Chapter 24.1: "The Other Side: FALL??!" [Dave's POV]

33.2K 557 54
                                    

 A/N:Dahil naka receive na ko ng mahigit 10 comments sa previous chapter, eto na po ang UD! Hehehe! Thanks READERS .. Mahal na mahal ko kayooo!! :*


_______________________________________________________________________

“Nakita nyo ba si Venice?” worried na tanong ko sa kanila pagkapasok na pagkapasok ko ng dining room, ako kasi ang nag volunteer na tawagin sya para kumain na .. Pero nang pasukin ko yung kwarto nya, wala kong Venice na nakita.

 

“Hindi, bakit wala ba sa room nya?” tanong ni Zeth.

“Wala dun eh.”

 

“San naman yun pupunta?” tanong naman ni Nathan.

“Hindi ba nagsabi sayo, Louie?” tanong ko kay Louie, parang kalmado pa rin kasi syang kumakain knowing na nawawala si Venice.

“Baka may pinuntahan lang yun.” walang kwenta nyang sagot.

“Hindi naman yun aalis nang hindi nagpapaalam?” Which is totoo naman, kahit kasi may bibilhin lang sya sandali sa labas .. Nagpapaalam pa rin sya sa isa samin.

“I’ll try to call her ..” pag pi-prisinta ni Harry sabay dukot nung phone sa bulsa nya.

“Out of coverage?” baling nya samin.

“Louie, may number ka ba ng Lolo nya? Tawagan mo nga ..”

“Bakit ba masyado kayong paranoid? May pinuntahan lang yun!”

 

“Hindi nga yun aalis ng hindi man lang nagpapaalam! Tsaka kung may pinuntahan lang talaga sya, ba’t hindi nya sinasagot yung phone nya?!” Wala talagang kwenta tong si Louie, ni hindi man lang nag-aalala?!!

“Fine, tatawagan ko na.” at tumayo na nga sya sa pagkakaupo, may dinukot rin sya sa bulsa at medyo dumistansya samin.

"A House Full of Hunks" Book2 [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon