Chapter 4: The Sadist Nagger and The Silent Writer

35.7K 611 41
                                    

A/N:Dahil maikli lang ang chapter na to, dalawang mag kasunod ang i a-update ko .. Sana magustuhan nyo readers! ^___^


____________________________________________________________________


Dave’s POV

Bullsh*t!! Magmula ng ma encounter ko kaninang umaga yung sadistang yun, nasira na talaga araw ko!

Nahirapan pa kong maka liko dun sa kalye papunta sa boarding house, ang daming tao .. Karamihan pa nga mga lalaki, mukhang may artista ata! Hindi ko na tuloy naabutang on line si Venice!

Pag minamalas ka nga naman!

“Oh Dave, wala ka naman sigurong balak baliin yang kutsarang hawak mo?” tanong ni Zeth. At tsaka ko lang na realize na gigil na gigil pala kong kumakain.

“Matigas lang.” palusot ko.

“Di naman. Ang lambot kaya ng pork?” takang tanong naman ni Harry.

“Matigas talaga.” at hindi na nga ulit sila nagtanong.

Hindi ko pa nauubos yung pagkain ko pero tumayo na ko, wala na kasi kong gana. Paakyat na sana ko ng hagdan ng may mag door bell.

“Dave pabukas muna nung gate may ginagawa si manang eeh! Baka yan na yung pizza na pina deliver namin!” sigaw ni Nathan.

Hindi na ko sumagot at lumabas na lang ako para kunin yung pizza nga na pina deliver nila.

Pagkabukas ko ng gate …

“What the --” halos nag init lalo yung ulo ko sa taong nakita ko.

“Oh, pizza nyo!” sabay pabato nyang abot sakin nung box ng pizza.

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon