Letter (13)

1.8K 108 2
                                    

Dear Papa Jesus,




                                    Hindi ko po alam kung hanggang kailan po ako magsusulat Sa'yo, dahil lalong lumalabo ang paningin ko at kalaunan hindi na po ako makakakita. Hindi 'man po sabihin sa akin ni mama, alam ko pong wala na akong pag-asang gumaling at wala ng bisa ang mga iniinom kong gamot pati na rin ang chemotherapy.




                                    Papa Jesus, salamat po dahil hindi Mo pa rin kami pinapabayaan, hindi Mo po hinayaang makulong si mama. Maraming salamat po Papa Jesus sa lahat-lahat lalo na sa buhay na pinaranas at binigay Mo po sa akin.



                                    Alam ko pong pinili Mo si mama para maging ina ko, alam ko pong pinili Mo ang ganitong buhay ko, Ikaw po mismo ang nagdesisyon kung anong klaseng buhay ang dapat mayroon ako at lubos po akong nagpapasalamat doon.




                                    Papa Jesus, salamat po dahil pinili Mo si mama na maging ina ko dahil hindi po siya sumusuko sa akin, napakabuti po niyang mama at sobra pong mapagmahal. Hindi niya po kami pinapabayaan lalo na po ako, kahit wala na po akong pag-asang gumaling pero po si mama hindi pa rin po nawawalan ng pag-asa. Papa Jesus, kapag kinuha mo na po ako pwede po bang magpadala ka ng isang taong magpapasaya kay mama? Ayoko pong maging malungkot siya kapag wala na po ako sa tabi niya, Papa Jesus huwag Mo po sana pababayaan si mama kapag wala na po ako sa tabi niya. Mahal na mahal ko po si mama.



                                    Salamat po Papa Jesus sa lahat. Salamat po sa mga natitirang araw ko rito sa mundo, maraming salamat po.



I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon