Kline's Letter (Dear Lola)

1.9K 99 0
                                    

Dear Lola,




                     Mahal na mahal kita lola, lagi mo pong tatandaan na ang salamin mo sa mata ay lagi mong naiiwan sa ibabaw ng lamesa, salamat lola dahil kahit matanda ka na hindi mo pa rin ako pinabayaan isa ka po sa mga taong nagbigay lakas sa akin. Lola, huwag mo pong pababayaan ang sarili mo, salamat po dahil pinalaki mo si mama na katulad mo isang malakas na babae.




                    Lola, mahal na mahal kita mamimiss ko pong tanggalan ka ng uban, mamimiss ko pong hinahaplos mo ang ulo ko kahit wala na po akong buhok, mamimiss ko po ang lagi mong tinatanong kung nasaan ang salamin mo sa mata. Lola mahal na mahal kita, kapag nabasa mo na po ito siguro kasama ko na po si lolo.





                    Mamimiss kita lola, lagi ka pong ngumiti dahil kahit kulubot na po ang balat mo maganda ka pa rin po, mahal na mahal kita lola.




                    Sana po kapag tapos mo na itong basahin pwede po bang ngumiti ka? Salamat po lola, mahal na mahal kita at mamimiss po kita.




I love you Lola,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon