Chapter 33

547K 16.7K 5.2K
                                    

Chapter 33

"I'M MARRYING JESUSA."

Napanganga ako ng sampalin ni Tita Kara si Damon.

"Anong kalokohan ito Voss Damon?!"

"Honey," Agad na niyakap ni Tito Santi si Tita Kara pero kumawala siya.

"Bitawan mo ako, Santi!" Hinarap niya ako. "Jessie, what is this?!"

Napalunok ako. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag ang nangyayari. Maski rin naman ako ay nabigla.

"Kelan pa? Bakit wala akong alam!"

"Honey, alangan naman lahat ng bagay sabihin nila sa'yo." Awat ni Tito Santi.

"Hindi iyon, e! Itinuring ko na dalawa ang anak ko. Na mga anak ko silang dalawa! At ngayon magpapakasal ang mga anak ko? Hindi ako tututol, Damon, Jessie... ang kaso, lumaki kayong magkapatid." Nabasag na ang boses ni Tita Kara.

Humigpit ang pagkaka-akbay sa akin ni Damon. "No, Mom. I left the country for almost 13 years! Nagkahiwalay kami nang matagal. And I think sapat na iyon."

Napahagulgol na si Tita Kara, si Tito Santi naman ay umalalay agad sa asawa.

"Kayo nga ni Dad malaki rin ang agwat at tumira ring magkasama sa hacienda, di ba?"

"Hindi kami lumaki sa iisang bahay ng daddy mo. Hindi kami nagturingang magkapatid!"

"Hindi ko rin naman siya itinuring na kapatid!" Mariing sabi ni Damon.

Windang na windang ako. Nanghihina ang mga tuhod ko. Kung siguro wala si Damon sa tabi ko ay baka napaluhod na ako sa sahig sa mga oras na ito.

"Jessie is older than you, anak... she's your ate!"

"So? Mas malaki ako sa kanya!"

"She's your sister..." parang mauubusan na ng lakas makipag-talo si Tita Kara.

"Fuck morals! I'm old enough to decide on my own."

...

WALA akong tigil kakasinghot dahil barado na yata ang ilong ko sa pag-iyak. Kahit anong hila ko kasi sa kwintas na suot ko ay ayaw nong mahubad. Ito iyong kwintas na may 'MrsMontemayor'. Ito iyong kwintas na ang susi ay nakay Damon. Nasa baliw na iyon!

Pulado na ang leeg ko pero wala talaga. Habambuhay na ito sa leeg ko hanggat hindi ito inaalis ni Damon.

Ano bang nangyari sa lalaking iyon? Bakit ba nagkakaganito siya?

Pinalis ko ang luha ko sa aking pisngi. Naaawa ako kay Tita Kara and nahihiya at the same time.

Totoo naman kasi ang sinabi niya, halos magkapatid na kami ni Damon. Hindi man kami tunay na magkadugo, pero itinuring ko siyang bilang aking tunay na kapatid. Buong buhay ko, kapatid ko ang turing ko sa kanya.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit naguguluhan ako?

At matatawag pa ba kaming magkapatid after ng lahat ng nangyari? We had sex. I had sex with my brother!

Napakamakasalanan ko... muli akong suminghot habang nakatitig sa bintana ng aking kuwarto. Hindi ko kayang bumaba sa sala, hindi ko na kayang salubungin ang mga tingin nina Tita Kara.

Napapitlag ako nang lumundo ang kama. Nasa tabi ko na si Damon paglingon ko.

"A-anong ginagawa mo rito?" Mukhang pati susi ng doorknob ko sa kuwarto ay pina-duplicate niya na.

"Hi, love..." Para siyang kuting na naglalambing.

"Lumayo ka sa akin!"

"Umalis na pala sila Mom." Kwento niya. "Babalik sila after ng concert ng BOS. O kaya isasama kita sa Dalisay, may event ang frat."

Trapped With HimWhere stories live. Discover now