Fifteen

20.3K 557 12
                                    

Fifteen

Jen...

Halos maghapon na nangunyapi sa kanya ang anak nila ni Rome hindi man lang siya iniwanan nito maski sa pagtulog nito. kasa-kasama siya nito kahit na sa loob ng kwarto nito para matulog.

"Bakit kilala ako ni Austin, Rome?"tanong niya sa asawa niya ng nakatulog na ito.

Maging si Mia ay katabi ng anak nila at natutulog din ito.

"Palagi kitang kinukwento sa kanya. palagi ko din pinapakita ang picture mo sa kanya"simpleng sagot ni Rome.

Nakatingin din ito sa anak nila habang natutulog ito. ngayon na payapang natutulog ang anak makikitang hati sila ni Rome sa mukha nito. nakuha ni Austin sa kanya ang labi at mata nito samantalang kay Rome naman ang ilong at hugis ng mukha nito. parehas naman silang maputi ni Rome kaya hindi nakakapagtaka na maputi din ang anak nila.

"Rome..."tawag niya sa asawa makalipas ang ilang minuto.

"Yes, my queen?"

"Explain everything, bakit ka may mafia? Anong nangyari after kong umalis?"seryoso niya itong nilingon.

Seryoso din itong nakatitig sa kanya, hindi ito nagsalita at inilahad ang kamay sa kanya. sinenyasan siya nitong lalabas sila sa kwarto ng mga bata. Habang papalabas sila doon naman nila nasalubong si KC na papunta sa kwarto ng mga bata. Yumuko ito sa kanya ng magkatapat na sila nito.

Nagtataka namang binalingan niya si Rome.

"She's Austin nanny my queen"sagot naman sa kanya ni Rome kahit pa hindi naman siya nagtatanong dito.

Dumeretso sila sa loob ng kwarto ni Rome, pinaupo siya sa gilid ng kama nito at may kinuha itong folder mula sa safe box nito.

Naalala niya na ito ang dinistrongka niya noong niluoban niya ang bahay ni Rome. Napangiti siya ng hindi man lang nagbago si Rome ng ayos ng kwarto nito.

Rome's Flashback

The moment he came back to his house nakapagplano na siya ng gagawin niya para sa asawa niya. hindi siya makakapayag na si Jen lang ang magsakripisyo.

"Rome..."

Nasa bahay siya ng kaibigan niya ngayon, kailangan na niya ng katulong hindi na niya kaya na siya lang. tutal na simulant naman na niya ang mga kaibigan niya na tulungan siya lulubusin na niya ng tuluyan.

"Lance"

"What can I do for you?"nakangisi pa ito habang nakatingin sa kanya.

Hindi pa kasi nito alam ang nangyayari sa kanila ni Jen, hindi pa din alam nito ang paglayas ng asawa niya, ang alam lang nito nagtatampo ang asawa niya sa kanya kaya ito nawawala.

"I need your help...I mean Diwata's help"aniya dito.

Napataas naman ang kilay nito sa kanya, as if naman narinig siya ni Diwata bigla itong lumabas sa kung saan.

"Kailangan mo ng tulong ko? Bakit?"tanong ni Diwata sa kanya.

"Kailangan ko ng tulong mo, please help my wife"pagmamakaawa nito.

Nakakunot noo ito na nakatitig sa kanya, hindi nito maintindihan ang sinabi niya. kaya naman pinaliwanag na niya ang lahat dito. Alam niya wala siya sa lugar para siya ang magsabi nito pero desperado na siya. Hindi na niya makuhang hawakan pa ang asawa niya, kinakain na ng paghihiganti ang isip ni Jen.

"Kaya pala nawala siya bigla sa serbisyo"ani Diwata matapos niyang ipaliwanag ang lahat dito.

"I badly need your help Diwata. Ikaw lang ang alam kong malalapitan ko para tulungan ang asawa ko"desperado niyang turan dito.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now