22

477K 17.3K 5.6K
                                    

Chapter 22

NANLALAKI ang mga mata ni Maricel habang papalapit sa amin si Damon.

"K-kasi..." napalunok ang babae. "Sinabi ko lang naman kay Jessie na gusto kita and—"

"Shut up. I don't want to see your face again." Walang emosyon na sabi ni Damon sa kanya saka ako nilapitan. "Let's go, Jesusa."

Hinila ako ni Damon paalis. Nang lingunin ko si Maricel ay malungkot siyang nakahabol ng tingin sa amin. Naaawa ako sa kanya, pero kilala ko si Damon, madalas talaga ay matigas pa siya sa bato.

Sa parking ng building ako dinala ni Damon. Wala siyang imik ng pasakayin niya ako ron. Kitang-kita sa kilos niya na hindi maganda ang mood niya. Salubong ang makakapal niyang kilay at tikom ang kanyang mga labi. Para tuloy gusto kong matakot sa kanya. Ayoko talaga kapag ganito ang mood niya. Parang ang hirap niyang i-approach. Parang ang layo-layo niya sa akin kahit pa katabi ko lang siya.

Wala pa ring imik si Damon habang nagmamaneho. Nang sa tingin ko'y ilang minuto na ang lumipas, saka ako naglakas ng loob na magsalita.

"H-hindi mo naman dapat ginanon si Maricel..." mahinang sabi ko.

Nanatili siyang badtrip sa harap ng manibela.

"Huy!" Nilingon ko siya. "Kausapin mo naman ako..."

"Shut up. Nag-iisip ako."

Humalukipkip ako. Okay, iba talaga 'pag bad mood siya.

Sa apartment ko kami tumuloy. Pagka-park niya ng kotse niya sa tapat ng gate ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Sa susunod, tawagan mo na lang ako kung gusto mo akong makita." Pormal na sabi niya. "You don't have to go to my place."

"Gusto ko lang naman kasing makita ang condo mo..."

Hindi siya umimik. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Siya na ang nagbukas ng ilaw. Sa kilos niya ay para bang matagal na siyang nakatira rito, na feel at home na siya.

Sumalampak agad siya sa sofa. Damon behaved like he owned the place.

"Gusto mo ba ng kape?" Lingon ko sa kanya.

"Sure."

"Wait lang." Dumeretso ako sa kusina pero pasilip-silip ako sa ginagawa niya.

Binutingting niya ang mga magazine sa mesita. Kumunot ang noo niya ng makita ang magazine na may mga model na lalaking naka-top less, pasimple niya iyong ihinagis sa basurahan. Ang itinira niya lang ay ang mag na about sa Black Omega Society. Napailing na lang ako.

Kinuha niya ang remote ng TV at binuksan ito. Palipat-lipat siya ng channel pero halatang wala talaga siya sa mood. Wala siyang nagustuhan sa palabas kaya pinatay niya ulit ito at ibinato ang remote sa upuan.

Nang balikan ko siya ay nakahilata na siya sa sofa. Nakahubad na ang coat at sapatos niya. Naka-medyas na lang siya at nakataas ang paa niya sa hawakan ng sofa dahil lampas-lampasan siya ron. Hindi siya kasya dahil ang laki niya.

"O..." Inilapag ko sa center table ang kape niya. "Magkape ka muna, Mahal na hari."

Bumangon siya at walang habas na tinungga niya iyon kahit mainit pa.

"The ring, where is it?" Biglang tanong niya.

"Ring?"

"The ring." Mariing ulit niya. Sa kamay ko siya nakatingin. Nakatayo kasi ako sa harapan niya habang nakaupo siya sa sofa.

"A-ano bang singsing—"

"Iyong singsing, Jesusa!" Tumaas ang tono niya. Para siyang nauubusan ng pasensiya, nataranta tuloy ako.

Trapped With HimWhere stories live. Discover now