Chapter 10

2.1K 50 5
                                    

“Kuya faster!!” hila hila ni Margaret si Mara habang papunta sila sa kotse nito

Nagmamadali silang umalis ng bahay papunta sa isang resort na napili ni Carmella for her 5th birthday. Nagdrive na siya kasama si Margaret papuntang Kiddies Fun Resort, pangalan ng venue na kung saan nandun na ang mama ni Daniel at ang kapatid na si Carmella

Mahigit kalahating oras ng biyahe nila papuntang venue. Nag park agad si Mara habang nakababa na si Margaret at hinihintay siya sa entrance ng resort.

“Kuyaaaaa!!!” sigaw ni Margaret sa labas habang nasa kotse pa siya

Nagbuntong-hininga siya bago lumabas tska suot ng shades. Pumasok na silang magkahawak kamay ni Margaret at baka mawala siya dahil sa laki ng lugar.

Natutuwa rin si Mara na nasa katawan siya ni Daniel at nararanasan niyang magkaroon ng kapatid, dalawang babae pa at isang lalaki.

Nakyukyutan siya kina Margaret at Carmella na ramdam niyang mahal nila ang kanilang kuya. Kahit hindi siya si Daniel ay ramdam niya ang pagmamahal ng kapatid sa kanya dahil nasa katawan siya ni Daniel.

“Mommy!!” sigaw ni Margaret sabay takbo palapit sa mama nito

Lumapit din si Mara sabay mano sa mama

Hapon nila ginanap ang party para hindi gaanong mainit. Mga malalapit na kamag-aral ni Margaret at Carmella ang dumalo. Kaya puro bata ang mga kasama nila pero may mga magulang din ng mga bata.

Ang cute ng mga bata kasi naka swimsuits ang lahat.

“Happy birthday Carmella!!” binuhat ni Mara si Carmella sabay abot ng malaking regalo sa kapatid

Tinuring na niyang kapatid ang mga ito.

“Thanks kuya, I love you so much!!” sabi nito sabay yakap at kiss sa kanya sa cheeks

“Welcome princess!” sabi naman niya sabay baba nito at humalik siya sa noon g bata

“You have also a gift from me Maggie!” sabi ni Mara sabay lapit kay Margaret

“Really kuya?” naexcite na tanong ni Margaret

“Of course for being a good sister!”

Niyakap niya si Margaret sabay halik sa noo nito. Dali-dali namang pinakita ng dalawa ang malaking regalo na natanggap nila mula sa kuya nito.

Hindi maitago ni Mara ang saya sa masayang ngiti ng mga bata, nagsimula na ang party.

May mascot din na mula sa resort dito at para sa mga children’s party lang talaga.

--

Sa kabilang dako ay mas nananabik si Daniel na makita ang mga kapatid. Hindi siya sanay sa tahimik na lugar tulad ng bahay nila Mara pero mas nangingibabaw sa kanya ang saya.

Dahil nasa katawan siya ni Mara at mas naipapalayo na siya si Sam sa dalaga.

To: Handsome Batman

Malapit na’ko

Dahil sa nasa kanya ang cp ni Mara ay pinalitan niya ang pangalan niya sa cp ng dalaga. Ginawa niyang HANDSOME BATMAN na may heart pa

Maya-maya ay nagkatanggap siya ng reply

From: Handsome Batman

Tex me if nasa labas kana! Nakaktwa mga kptid mo, knna pa ngcmla ang prty. So bttr hurry up!

Mas lumapad ang ngiti niya ng makarating na siya sa venue. Nagbayad siya at bumaba na. nakita niya agad ang kanyang kotse.

Nagka-PALIT Tayo!? [Julniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon