Letter (14)

1.8K 110 1
                                    

Dear Papa Jesus,




                                  Isang linggo po akong nasa ospital at ngayon lang po ako nakauwi sa bahay, hindi ko na po kilala ang mga tao sa paligid ko kahit ang bahay po namin hindi ko na po matandaan, bakit po ganito Papa Jesus? Bakit po nawala lahat ng ala-ala ko?



                                     Nawala 'man po lahat ng ala-ala ko pero itong pagsusulat ko po Sa'yo ay hindi ko nakalimutan, lalo Ka na po Papa Jesus. May isang lalaki po pala na nandito sa bahay, nang makita niya po ako kanina bigla na lang niya po ako niyakap ng sobrang higpit at umiiyak po siya. Hindi ko po siya matandaan, pero nararamdaman ko pong mahal na mahal ko siya, hindi ko po siya gaanong makita dahil sa panlalabo ng mga mata ko pero pakiwari ko po kamukha ko siya.



                                    Papa Jesus, kumpleto na po ulit ang pamilya ko, hindi ko 'man po sila matandaan, nawala 'man po lahat-lahat ng ala-ala kong kasama sila hindi po nakalimutan ng puso ko na sila ang pamilya ko at mahal na mahal ko po sila. Ang saya-saya ko, ito na po ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko at nararamdaman ko pong masayang-masaya rin po sila. Papa Jesus, maraming salamat po dahil bumalik na si papa.



                                    Papa Jesus, okay na po ang lahat wala na po akong mahihiling pa, sobra-sobra na po ang mga binibigay Mo sa akin, maraming salamat po Papa Jesus sa pamilya at pagmamahal na naramdaman ko po sa kanila. Alam ko pong malapit ko ng makita ang langit at malapit na rin po Kitang makita. Nararamdaman ko na po Papa Jesus at kung kukunin Mo na po ako wala po akong pagsisisihan, handang-handa na po ako at masaya po akong mapupuntang langit.


                                    Papa Jesus, handa na po ako.




I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon