Chapter 43

500K 14.2K 4.3K
                                    


Chapter 43

NAALIMPUNGATAN ako na may nagtatali ng mga paa ko. Ramdam ko rin ang hapdi ng mga pulso ko dahil mahigpit ang lubid na nakatali sa mga ito. Nasa isang malamig at matigas na higaan ako. Hindi ko mawari kung isa itong mesa o isang makitid na papag.

Gusto kong magsisisigaw, gusto kong magwala pero alam kong hindi iyon makakatulong sa sitwasyon.

Kung nasaan man ako ngayon, sure na walang makakarinig sa akin. Siguradong dinala ako ni Henry sa lugar na malabong matutunton ni Damon, iyon ay kung hahanapin man ako ni Damon. Malamang hindi na...

Sumakit ang lalamunan ko ng maisip ko si Damon. Malamang galit siya sa akin ngayon. Malamang iniisip niya na hindi ko na siya gustong makasama.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko habang tumitindi ang hapdi sa dibdib ko. Sana hindi ko na siya inaway. Sana hinayaan ko siyang magpaliwanag. Sana inintindi ko siya...

"I know you're awake now, Jessie. It's better if you stop acting, wag mo akong galitin." Boses ng hayup na si Henry.

I didn't open my eyes. Pinangatawanan ko ang pagtulog-tulugan. Nasa isa pala akong malesa na kalebel ng bewang ang taas. Nakatali ako rito na parang isang hayop na sasailalim sa isang eksperimento.

Naramdaman ko ang pagtama ng hininga ni Henry sa mukha ko kaya alam kong malapit siya sa akin. Pinisil niya ang pisngi ko sanhi para mapaigik ako sa sakit. "Alam mo ba ang ginawa mo sakin, Jessie?"

I swallowed the lump forming in my throat as I slowly open my eyes. I saw Henry looking down at me. Nasalubong ko ang mga mata niya na puno ng pinaghalong galit at malisya.

Lumapit siya sa akin at saka pinisil ang isang dibdib ko. Mariin. Nakakapangilabot. I pressed my lips and tried not to cry. I don't want him to feel the satisfaction by hurting me.

"You made my life miserable!" Bulyaw ni Henry sa mukha ko.

Nanatili akong tahimik.

"Nong gabing hinuli ako ng mga pulis at kung ano mang Phoenixes Agents na iyon! Doon na nagsimula ang pagdurusa ko! My dad died in a heart attack!"

"K-kasalanan mo naman—" Isang sampal ang nagpatahimik sa akin.

"Wag kang magsasalita! Wala kang karapatan!" Gigil na sinampal niya ulit ako. "Dinala ako sa DSWD non dahil hindi pa ako pwedeng makulong, below 18 lang ako non. Pero inilipat ako sa Boys Town sa Cavite."

Nagpalakad-lakad sa harapan ko si Henry.

"Akala mo ba don lang natapos ang lahat? No. Dahil sa mismong birthday ko, dinala ako ng mga guwardiya sa isang malaking bartolina. Sa lugar na iyon ay nakita ko ang dalawang batang lalaki."

Natigilan ako.

"Ang isa ay may berdeng mga mata, ang isa ay may itim na itim na mga mata. Nasa siyam o sampu o labing-isang taon ang tantiya ko sa edad nila."

Sino ang tinutukoy ni Henry?

"Sa itsura nila, alam ko na hindi sila ordinaryong mga bata lang. Alam kong anak mayayaman sila at hindi mga bata sa Boys Town. May angas at hindi mo iisiping mga bata pa sila sa klase ng titig ng kanilang mga mata."

"S-sino ang mga batang iyon?" kinakabahang tanong ko.

"They hit me everywhere, Jessie." Mariing sabi ni Henry kesa sagutin ang tanong ko. "May baseball bat silang dala. Sumusuka na ako ng dugo pero ayaw pa rin nila akong tigilan! Na para bang liligaya sila habang ginugulpi nila ako!"

Napahiyaw ako sa sakit ng bigla akong sabunutan ni Henry.

"Hindi pa sila nakontento!" nagtatagis ang mga ngiping sabi niya. Namumula na ang mga mata niya. "They... cut my penis. My poor penis!"

Trapped With HimWhere stories live. Discover now