Five

27.6K 766 22
                                    

Five

Rome...

Hindi niya magawang umalis sa tabi ni Jen, parang may bumubulong sa kanya na wag umalis. Kaya heto siya ngayon nasa sala pa din siya ng bahay nila Jen.

Speaking of bahay, hindi siya makapaniwala na nasa isang subdivision ang bahay nito. Sa kanya kasing pagkakatanda ang nakasulat sa Resume ni Jen, sa isang apartment ito nakatira sa isang remote area pa nga. Kaya naman nagulat siyang nakita niya ang bahay nito, hindi naman sa minamaliit niya ang dalaga nagulat lang talaga siya.

Naisip tuloy niya, baka lahat ng nakasulat sa resume nito hindi totoo lahat. Maging pangalan nito baka hindi totoo.

"Oh"

Nagulat siya ng makita ang babaeng kausap kanina ni Jen na nasa tapat na niya at may binibigay na juice sa kanya. pinakatitigan niya ito, maliit lang na babae sa tingin niya nasa 5 feet lang ito na payat, matangos ang ilong maputi, at nakasalamin ng sobrang kapal.

"Done check?"mataray na tanong nito sa kanya.

"Sorry"hinging paumanhin naman niya.

"Kapag naubos mo iyan umalis ka na. pag-alis mo maghanap ka na din ng bago mong PA kasi hindi na mahaharap pa ni Jen ang magtrabaho sayo. Nahibang lang ang kaibigan ko sayo kaya siya lumapit sayo, but what yesterday alam ko bumalik na ang katinuan ng babaitang kaibigan ko. So better kalimutan mo na kami, thanks kasi hindi mo kami sinumbong sa mga pulis I appreciate it."seryoso nitong sagot sa kanya.

Sasagot na sana siya sa sinabi nito ng makita niyang nakatayo sa likod nito si Jen at seryosong nakatingin sa kaibigan nito.

"Silver"tawag ni Jen sa kaibigan.

"What?"nakataas ang kilay na tanong dito ng dalagang kaharap niya.

"Iwanan mo na kami ni Rome, ako na bahala sa kanya"seryosong kausap nito sa kanya.

Nagdadabog na iniwanan sila ng kaibigan ni Jen na tinawag nitong Silver. Matagal silang nagtitigan ng dalawa bago nagsimulang magsalita si Jen.

"Lahat ng sinabi ng kaibigan ko totoo, I will no longer your PA, kailangan ako ng mga kaibigan ko, yeah aaminin ko I'm attracted to you simula ng makita kita sa bahay mo noong araw na pinagnakawan kita kaya ako nagsumiksik sa buhay mo. Pero sa kagagahan ko napahamak ang kaibigan ko. I realize my mistake now, like what my friend told you awhile ago, I say thanks for being nice to us at hindi mo kami nireport sa mga pulis. And I will be forever thankful to you kung idi-disclose mo ang lahat ng nalaman mo ngayon."seryoso itong nakatitig sa kanya.

"Is Jennifer Carlota Reyes your real name?"tanong niya sa dalaga.

Napakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya.

"Yes"

"September 30, 19** is that your real birthday?"tanong na naman niya dito.

"Yes"

"Are you really graduated in college, as business management?"iniisa-isa niya ang mga naaalala niyang information nito sa resume.

"Are you talking about my resume?"ganting tanong sa kanya nito.

"Yes"pag-amin niya dito.

Mahinang tumawa naman ang dalaga.

"Ang totoo lang doon ay ang pangalan, edad at birthday ko. Bukod doon lahat kasinungalingan na"pag-amin nito.

"Atleast you tell me your real name"

Napapantaskitohang tinitigan siya nito, parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now