BADUY 3

132 8 0
                                    

Hello! Dahil mahal ko kayo, magUUD ulit ako, Sana magustuhan niyo.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!  <3

……………

Sammy's POV

Buong maghapon ay tahimik lang si Ruby, nabobother ako kasi baka mamaya galit siya sakin ng hindi ko alam.

"Ruby, May problema ba?" Tanong ko sakanya ngunit umiling lang siya at ngumiti saka tumingin ulit sa harap, Hays alam kong meron kaya kukulitin ko siya.

DISCUSS

DISCUSS

ACTIVITY

DISCUSS

LUNCH BREAK

"Huy! Ruby Ganda." Tanong ko at bigla itong ngumiti ng malaki, BIPOLAR? Hahaha.

"Yessssss?"  Yowwwwn bumalik na ang Ruby HAHAHA.

"Tss nasabihan lang ng Maganda akala mo first time HAHAHAHA, alam kong may problema ka so tell me. Ano ba yun?" Tanong ko at bumalik nanaman ang malungkot na aura niya.

"Family problem lang bes , Tara kain na tayo."  Sabi niya ngunit alam kong di lang family problem yun, Napa gasp nalang ako at nagpatianod.

CAFETERIA

"Hindi ko feel kumain ngayon dito sa Cafeteria, Tara mall nalang tayo!"  Sabi ko sakanya.

"Oo nga eh nakakaumay tara-tara."  Sabi naman niya at naunang maglakad.

Sa may Mirror ng kotse ko nakita kong kasama ni Drek yung nakakasama lagi ni Baduy, Panong kilala niya yan? pero gwapo rin talaga siya ah, lamang lang ng Sampong ligo si Drek, sheeeez kinikilig ako! Bago pa ako mahimatay sa kilig ay pinaandar ko na ang kotse ko.

MALL

"Sammy ano? Saan tayo kakain?" Tanong sakin ni Ruby habang nagtitingin-tingin ng makakainan.

"Puro restaurant naman eh, why not try fast foods naman?" Tanong ko at parang nagkaroon naman ng light bulb ang expression ng mukha niya.

"Oo nga nuh? Tara dun sa sinasabi ni Abby na Jollibee? Masarap daw dun eh." Saka niya ako hinila.

"Teka! Diba sa harap ng mall yun? Nakahiwalay yun dito diba?" Tanong ko at napaisip naman siya saka tumango.

Habang kumakain dito sa Jollibee may nahagip ang mata ko sa tapat namin. Si BADUY kasama yung kaibigan niya na nakita kong kasama rin ni Drek kanina, Titig na titig ito sakin at ngingisi-ngisi  pa sabay kindat ng loko! Arghhhh kinikilabutan ako. Sinamaan ko siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain ngunit NAIILANG na ako!

"Huy bes! Ano? Di mo na gagalawin yang kinakain mo? Akin nalang ha?" Sabi ni Ruby atsaka niya kinuha ang pagkain ko ng hindi pa ako umo-oo!

Nakakainis naman eh! Ang sarap pa naman, bwesit kasi bakit andito to? Kinginaaaaaaaaa masasapak ko to huhu, Naiinggit ako kay Ruby na sarap na sarap sa pagkain. Pagbabayaran mo to! peste ka.

*Buuuuuuurp Si Ruby yan, talagang nabusog.

"Hayssss sulit, ang sakit ng tiyan ko bes."  Sabi niya habang hinihimas himas pa ito.

"Tss panong hindi sasakit yan? Pati kinakain ko ay kinain mo?!" Inis na sabi ko at nagpeace sign naman ito.

Nakabalik na kami sa School at wala daw ang teacher namin dahil may important meeting daw sila kaya nakatingin lang ako sa labas ng bintana, laking gulat ko ng sumulpot nanaman ang malas! Kinuha ko ang plastic bottle na pinag-inuman ko kanina at lumabas. As usual sinalubong niya ako ng ngiti niyang nakakadiri.

"Wow nagkusa yata ang Sammy Babe ko ngayon? Ano?  Sasagutin mo na ako?"  Atsaka nagtaas baba ang kilay niya.

"Oo sasagutin na kita! Eto oh!" Saka ko siya pinokpok ng hawak kong plastic bottle ouch lang siya ng ouch, Dumami na ang nanonood samin kaya naman sa huling pagkakataon sinipa ko siya sa private part at binato ang bottle!

Badtrip akong pumasok sa room at tinaasan ako ng kilay ni Ruby, Ayan nanaman siya.

"Tsk, tsk, tsk.... Ba't mo ginanon yung tao? Wala namang ginagawang masama sayo yun ah?" Inis na sabi niya sakin.

"Look, wala siyang ginagawang masama OO! Childish man pero kasi NAKAKAINIS AT NAKAKAIRITA ANG PRESENSIYA NIYA! NAKAKASIRA SIYA NG MAGANDANG TANAWIN! Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha nun naha-high blood ako!" Nakasimangot na sabi ko at umiling-iling naman ito.

"Naiintindihan kita, pero kasi mali yun eh. Dapat ignore mo nalang kung ayaw mo sakanya hindi yung ganyan." Sabi niya atsaka ako tinalikuran, Nakakainis na kasi eh huhu. Nagalit na tuloy sakin si bes.

Lumapit ako kay Ruby atsaka tumabi.  "Ruby, sorry na." Sabi ko, ngunit nasa kabila parin ang paningin niya.

"Bes SORRY NA oh, Hindi na mauulit."  Sabi ko at humarap naman ito at..... Ang COLD niya promise! pahiram ng jacket
-_-

"Tss, Oo na hindi naman kita matiis eh! BUT! Magsorry ka sakanya!"  Nakangiting sabi niya.

"Eh naman eh!" Sabi ko at nagpout

"Ano? Magsosorry ka o hindi kita papansin?" 

"Oo na! Nakakainis naman eh." Naiiyak na sabi ko

"Aaaaaand! Bigyan mo siya ng FLOWERS!" Kaya gulat akong napatayo sapag kakaupo.

"ANO?!! Bes naman! yung magsorry okay pa sakin....pero ang MAGBIGAY ng FLOWERS? ibang usapan na yan!" Sabi ko at padabog na lumabas.

Pumunta ako ng garden at nagpalamig ng ulo, Hindi ko alam kung bakit ganun ang inasta ko kanina. Sobra naman na kasi yun diba? Mamaya isipin ng baduy na yun na gusto ko siya. Nagulat naman ako ng may tumabi saakin.

"Hi." Sabi ni...... DREK!!! Kinurot ko yung kamay ko ngunit masakit kaya alam kong hindi ako nananaginip.

"H-Hello." Nahihiyang sambit ko at tumingin sa gilid atsaka ngumiti ng pagkalaki-laki at muling tumingin kay Drek.

"Any problem? Nakita kasi kitang binabagabag kaya linapitan kita." Sabi niya atsaka humiga sa damuhan. This is it matititigan ko na siya, Tangos ng ilong, Mahabang pilik mata! Nahiya naman yung akin makapal lang, Perfect brows na sumakto sa mukha niya at... At.... Ang labi niyang super kissable! Ambango niya pa.

"Hmmm... Done, inspecting me?" Sabi niya kaya gulat akong napalayo ng unti.

"H-h-hindi ah!" Badtrip utal alert.

"So what's your problem nga." Sabi niya habang nakapikit.

"Yung bestfriend ko kasi eh, Sabi niya magsorry daw ako dun sa baduy! Okay lang naman sakin yun pero ang bigyan siya ng bulaklak sobra na yun! Nakakainis!"  Inis na sabi ko at nagpout ngunit tumawa lang ito ng bahagya. Did I just seen him laugh? Omg I will celebrate it later HAHA OA te?

"Why not diba? Mukhang sobra naman yata yung ginawa mo dun sa baduy kaya ganun ang sinabi ng bestfriend mo." Sabi niya at umayos ng upo.

"Natatakot kasi ako mamaya mag-assume si Baduy na gusto ko siya."

"Bakit? Hindi nga ba?" Nakangising tanong niya.

"A-ano ka ba?! Syempre H-hindi!"  Utal na sabi ko.

"Hmmm.... Sabi mo eh." Sabi niya atsaka tumayo at nakapamulsang naglakad.

"Whoaaaa, kyaaaaaaaaaah!!!" Sigaw ko saka tumalon-talon! pero bago pa ako makita ng kung sino ay umayos na ako at umalis saka hinanap si Ruby.

………………………

DONE CHAPTER THREEEEE! Sana nagustuhan niyo!  DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.

Lovelots <3

~BeautyInBlack

Ang Ex kong BADUY ay nagbabalik? (On-going)Where stories live. Discover now