Kline's Letter (Dear Papa)

2.8K 104 4
                                    

Dear Papa,


                      Nasaan ka na po? Bakit mo po kami iniwan? Bakit mo po hiniwalayan si mama? Babalik ka pa ba? Kilala mo po ba kami? Mahal mo po ba kami? Mahal mo po ba si mama? Naaalala mo po ba kami? Maayos lang po ba ang kalagayan mo?


                      Papa, kung bumalik ka po sa amin at hindi mo na ako naabutan lagi mo pong tatandaan na hindi ako galit sa'yo, dahil lubos po akong nagpapasalamat kung wala ka po wala rin po ako sa mundong ito. Papa, mahal na mahal kita kahit sa picture lang po kita nakilala at kahit hindi pa po kita nakakasama mahal na mahal po kita papa.


                      Kung bumalik ka 'man po at nabasa mo ang sulat kong ito hindi ko po hinihiling na magkabalikan po kayo ni mama kung hindi mo na po siya mahal okay lang po kahit hindi na kayo magkabalikan pero papa kung mahal mo pa rin si mama pwede po bang mabuo muli ang pamilya natin? Kahit wala na po ako lagi niyo pong tatandaan na nasa tabi niyo lang po ako at binabantayan kayo.


                      Kung maabutan mo 'man po ako, papa salamat sa ala-alang pinagsaluhan natin sa natitirang araw sa buhay ko. Kung dumating 'man po ang araw na bumalik ka at saktong nandito pa ako sa mundo lubos po akong nagpapasalamat sa'yo papa, mahal na mahal na mahal po kita.

                      Papa, sana habang binabasa mo ito nakangiti ka at masaya. Papa pwede po bang pagkatapos mong basahin ang sulat kong ito yakapin mo po sina mama, ate at lola. Please po, papa para maramdaman nilang hindi po sila nag-iisa. Mamimiss at miss na miss na miss na miss na po kita papa.

                      Mahal na mahal kita papa, salamat po sa'yo.

I love you Papa,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon