Chapter 3: LOuie + VEnice = LOVE + ??? = Syntax Error!

43.1K 767 67
                                    

A/N:Dahil andamee na pong reads ng AHFOH Book1, naisipan ko na ulit mag post! Eh alam nyo naman, ako nga ay isang excited na author!hmmm. Sana magustuhan nyo tong chapter, alam kong mabibitin na naman kayo. Yaan nyo mag a-update naman agad ako pag trip ko! At pag may mga nabasa kong magagandang feedbacks! ^.^


_____________________________________________________________________


Louie’s POV

 

Gaya nga ng sinabi ko sa life ko, aagahan ko ang uwi para makapag usap na kami on-line, kaya eto nagda drive na ko pabalik sa boarding house. Ipagpapabukas ko na lang yung mga dapat tapusin, ayoko na kasing magtampo pa ulit sya sakin.

Paliko na sana ko sa kabilang kalye ng may makita akong babae na pinalilibutan ng apat na lalaki. At base sa itsura nung mga lalaki mukhang hindi sila gagawa ng maganda.

Wala sana kong balak makialam dahil wala rin naman akong pakialam sa mga babae, pero dati yun … Nung hindi ko pa mahal si Venice. ^///^

Kaya naman kahit medyo labag sa kalooban ko, bumaba na lang rin ako ng kotse at hinarap ko yung apat na panget.

“Hey!! Lumayo layo nga kayo sa kanya?!!” cool kung utos sa kanila. Feeling tagapagligtas lang!

“Wag ka ngang makialam dito!” sabi ni panget no.1.

“Ayoko nga rin sanang makialam, kaso lang baka magalit sakin yung girl friend ko pag di ko tinulungan yang babaeng yan!”

“HOY! Umalis ka na baka samain ka samin!” sabi ni panget no.2.

“Tara na nga kasi Ms. Ganda, sumama ka na samin!” sabi ni panget no.3, sabay hawak sa kamay nung babaeng nakatalikod sa direksyon ko.

“Let me go! Hindi ako sasama sa inyo!” tanggi nung babae at pilit nyang hinihila yung kamay nya, kaya naman nilapitan ko na sila sabay pulupot dun sa kamay ni panget no.3.

“aaaaah – G@go kaaaa, bitawan mo kooo!” sigaw ni panget no.3.

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon