Chapter 6

2.4K 54 9
                                    

Bago pumasok si Mara ay tinawagan muna siya ni Daniel.

“Oh kamusta jan?” agad naman tanong ni Daniel sa kabilang linya

“Ah Daniel nahihirapan ako!” mangiyak-ngiyak na sagot ni Mara

Same lang naman tayo Mara eh kaya tiis nalang?” pakiusap naman ni Daniel

“Kaya nga! Hays, oh sige bye muna ha kakain na’ko”

“Oh sige basta’t sunduin mo si Kathryn ha basta ikaw nalang bahala magpalusot”

“Oh sige” matamlay na sagot ni Mara

“Uh Mara?”

“Hmm?”

“Don’t worry I’m here kaya wag kang mag-alala ha”

“Salamat Daniel!”

Natapos na ang usapan nila sa phone at bumaba na si Mara para kumain kahit na hindi siya sanay na maging Daniel at nahihirapan siyang kumilos sa bahay ni Daniel.

Pero nung sabihin ni Daniel ang huling sabi nito sa phone ay ramdam niyang gumaan at nabigyan siya ng lakas ng loob para harapin kung ano ang sitwasyon nila ngayon.

“Good morning Kuya!” salubong agad ng dalawang kapatid ni Daniel sa kanya na nakangiti, nagulat pa nga siya kasi hindi siya sanay na may kapatid pero ngayon ay meron na siya dahil nasa katawan siya ni Daniel

“Good morning din!” bati niya rin at tinungo na niya ang hapagkainin

Bumati rin siya sa ina ni Daniel sabay halik sa pisngi at umupo na para kumain. Sabay silang lima sa hapagkainan.

Hindi man siya sanay na marami silang habang kumakain ay natutuwa naman siya. Ngayon lang niya naexperience na maingay sa kainan. Kasi naman kung kumain sina Margaret at Carmella ay maingay. Nagkakalat pa kaya natutuwa siyang panuorin ang mga batang babae.

Pagkatapos kumain, nagtoothbrush at pumunta na kay Kathryn para sunduin siya. Pero hindi siya ang magdadrive kundi si JC.

“Good morning Babe!” bati sa kanya ni Kathryn palabas ng kanilang bahay

“Ah hehe good morning too babe!” aaktong hahalik si Kathryn sa pisngi pero umiwas siya

Hindi niya alam pero parang NANDIDIRI siya? Kasi naman hindi siya si Daniel at feeling niya tomboy siya kapag hahalik sa kanya si Kathryn sa pisngi, beso-beso okay pa pero hahalik talaga si Kathryn kaya umiwas siya

Babe are you mad?” pagtataka naman ni Kathryn at nag-alala

“Ah hehe sorry babe, it’s just that I’m not feeling so well!” aplusot niya at nagpatamlay

“Ah Babe naman! Uminom ka na ba ng gamot?” chineck-up agad siya ni Kathryn

“Ah oo uminom na, sakay na Babe para hindi tayo malate!” she tried to become Daniel at pinagbuksan niya ng pinto si Kathryn sabay sakay na rin.

Hindi naman napansin ni Kathryn na hindi siya ang nagmaneho at kinausap nalang siya tungkol sa lagay niya ngayon.

‘Maygosh! Hindi ko kaya! Naman! Bakit pa ba nagkaGF si Daniel!! >__<’ reklamo ni Mara sa isip habang nakadikit sa kanya si Kathryn

Si Daniel naman ay nagtitiis rin sa buhay bilang Mara, una hindi siya sanay na tahimik lang habang kumakain ng agahan at ngayon ay sasakay si kasama si Sam na ayaw na ayaw niya.

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon