Dirty Fairytale [#31]

16.7K 180 30
                                    

THIRTY ONE

“Shet. Ang sarap!”sabi ni Vivi pagtapos niyang sumubo tapos tumingin siya sakin. Sht. Ang ganda talaga ng girlfriend ko lalo pag nasasarapan. xD

“Sige lang, Babe. Subo lang ng subo. Para sayo lang yan.” Nag-smile ako habang sumubo na ulit siya. Oo, tama, iniisip niyo. Restricted tong ginagawa namin.

Bawal kasing tumambay dito sa rooftop dahil off-limits tapos pareho pa kaming kumakain e. xD

“Grabe. Sobrang swerte ko talaga sayo. May personal cook na ko, may personal driver pa.” tumawa siya tapos sumubo ulit nung pizza. Awts. Ganun lang ba talaga ako para sa kanya?:(

“Oo nga. Ang swerte mo.” umacting akong galit kunwari tapos kinuha ko palayo yung box ng pizza sa kanya. Parang nataranta naman siya habang hawak yung isang slice. Aww. Ang cute o. Parang bata. Wahaha.

“Hoy, binigay mo na sakin yan kaya wala nang bawian!” Di ko lang siya pinansin tapos tumayo ako nang galit pa rin kunwari. Tumayo rin naman siya tapos parang aagawin niya yung box sakin kaya tinaas ko pa palayo.

Pagkataas ko nung box, tumingin siya sakin nang masama. Wahaha. Maasar nga to. Di abot e. xD

“Tingkayad ka, Babe. Para maabot mo.” Pinigil niya lang yung tawa niya tapos inubos na niya yung kinakaen niyang pizza.

“Diyan ka na nga! Sabi na pekeng pagpapasweet mo lang to e.” sumimangot pa siya kaya natawa ako. Halata kasing umaacting lang siya dahil di siya umalis e. Wahaha.

“Woo. Di mo lang abot e.” Inirapan niya ko sa sinabi ko tapos tumalikod na. Akala ko nga aalis na siya pero bigla siyang huminto tapos lumapit siya sakin para halikan ako. Medyo na baba ko tuloy yung box tapos nung kukunin niya ulit, tinaas ko ulit palayo.

“Weh. Ang daya mo naman e! Akin ka na kasi yan!” Umacting ako na nag-iisip kunwari kung ibibigay ko sa kanya kaya parang nainis yung itsura niya.

“Fine. Break na-“ Di na niya natapos yung sasabihin niya dahil binagay ko agad yung pizza. Taena. Ang utak talaga ng girlfriend ko kahit kelan. Kaya mahal talaga namin isa’t isa e. xD

“Yay! Sabi na, yun lang katapat mo e. Akin na to lahat ha?” Natawa lang ako sa kanya nun dahil para siyang bata tapos naupo na ulit kami. Ang saya nga e. Sa wakas kasi, napalabas ko na yung ANO niya.

Yung KULIT niya. Wahaha. Dati kasi sungit lang diba? xD

“Thank you ulit dito, Babe. Akala ko talaga binili mo lang sa Greenwich e.” Napansin kong may chocolate siya sa may labi kaya dinilaan ko. Wahaha. Joke lang. Pinunasan ko lang ng daliri ko.

Pero teka. Labi sa taas yun a? Baka yung sa baba iniisip niyo e. Wahaha.

Kasi diba may upper lip saka lower lip? Kaya oo, maling labi sa baba yung iniisip ng maduming utak niyo. Wahaha. Joke lang. Si Kier lang naman madumi utak dito diba? xD

“Basta, ikaw.” Natahimik kami pagtapos nun. Alam niyo yung tahimik na nakakarelax? Err. Basta, nakaupo lang kami nang magkatabi tapos nakasandal ulo niya sa balikat ko at sobrang saya ko.

“Alam mo ba-“ natawa kami dahil sabay naming sinabi yun.

“Ano?” sabay ulit naming sinabi kaya natawa ulit kami.

“Ikaw na muna.” sabi ko dahil excited din akong marinig yung sasabihin niya. Saka sabi sakin dati ng Mom ko, “Ladies always come first .” Oi, teka. Di bastos yung come diyan a? Baka akala niyo nawrongspelling lang ako e. Wahaha.

Pero siryoso, excited akong malaman yung sasabihin niya. Pakiramdam ko kasi may tiwala na siya sakin ngayon e. Di tulad dati na kahit pekeng boyfriend niya ko, wala man lang siyang kinukwento sakin. Tapos ako lang talaga yung nagt-trust sa kanya. xD

“Nakalimutan ko na e. Joke. De. Yung siryoso ha? Pagdating sa pagiging boyfriend, sobrang no match si Eron sayo?” napasmile ako sa sinabi niya. Yun o. Sabi mas malaki TI…to ko saka mas masarap yung TAM…is ng pagmamahal ko dun e. Wahaha.

“Bakit naman?” Parang napaisip siya sa tanong ko. Aww. Ang ganda niya na naman lalo o. Ba’t ba ganto to? Epekto ng wholesome niyang boyfriend? xD

“Kasi mas malaki yung ANO mo.” Natawa siya habang nilapit ko naman yung muka ko sa kanya nang siryoso. Parang nagtaka naman bigla yung itsura niya.

“Pano mo nalaman?” joke ko kaya binatukan niya ko nang pabiro. Buti nalang nga kami na neto e. Kundi, panigurado, walang halong pagmamahal yang pangbabatok niya. xD

“Baliw! Yung pagmamahal mo yung tinutukoy ko no! Saka, grabe, Babe ha. Gawa ba sa libido utak mo?” pinigil ko yung tawa ko nun tapos nagpanggap akong nagtataka.

“Ano po ba yung libido?” natawa si Vivi sa joke ko. Alam niya kasing nangtritrip lang ako e.

“Shet. Di bagay.” Natawa lang kami nun hanggang sa parang may napansin siya dun sa baba. Kita kasi yung labas ng school dun dahil malapit sa gate tong rooftop e.

“Si Kier yun diba?” tinignan ko yung tinuro niya. Sht. Oo nga no? Anong ginagawa nun kausap yung mga gangster?

Pumasok na si Kier ng gate pagtapos niya kausapin yung mga gangster na parang problemado itsura. Tapos kumaway siya samin nung napansin niya kami sa taas.

“Babe, picture tayo.” Napatingin ako kay Vivi tapos nagflash yung camera ng phone niya sa harap namin.

“Shet. Ba’t ang gwapo mo kahit stolen?” sabi niya kaya tinignan ko yung pic namin.

“Oo nga e. Maganda daw kasi yung girlfriend ko.” parang namula lang siya sa sinabi ko nang natatawa tapos nagpicture na ulit kami.Naka-iba’t-ibang position nga kami e. Na wholesome a? Baka akala niyo pang-ano e. Wahaha.

“Wait lang. Yung phone mo naman.” Nilabas ko yung phone ko nun. Nagulat nalang ako nung tumayo siya tapos kumandong sakin. Sht.

“Game na, Babe. I-multishot mo yung cam mo ha?” Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya tapos naalala kong magpipicture nga pala kami. Wahaha. Sorry, sorry. Pakyu kasi si Kier. Kinakausap mga gangster. Yan tuloy. Iba naisip ko nang di oras. xD

Sinunod ko lang yung sinabi ni Vivi tapos nung natutok ko na, bigla niya kong hinalikan habang nagmumultiple shot… yung phone ko. xD

Naghalikan lang kami hanggang sa matapos yung pag-shot. Ang blurred nga nung mga picture hanggang mapunta dun sa isa na malinaw na nakakandong siya sakin at naghahalikan kami.

“Mother of God!” napatingin kami dun kay Xyra sa pinto ng rooftop. Parang namula naman si Vivi na lumayo agad sakin.

“Wait lang. It’s not what you think, Xy.” sabi agad ni Vivi habang parang nandidiri yung itsura ni Xyra samin.

“Anong it’s not what I think? For God’s sake Vi! Huling-huli ka na, nagpapavirgin ka pa?” di lang nakasalita si Vivi na parang iiyak na. Taena. Gara a. >:[

“Teka, Xy, alam kong bastos pagkakakilala mo sakin pero wag mo naman pagsalitaan ng ganyan girlfriend ko. Di namin ginawa yung binibintang mo.” Pagkasabi ko nun, biglang tumawa si Xyra na halos namumula na yung mukha.

“OMG, guys. Ang epic ng reaction niyo.” Nagkatinginan kami ni Vivi sa sinabi ni Xy. Nagets ko naman yung gusto niyang mangyari kaya pinigil ko tawa ko.

“Taena. Badtrip.” Nilagay ko sa bulsa ko yung phone ko tapos tumayo ako na galit kunwari kaya natahimik si Xyra.

“Weh? Mapaghiganti lang, guys?” tumawa pa si Xyra pero siryoso lang kami kunwari ni Vivi. Halata ngang pinipigil din ni Vivi tawa niya pag di nakatingin si Xyra e.

“Whatever!” yumuko si Vivi nun pagkatalikod niya kay Xyra dahil natatawa na talaga siya.

“Edi sige. Isusumbong ko nalang kayo na gumawa ng di wholesome na something sa offlimits.” Parang aalis na siya nun kaya pinigilan namin siya.

“Joke lang, Xy. Alam mo namang ayaw ni Kier nang nagsusumbong diba?” tumawa lang siya sa sinabi ko.

“Oo na, leche. Alam niyo talaga kahinaan ko e no? Anyway, punta kayo ng auditorium after lunch. May forum daw tungkol sa Sex Education e.” Yun o. Education. Ayoko talaga ng walang klase e. Kasi, taena, nagbabayad kami ng tuition tapos wala lang klase? Badtrip! Wahaha.

“O? Boring naman.” Natawa sila sa sinabi ko. Taena. Totoo naman e.

Boring pag-usapan yung gender diba? xD

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon