28

544K 17.4K 4.3K
                                    


Chapter 28

WHAT HAPPENED?!

What have I done? I helplessly asked myself. Hindi pwede ito... hindi talaga pwede. Magkapatid kami. Hindi pwede iyong gusto niya. He's not in love with me. Nabubulagan lang siya.

O baka hindi na siya si Damon?

Baka clone na lang siya? Diyos ko, ibalik niyo ang kapatid ko! 

Pero malabong mangyari iyon. Siya talaga si Damon. Pero anong nangyari sa kanya? Bakit bigla siyang tinubuan ng pagnanasa sa akin e kapatid niya ako? Ate niya ako! Hindi niya ako dapat binu-buwisit ng ganto!

Lumabas siya ng banyo, naka-towel lang at namumukol ang harapan. Pumapatak sa sahig ang tubig mula sa kanya. Kumibot agad ang sentido ko.

"Sana naisipan mong magpunas bago lumabas ng banyo! Hindi ikaw ang nagma-mop ng sahig! Nakikitira ka na nga lang, pasaway ka pa! Wala kang kunsiderasyon sa may ari ng bahay!"

Parang wala siyang narinig. Namewang siya at tinaasan ako ng kilay.

Lalong kumibot ang sentido ko sa inis lalo ng mapatingin ako sa tuwalya, may tent na!

Umiling-iling siya at naghimas ng baba. "Hindi mo iyan matitikman hanggat di pa tayo kasal."

"Hindi ka ba kinikilabutan sa mga lumalabas diyan sa bunganga mo?!"

Ngumisi siya. "Hindi ka ba nilalamig na wala kang suot na bra?"

"Ha?" Napatingin ako sa suot ko. Oo nga pala! Ganon na lang ang pamumula ng pisngi ko. Agad kong niyakap ang sarili ko.

Bakit ba nalimutan kong mag-bra bago ako bumaba rito?! Sa sobrang tuliro ay wala na ako sa sarili ko.

"Alam mong hindi tayo magkapatid, alam mo na hindi tayo magkadugo, pero rumarampa ka rito na ganyan ang itsura mo. Anong gusto mong palabasin?"

Gulat akong napanganga sa kanya. "Anong palabasin?! W-wala ano! Nasanay lang ako—teka, bat ba ako nagpapaliwanag sa'yo?!"

Umarko ang makakapal kilay ni Damon. "Masama bang isipin ko na may binabalak ka sa akin?"

"Ano kamo?!" Umusok na ang ilong ko sa inis. "At ako pa talaga ang may balak?!"

"Sorry hanggat hindi mo pa ako pinapakasalan, magkasya ka muna sa tingin." Iiling-iling niya akong nilampasan.

"Ang kapal ng apog mo!" Nanggi-gigil sa inis na sambit ko. Inis na tinadyakan ko ang pinto ng banyo.

"Hindi mo ako masisindak sa ganyan. For your information, mas mahal pa sa microsoft ang puri ko." Sabi niya saka humalakhak.

...

HATING-GABI ng mauhaw ako. Wala sana akong balak bumaba ang kaso ay tuyo na talaga ang lalamunan ko sa uhaw. Nanalangin na lang ako na sana tulog na si Damon. Marahan akong bumaba sa hagdan. Mukhang tulog na nga siya kasi madilim na sa sala. 

As in lahat ng ilaw ay nakapatay!

Ayoko na siyang makabangayan. Sa totoo lang ay sawa na ako. Mula ng isambulat niya ang nakakakilabot niyang hangarin sa akin ay tinabangan na ako bilang ate niya. Bakit pa ako magpapaka-ate sa kanya gayong hindi pala ate ang turing niya sa akin?

Hindi ko na binuksan ang ilaw, nangapa na lang ako papunta sa kusina. Sa nakalabas na pitsel na lang ako kumuha ng maiinom, hindi ko na binuksan ang ref para di magkaron ng liwanag. Mahirap na dahil baka magising si Damon. Umiinom na ako ng bigla akong matigilan. May narinig kasi akong kakaiba. Parang... 

Trapped With HimWhere stories live. Discover now