Kline's Letter (Dear Ate)

2.1K 105 0
                                    

Dear Ate,




                    Mahal na mahal kita ate, alagaan mo po iyang baby sa tiyan mo alam ko pong hindi ko na po siya maaabutan, huwag ka pong gagawa ng ikasasama ni baby dahil biyaya po iyan ni Papa Jesus. Ate, iniwan ka 'man po ng dapat magiging papa ni baby huwag ka pong mag-alala dahil si Papa Jesus hindi ka Niya iiwan.




                  Ate, kapag nawala na po ako ikaw na pong bahala kay mama at lola, huwag mo po sila pababayaan huwag ka pong mag-alala dahil kahit wala ako sa tabi niyo aalagaan ko pa rin po kayo. Ate, mahal na mahal kita hindi ko 'man nasasabi sa'yo araw-araw pero mahal na mahal kita ate pati si baby na nasa tiyan mo. Sorry ate kung pasaway ako at lagi kitang pinagtataguan dati kapag sinusundo mo ako sa school, sorry din po kung minsan kinukulit kita kapag nag-aaral ka at sorry ate kung iiwan ko kayo nila mama. Mahal na mahal kita ate.


                  Mamimiss kita, sana po kapag nanganak ka na pwede po bang Kline ang ipangalan mo kay baby? Mahal na mahal kita ate, dapat kapag binabasa mo ito nakangiti ka, huwag kang malulungkot dahil nalulungkot din si baby. Mahal na mahal kita ate pati si baby Kline na nasa tiyan mo, sana ate huwag ka ng magreklamo kung bakit mahirap lang tayo.


                  Salamat sa lahat ate, salamat kasi hindi mo ako pinabayaan at hindi mo ako sinukuan. Maraming salamat dahil ikaw ang ate ko, mahal na mahal kita ate.


                  Kapag tapos mo na itong basahin pwede po bang yakapin mo si mama at lola para sa akin? Pwede po bang ikiss mo sila para sa akin? Pwede po bang sabihin mong mahal na mahal mo sila para sa akin? Salamat ate, maraming salamat. Ngiti ka lang ate.

I love you Ate,

I love you baby Kline,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon