Sixteen

19.5K 545 7
                                    

Sixteen

Rome...

Kinakabahan man siya hindi niya ito pinahahalata sa mga kasama niya, nasa isang abandunadong building sila malayo sa Manila. Kasama naman niya ngayon si Klye at ang mga kasamahan nito.

Noong isang buwan lang niya nakilala sila King at Ismael Parez mga kaibigan ni Kyle na magkapatid. Parehas na business man ang dalawa na may kanya-kanya ng kompanyang pinapatakbo bukod pa sa negosyo ng tatay ng mga ito.

Kasama din nila ngayon si Leigh, na siyang nasa likod niya palagi. Kilala niya ang kaibigan niyang ito alam niyang kinakabahan din ito ngayon hindi lang din nagpapahalata.

Each of them are escorted of policemen undercover as mafia men. Magaling lang talagang magmanipula si Honeybae at Jobie kaya naman napagtakpan ng mga ito ang lahat ng identity ng mga kasama nila ngayon.

Nakagawa pa nga ng mga fake na kaso sila Jobie at Honeybae para sa mga kasama nilang mga pulis para lang hindi makahalata si Drew.

"Brod"bulong sa kanya ni Leigh.

Hindi naman niya ito sinagot pero pakikinggan nama niya kung ano man ang sasabihin nito.

"Delikado ba tayo ngayon dito?"tanong nito sa kanya.

Nilingon niya ang tatlo pa nilang kasama kung ano ang itsura ng mga ito. mukha namang kampante ang mga ito, kaya naman hindi niya pinahalata kay Leigh ang nasa isip niya kaba.

"Hindi, trust my men Leigh. Isa pa kung magkaipitan ngayon do the plan B okay"ganting bulong niya dito.

Hindi naman na siya sinagot pa ng kaibigan niya.

"Black"narinig niyang tawag sa kanya ni Jobie.

"I have a vision of the target approaching"imporma pa nito.

Nagkasenyasan naman silang magkakasama doon ng mga gagawin, alam na niya ang bawat kilos nilang lima. Ilang beses na nilang pinagmitingan ang bagay na ito kaya naman hindi siya pwedeng pumalpak ngayon. Buhay ng mga kasama niya at ni Jen ang nakataya dito.

Hinanap niya ang asawa niya, nasa malapit lang naman ito sa kanya. kaya kung anu-ano man madali lang niya itong mahihila kung sakali.

Nang makita niya ito hindi na niya hiniwalayan ng pansin ito. naiinis siya sa sobrang lapit ni Drew kay Jen, lalo pa ang panghahalik nito sa asawa niya kanina.

"Puso mo"bulong naman sa kanya ni Leigh.

Loko talaga...

Hindi niya pinansin ang kaibigan at hinarap nalang si Drew.

"Larzaval, where's your Lord?"maangas na tanong niya dito.

Nagsmirk naman ito bago naglabas ng baril at itinutok sa kanya iyon. hindi naman siya nagpakita ng pagkabigla sa inasal nito. alam niyang ganito ang mangyayari, hindi naman sila dadalin nito sa ganitong kaliblib na lugar sa wala.

Nginisan naman niya ito ng maglabas ng baril ang mga kasama nilang mga tauhan, pero hindi ang mga nagpapanggap niyang mga mafia undercard boss. Maging ang mga tauhan naman ni Drew nagsipaglabas na din ng mga baril at itinutok sa kanila.

"Sa tingin mo Dela Merced hindi ko alam ang mga plano mo?"nakangisi na din si Drew habang nagsasalita.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito sa kanya.

"Plano mo talagang makapasok sa mafia ko nang sa ganon makilala mo ang totoong Mr. X, matalino ito"sabi nito na tinuro-turo pa ang kanyang sariling ulo. "Hindi dadating ang totoong Mr. X dito, alam niya lahat ng plano mo. Na ang mga tauhan mo na sinasabing mafia mo ay mga pulis"nagulat siya sa sinabi nito.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon