Nine

21.9K 600 10
                                    

Nine

Rome...

Sobrang bilis ng pangyayari sa buhay niya sa loob lang ng ilang buwan ang dami ng nangyari sa kanya. Nakilala niya si Jen, naging personal assistant, naging side kick nito sa pagnanakaw, naging asawa, at ngayon magiging tatay na siya.

He can't imagine himself na magiging tatay na.

Sa loob ng limang buwan nilang pagsasama ni Jen, naging masaya naman sila kahit pa madalas silang magtalo na dalawa. Ang pinagtatalunan lang naman nilang dalawa ang Gawain ni Jen sa hindi pa din matigil tigil. Wala naman na siyang magagawa doon ang pinagtatalunan lang nila ayaw siyang isama ni Jen sa mga lakad nito.

Well enough with that, balik tayo sa pagiging tatay niya.

Nasa beach house sila ngayon ni Lance at tinulungan nila ang kaibigan niya sa pagpo-propose sa girlfriend nitong si Diwata na kaibigan din ng asawa niya.

Nag bonfire sila sa gilid ng dalampasigan to celebrate the monthsarry and the engagement of the two. Pinipilit ni Diwata si Jen na mag-inom si Jen pero ayaw ni Jen kaya naman inaasar ito ni Diwata.

Sa pagkaasar naman ni Jen sa kaibigan nito nasabi tuloy ni Jen ang dahilan sa pagtanggi ni Jen sa pag-inom ng alak.

"I'm pregnant gaga, kaya ayokong uminom. There nasira na ang surprise ko"nakasimangot na sigaw ni Jen sa kaibigan.

Lahat sila na nakarinig ng sigaw ni Jen natahimik most especially siya. Kasi siya ang ama ng dinadala ni Jen.

"My queen is that true?"hindi siya makapaniwala na tanong niya sa asawa.

Nahihiya naman tumango si Jen bilang sagot sa kanya. siya naman sa sobrang tuwa niya binuhat niya si Jen at inikot ikot habang sumisigaw siya sa sobrang kaligayahan.

Lahat naman ng tao doon ay binati sila, kaya ang celebration nila nadagdagan ng pagiging soon-to-parents nila ni Jen.

"Shit ka naman Rome ang bigat ko"reklamo sa kanya ni Jen.

Inalalayan kasi siya nito papasok sa kwarto nila, napasarap kasi ang inuman nilang magkakaibigan dahil na din sa sobrang sa saya nilang magkakaibigan.

"Sorry my queen"nakangisi niyang tugon.

Kahit naman nakainom siya hindi pa naman siya sobrang lasing, iniisip pa din niya ang asawa niya. hindi na siya binata na pwedeng mag-inom all the way na wala ng ititira pa sa sarili.

"Matulog ka na okay, ang bigat mo"reklamo na naman ni Jen sa kanya.

Nakangisi lang siya na ipinikit ang mata, sobrang saya niya ngayon. Wala ng kapantay ang saya niya. soon he will be a father, wala na yatang ikasasaya ang araw na ito para sa kanya.

Paggising niya kinaumagahan parang benabarena ang ulo siya sa sobrang sakit.

"Oh, inumin mo ng mawala ang sakit ng ulo mo"galit na inabot sa kanya ni Jen ang isang tableta at isang basong tubig.

"Thanks my queen"nakangiti siya habang sinasabi ito pero dala ng sakit ng ulo niya parang nakangiwi na yata siya.

"Itsura mo"nakangiting naman na puna sa kanya ni Jen.

Hindi naman na siya nakasagot pa dahil sa biglang tumunog ang cellphone ng asawa niya.

"Hello"seryosong sagot ni Jen.

Hindi naman ito nagsalita mukhang nakikinig lang ito sa sinasabi ng kung sino mang kausap nito sa kabilang linya. Tumayo naman na siya at nilapitan ang asawa at niyakap hinalikan sa labi ang asawa niya ng hindi naman ito nagsasalita. Smack lang ang ginawa niyang halik dito dahil nagtungo na din siya sa banyo para magbihis.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now