Chapter 5

2.6K 59 12
                                    

Hindi alam ni Mara kung bakit ramdam niya na mainit ang katawan. Pero wala namang masakit sa kanya tulad ng sakit ng ulo dahil yun naman ang sign na may lagnat ka. Nag-iinit lang ang pakiramdam niya kaya nagpatuloy nalang din siya sa pagtatrabaho dahil as usual puno na naman ang restaurant.

Si Daniel naman ay ganun din, nag-iinit ang katawan kaya agad siyang uminom ng gamot para makaiwas na magkasakit. Hindi nalang niya pinansin at nagpatuloy sa paglalaro ng kasama ang kapatid na si JC.

                    

Hanggang sa nakauwi na si Mara ng bahay ay mainit parin ang pakiramdam kahit galing siya sa lamig sa loob ng kotse ng kanyang Mama Jane.

Ganun din si Daniel hanggang sa nakatulog na rin ito kahit madaling araw na kasi wala naman siya pasok bukas.

Nagpahinga na din si Mara dahil sa pagod at gumamit siya ng electric fan para hindi siya mainitan. Naisip niya na baka dahil sa panahon ngayon sa Pinas kaya pati siya naiinitan na!

Habang natutulog sina Daniel at Mara ay iyon naman ang oras para sa parusa nila. Magpapalit sila ng katawan dahil sa sobrang galit o inis ang nararamdaman nilang dalawa sa isa’t isa.

*TING*

Tunog na nagkapalit na sila ng katawan!

--

KINABUKASAN

[A/N: WAG PO TAYONG MAGING MALISYA SA MGA MABABASA, PART PO YAN NG STORY.THANKS MUCH :**]

Sabay na bumangon sina Daniel at Mara [take note: magkaiba sila ng bahay at hindi sila magkasama]. Kinapa ni Daniel ang sarili pero may nakapa siyang kakaiba sa dibdib niya. Mukhang may bukol kaya dumilat siya ng mabuti at

Si Mara naman ay kinapa din ang sarili pero parang flat ang nakakapa niya at dumilat siya ng mabuti para tingnan ang sarili ng

O______________O

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!”

Sabay na sigaw ni Daniel at Mara!

Sa sobrang gulat ay parehas silang nahulog sa kama

“OUCH!” Mara na nasa katawan ni Daniel

“NAMAN!!” Daniel na nasa katawan ni Mara

Hinimas ni Mara ang pwet na nasaktan pero hindi ito yung pwet niya at dali-daling pumunta si Mara sa may salamin

Tumayo si Daniel sa pagkakahulog mula sa kama at hinawakan ang ulo kaso napansin niyang iba yung buhok niya. Humarap naman agad siya sa salamin

‘Teka! Hindi ko ‘to kwarto ah!!’ sabay na sabi ni Mara at Daniel sa isip sabay libot ng tingin sa loob ng kwarto

“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!”

Sigaw nila ulit ng maharap na sa salamin, hindi sila ang nakikita nila. Nakita ni Daniel na Mara ang nasa salamin at si Mara naman ay si Daniel ang nakikita sa salamin

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon