Chapter 10: Unknown Feelings?!

30.3K 580 53
                                    

A/N: Trip ko lang po ulit mag update! hehehehe. Tsaka ang sabi ng isa sa mga readers ko wala daw masyadong exposure ang love story ni Harry. So eto na po .. ^____^

_____________________________________________________________________


Harry’s POV

 

Halos di na ko naka kain ng maayos kakatitig kay Venice, di pa rin kasi ako makapaniwala na nasa harapan ko na talaga sya!

“So Venice, hanggang kelan ka mag i-stay dito sa boarding house?” tanong ko.

“The whole vacation.” YESSSS!!!! Araw-araw ko na naman syang makikita!!

“Wala ka bang balak gawin habang nagbabakasyon ka dito?” tanong ko ulit. Pansin ko nga, ako lang ang tanong ng tanong sa kanya.

“aah – Gusto ko sanang pumunta ulit tayo sa isang lugar ng magkakasama.” sagot nya habang naka ngiting kumakain. ^///////^

“Edi magbakasyon tayo next week?” suggest ko.

“Kung gusto nyo, samin na lang ulit.” sabat ni Dave.

“Mas maganda kung sa ibang lugar naman, para mas maging memorable kay Venice.” singit na rin ni Zeth.

“Samin na lang.” si Louie.

“Sa inyo?” gulat kong tanong. Never kasi syang nagpapunta sa bahay nila ng kahit sino samin.

“Oo. Kung gusto ng Life ko?” sabay baling nya kay Venice.

“Tsssh. Syempre gusto ko! Hindi pa kaya ko naka punta sa bahay mo.”

 

“Eh wala pa namang kahit sino ang naka punta sa bahay nyan.” bulong ko.

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon