabalik? (On-going)Where stories live. Discover now