BADUY 2

177 10 1
                                    

Hello everyone! Don't forget to vote and comment,Mahal ko kayo Haha.

………………………………

Matapos ang usapang yun ay umakyat na ako at nagshower, Ramdam ko na ang pagod ko at pagbigat ng mga talukap ko kaya natulog na ako.

KINABUKASAN

Pagbangon ko ay isang magandang nilalang ang nakita ko, napakaGANDA niya! Linapitan ko ito ng linapitan ngunit ginagaya niya ako. Nang marating ako ay bigla akong nauntog! Salamin lang pala at repleksyon ko ang nandun.

*wooooooooosh.....  Umihip ang malakas na hangin sa sobrang yabang ko HAHAHAHAHA.

5:13 ng bumangon ako, Hindi ako tinatamad ngayon kaya naligo na agad ako. Pagkababa ko ay nakita kong nagluluto si manang.

"Mmmm..... Ang bango, is dat tuyoooo?" Tanong ko kay manang na bahagya pang nagulat.

"Ang aga mo naman Sammy hindi pa nga gising ang mom at dad mo, At oo tuyo ito."  Sabi ni manang at tinuloy ang pagpiprito.

"Hehe nga po eh naamoy ko kasi niluluto niyo manang."  Pambobola ko

"Ay sya! Ikaw talagang bata ka Haha, maupo ka na diyan at ihahain ko na ito. Tatawagin ko lang ang mom at dad mo." Sabi niya atsaka umalis.

7:30 Ang oras ng klase namin madalas late ako dahil 6:30 ako madalas gumising, Ayos lang naman dahil mapeh ang first subject at puro paglilinis lang ang ginagawa. Bumaba na sila kasama si Ate na halatang tinatamad pa. Agad kong tinapos ang pagkain at umalis.

Habang nagmamaneho ay nagkaroon ng kaunting aberya kaya heto natraffic kami. Tinawagan ko si Ruby para pumunta na rin sa school, baka maboring ako dun.

Umayos na ang traffic at agad kong pinaharurot ang kotse ko. Nang makarating sa school ay pumunta ako sa waiting place namin ni Ruby sa likod ng building namin, ang mini garden na kami ni Ruby lang ang pwedeng pumunta, ngunit gulat akong tumingin sa may puno ng makita ko si Drek!  Ang famous artist and model na crush ko ❤❤❤ Bigla siyang gumalaw kaya nagtago ako sa gilid.

"Woiii!" Biglang sulpot ni Ruby kaya napatalon ako sa gulat.

"Shhh.... Nandun si Drek oh!" Saka ko ininguso si Drek na nakapikit parin.

"Sus, kaimbyerna ka! Di ka naman
mapapansin niyan. IN YOUR DREAMS BES!" Tatawa-tawang sabi niya atsaka pumunta sa gawi ni Drek.

"Excuse me misteeeeer! What are you doing here?! Don't you know that only me and my bestfriend Sammy is allowed here?!" Sigaw ni bes kaya naman umayos si Drek at tumingin lang kay bes na nakataas pa ang kilay, Bwisit na babaeng to talagang sinigawan niya ang crush ko!

Tumayo na si Drek atsaka ako tinignan saka siya ngumisi at umalis.

"Omy!!!! Beessssss did you see that?! Nginitian niya ako!!!"  Saka ko hinampas hampas si Ruby.

"Tss, mas bet ko si Baduy HAHAHAHA." Tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at tumigil naman ito sa pagtawa.

"Not funny." Sabi ko saka umalis at sumunod naman siya.

Sa room ay nadatnan namin ang mga babae at bakla na nagtitilian, Nagkukumpulan rin sila na tila may tinitignan kaya nilapitan namin ito........ ISANG MAGAZINE, BAGONG LABAS NA MAGAZINE NI DREK! NAKATOP-LESS SIYA! AT KITANG-KITA ANG SIX PACK ABS NIYA! OMOOOO!

"Bes, pasukan ng bangaw yang bunganga mo! Atsaka ewww yung laway mo, umayos ka ah! Nakakadiri."  Si Ruby na animo'y diring-diri pa atsaka pumunta sa upuan niya, bakit ba ayaw neto kay Drek? parang timang..... Hinawakan ko yung sa gilid ng labi ko at GROSSSSSS! May laway nga.

"Okay class goodmorning, maupo na kayo sa kanya-kanya niyong upuan."  Sabi ng kakarating naming teacher.

Natapos ang klase na nakakaboring dahil puro discussion, Naglalakad kami ngayon papuntang Cafeteria ng may malas ulit na sumulpot!

"Sammy, flowers for you."  Si Baduy, at sa sobrang laki ng ngiti niya halos lumuwa na ang braces niya bwiset! 

"Mukha ba akong patay?!" Inis na sabi ko atsaka siya nilampasan, sumunod naman si Ruby na ngayo'y nangangalabit na. Ayoko siyang pansinin dahil paniguradong kakampihan niya nanaman ang bwiset na yun!

Habang kumakain ay tingin ng tingin sakin si Ruby. "Pwede ba Ruby, isang kampi mo pa sa mokong na yun iisipin ko ng may gusto ka dun."

"Ano bang sinasabi mo! Syempre hindi! Wala akong kinakampihan sainyo duh!" Sabi niya atsaka kumain.

Tinapos namin ang paglantak ng pagkain ng walang imikan GUTOM NA GUTOM BA? Haha.

Carlo's POV

"Ano ba pre!  Tigil-tigilan mo ko dito."  Inis na sambit ko kay Leo ang bestfriend ko, inaasar niya kasi ako dahil sa nangyari kanina.

Asar yung babaeng yun! Maganda nga sobra naman sa arte! Hindi niya kasi alam na ang kinababaliwan niyang si Drek at ako ay iisa!  OO TAMA KAYO NG RINIG SI DREK AT AKO AY IISA! ITO ANG TUNAY KONG PANGALAN AT SCREEN NAME KO LANG YUN. At ang babaeng yun? Bet lang yun, ganito kasi yun.

FLASHBACK

"Pre!" Masayang tawag sakin ni Leo.

"Oh? Balita?" Walang ganang tanong ko.

"Pano yan? panalo ako sa game natin." Nakangising sambit niya, ang tinutukoy niyang game ay ang paunahan makahatak ng chicks sa bar, wala ako sa mood nung araw na yun kaya hindi ako nakahatak.

"Ready ka na ba sa consequences mo?" Nakakalokong ngiti niya kaya inismiran ko siya, ayokong magpatalo sa mokong na to.

"Sige ano ba yun?" Tanong ko at nagtaas baba naman ang kilay niya tsaka ngumiti ng pagkalaki-lakiiii, kalokohan nanaman.

"Nakikita mo yung babaeng yun?" Tanong niya sa babaeng tumatawa kasama ang bestfriend niya.

Kumunot ang noo ko at tinanong siya. "Alin diyan sa dalawa? Yung maganda o yung mas maganda?"  Inis na tanong ko.

"Syempre yung mas maganda Haha." Tss si Samantha, ang patay na patay sakin.

"Oh bakit yun?" iritang tanong ko pero tinawanan niya lang ako

"Easy boy, Three months! Sa three months na yun ay dapat kayo na ni Samantha!"

"Tss ang dali naman niyan! Kahit one week  nga ay kami na agad niyan." Walang ganang sabi ko, pero binawi ko din ang sinabi ko dahil may Isa pang condition!

"Di pa tapos, Magsusuot ka ng damit na BADUY! Yung tipong Jejemon!  HAHAHAHAHAHA Tapos syempre papalitan mo yang mukha mo-" Pinigilan ko siya at sinamaan ng tingin SOBRA NA YUN!

"Bakeeeet? Sabihin mo lang kung di mo Kaya pwede nating itigi-" Hindi niya ulit natapos dahil pinigilan ko ulit siya.

"OO NA! OO NA!" Napapangiwing Sabi ko.

"Game! HAHAHA o-oo rin pala daming alam! So yun nga magbre-braces ka with matching Eye glasses at papakapalin natin ang kilay mo." Saka siya TUMAWA NG MALAKAS! Bwisit!

END OF FLASHBACK

Oh diba?!  Nakakainis lang!

*Kring *kring *Kring

Tumunog ng pagkalakas-lakas ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.

"Hello sir, May shoot po kayo mamayang 5:30."  Pagbabalita sakin ng secretary ko.

"Sige, Thanks."  Sabi ko atsaka pinatay agad at hindi na pinatapos magsalita.

……………

Author's Note: END OF CHAPTER TWO!Who wants to be dedicated? Just comment down.  Please don't forget to comment and vote, more hearts sainyo mwah ;-) :-* <3

~BeautyInBlack

Ang Ex kong BADUY ay nagbabalik? (On-going)Where stories live. Discover now