Chapter 20

2K 50 5
                                    

“Nasa kanan ang silid ng mga babae tapos sa kaliwa naman ang sa lalaki!” sabi ng kanilang Filipino professor

“At pagkatapos ay baba kayo para sa tanghalian natin!”

“YES MA’AM!!” sigaw ng lahat

Pumasok na agad ang mga istudyante sa kanilang mga silid at kasama na doon si Daniel.

“Mara, tabi na tayo sa kama!” Kiray na kasama niya papunta sa silid nila

“Ah o-oh sige ba!” sabay ngiti ni Daniel

“Wow ang laki!!” sabi ng isa nilang kaklase

“Malamang kasi lahat tayo dito! HAHA!!” tawanan naman ang lahat

Pumunta na ang lahat sa kani-kanilang kama at inayos ang mga gamit. Ang iba ay nagpi-picture agad, at ang iba nag-uusap

Si Mara naman ay naiilang, puro lalaki ang kasama niya sa kwarto. Nasa katawan siya ni Daniel at wala itong kaclose sa mga kaklase sa Filipino.

“Pare tayo nalang ang tabi sa kama!!” napatingin siya sa kumausap sa kanya na inakbayan siya

“Ah sige pare!!” kumilos agad siya ng lalaki

Pagkatapos sa pag-aayos si Mara ay lumabas agad siya ng silid, hindi niya kaya ang kanyang nakikita dahil puro tungkol sa mga private parts ang kwento ng mga lalaki sa silid. Sa paglabas ni Mara sa silid ay ganun din si Daniel kaya nagkatinginan sila na halatang nabigla sa pagkikita at sabay pa sa paglabas sa silid

“Hindi mo rin ba kayang sa loob?” nahihiyang tanong ni Daniel

Si Mara naman ay naiinis parin sa kanya

“Malamang!!” diing sagot ni Mara sabay naglakad ng una

“Mara naman galit ka pa ba?” hinabol siya ni Daniel

“Sinabi ko bang galit ako?” nakacross-arms si Mara

“Pero ka—“

“Oh may problema ba kayong dalawa?” napatigil sila sa pagsalita ng kanilang guro

“Ah wa-wala po ma’am hehe!” napakamot ng batok si Daniel

“Oh sige, mauna na kayo sa hapag-kainan. Nakahanda na ang tanghalian natin, tatawagin ko muna yung iba!” sabi ng kanilang guro sabay alis

Ng makaalis ang guro ay nagkatinginan sina Mara at Daniel, napaiwas agad si Mara ng tingin at pumunta sa hapag-kainan.

Sumunod na rin si Daniel na umupo sa harap ni Mara. Tiningnan lang ni Mara si Daniel ng masama

“Oyy kayo ha!!” napatingin sila sa likod

At si Kiray ang nagsalita habang kasunod niya ang iba at ang kanilang guro

“Uyy ikaw ha Daniel, dumadamoves ka kay Mara!!” sabi ng isang lalaki sabay akbay kay Mara

“Hindi noh!!” angal ni Mara sabay alis ng pagkakaakbay sa kanya

Ngunit nagtawanan lang ang ibang nanunukso

Nandidiri siyang akbayan ng ibang lalaki na hindi niya kilala pero wala siyang magawa kasi ganun talaga ang mga lalaki at isa pa ay nasa katawan siya ni Daniel

Nagsimula ng kumain ang lahat, tahimik lamang si Mara at Daniel ngunit ang iba ay maingay na nakisali na rin ang kanilang guro.

Nakayukong kumakain si Mara na naka-focus lang sa kanyang pagkain habang si Daniel ay nagnanakaw ng sulyap kay Mara. At napapangiti din siya habang tinitingnan si Mara na kumakain.

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon