Chapter 29

598K 17K 3.5K
                                    

Chapter 29

"GIRL YOU ARE TO ME ALL THAT A WOMAN SHOULD BE AND I DEDICATE MY LIFE TO YOU ALWAYS..."


Nahinto ako sa paghakbang ng makarinig ako ng kumakanta.

Nandito pa siya?

Sumilip ako sa hagdanan, nasa kusina nga si Damon.

Tanghali na, ah? Kaya nga ako nagpa-tanghali ng baba dahil ayoko na sanang maabutan siya. Ayoko siyang makita! Ayoko siyang makausap!

Naka-apron siya pero walang pang-itaas, jeans lang ang suot niya. Basa at magulo ang buhok niya kaya alam kong bagong paligo siya. Babalik sana ako sa itaas pero nakita niya na ako.

"Come with me my sweet, let's go make a family. They will bring us joy, for always..."

Ngumiti ang mapula niyang mga labi habang nakatingin sa akin. Umiwas ako nong lumapit siya sa akin. Narinig ko mahinang tawa ni Damon. Ipinaghila niya ako ng upuan. Nakakainis kasi umupo naman ako.

"Kain na," nakangiti ang mapupula niyang mga labi.

Naiilang ako. Ilang na ilang. Malamang ngayon ay iisa na ang kulay ko- kulay pula!

Wala sana akong balak kumain, kaso kumalam ang tiyan ko ng mapatingin ako sa mesa. Ang daming pagkain! Umuusok ang sinangag na maraming bawang. Marami siyang nilutong ulam; hot dogs, itlog, bacon, ham tapos may fried chicken pa. Ipinagtimpla niya ako ng gatas, at may fresh juice pa.

"Kumain ka na..." ang lumanay ng boses niya, parang maamong kordero sa langit. Palibhasa kasi may kasalanan, may ginawang kahalayan.

"Ako na!" Inagaw ko ang kutsara ng akma niya pa akong susubuan. "Hindi naman ako imbalido." Sumubo agad ako; sunod-sunod. Hala bat ba gutom na gutom ang pakiramdam ko?

Ngumiti siya nang matamis. "That's right... kain nang kain para di nanghihina."

Ang sama ng itinapon kong tingin kay Damon.

"Hey, pinakelaman ko pala ang gamit mo."

"Ano?!"

Nagkibit siya ng balikat. "Well, I've knocked on your door. Ang kaso tulog na tulog ka talaga... hindi ka magising-gising kahit nong pumasok na ako sa kuwarto mo. Mukhang pagod na pagod ka,"

Hindi ko pinansin ang kabastusan sa sinabi niya. Pero mainit ang ulo ko dahil basta na lang siyang nangialam sa mga gamit ko.

"Anong ginawa mo sa kuwarto ko?!"

"Hindi kita pinagsamantalahan kung 'yan ang iniisip mo." Ngingiti-ngiti siya.

What's funny?! May nakakatawa ba sa nangyayari?!

"E ano nga?!"

"May hinanap lang ako." He said cooly.

"Hinanap?"

Tumayo siya at may kinuha sa bulsa. Napatitig ako sa makinang na kwintas na hawak-hawak niya. Iyong kwintas na white gold, iyong ang pendant ay Montemayor. Napigtal kasi iyon kaya di ko na naisusuot. Nakakalimutan ko laging ipagawa.

"You promised me that you'll always wear this."

Napalunok ako sa dumaang lungkot sa mga mata ni Damon.

"Ipinaayos ko na 'to kanina. You should wear this again," Pumunta si Damon sa likuran ko. Hindi ko na siya naawat ng isuot niya iyon sa akin.

Kumunot ang noo ko kasi medyo matagal siya sa likod ko. Nang bumalik siya sa upuan ay ngising aso siya. Teka bat parang may nagbago? Bat medyo mabigat 'to ngayon? Kabadong tiningnan ko ang kwintas. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang iba na iyon.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon