Eight

21.9K 663 15
                                    


Eight

Jen...

Para siyang matatae na ewan, kanina pa siya nakaupo dito sa inodoro. Nasa loob na sila ng hotel room nila ni Rome, nauna ng naligo si Rome kanina. Mga two hours ago pa siguro ang nakakaraan, ni minsan sa lahat sa pinasok niyang delikadong trabaho hindi man lang siya nakaramdam ng kaba ngayon lang.

"Kaya mo yan Jen"pagbibigay niya ng lakas loob sa sarili.

Makailang beses pa siyang huminga ng malalim at tayo-upo bago siya tuluyan na nakalabas sa loob banyo.

Paglabas niya madilim na loob ng kwarto isang dim light lang ang nakabuhay. Hinanap niya ang asawa niya pero hindi niya nakita si Rome kahit saan sa loob ng kwarto nila.

"Rome"mahinang tawag niya sa asawa.

Nakalabas na siya sa banyo nalibot na niya ang mata sa kabuuan ng kwarto nila wala talaga ito.

Napansin niyang nakabukas ang pintuan palabas sa venranda ng hotel room nila.

Dahan-dahan siyang lumapit doon, nakita niyang nandoon nga si Rome at may hawak itong baso na sa tingin niya ay wine ang laman.

Malalim na napabuntong hininga si Rome bago ito uminom sa hawak nitong baso.

"Anong ginagawa mo dito? Malalim dito sa labas"aniya dito na ikinagulat ni Rome kaba naman nasamid ito.

Agad niya itong nilapitan at hinimas ang likod nito.

"Sorry"bulong niya dito.

"No, its okay"nakangiting sagot naman nito sa kanya.

Namayani ang nakakabinging katahimikan sa kanilang dalawa. hindi naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito kaya naman mas pinili niya na ang manahimik nalang.

"So, inaantok ka na ba my queen?"malambing na tanong sa kanya ni Rome makalipas ang ilang sandali na katahimikan.

"Matutulog lang tayo"at of nowhere natanong niya iyon na parang gusto na niyang bawiin agad ng makita ang pagkakangisi ni Rome sa kanya.

"Pwede din naman nating gawin ang honeymoon natin kung gusto mo?"tumaas taas pa ang kilay nito habang nakangisi.

Kung kanina lang bumalik na sa normal ang tibok ng puso niya pero ngayon bumalik na naman sa mabilis na pagpintig ang puso niya dala ng kaba.

"Hey, I'm just joking okay."tumatawa na sabi ni Rome ng hindi siya sumagot.

Sa inis niya hinampas niya ang balikat nito ng ilang ulit, si Rome naman kaysa masaktan tumatawa lang ito sa kanya.

Hinuli nito ang kanyang kamay sabay yakap sa kanya patalikod.

"Enough my queen, it doesn't mean na hindi ako nagrereklamo eh hindi masakit. Masakit po my queen, you have the strongest fist my queen"saad pa nito habang pinipigilan ang pagwawala niya.

Bigla naman siyang tumigil sa pagpupumiglas dito.

"I love you so much my queen"bulong nito sa kanya ng tumigil na siya sa paggalaw.

"I love you too"

Ang kanina lang mabilis na pintig ng puso niya ngayon naging maayos na at kalmado na siya.

She feels so peaceful in her husband's arm. Nararamdaman niya ang kalmanteng paghinga ni Rome habang nakayakap ito sa kanya. pero ilang sandali lang sunod sunod na malalalim na buntong hininga ang pinakawalan nito na para bang may gusto itong sabihin o ano.

"Say it"bulong niya sa asawa.

"Ha?"para namang nagulat ito sa pagsasalita niya.

"May gusto kang sabihin right?"aniya.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now