Dirty Fairytale [#25]

18.9K 281 84
                                    

TWENTY FIVE

TUMBLR. DASHBOARD.

____________________________________________________________________________

"Hater ka ba? Kasi kahit na i-hate mo ko, hindi magbabago yung nararamdaman ko sayo. Ayi. Cheer up, Miss. Kahit maraming nagmumura sayo, mas marami parin kaming nagmamahal sayo. =D"

Aww. Lemme guess. Si Jez to no? Ayee. Sabi na love mo ko eh. Thank you, sis! I love you! <3

Ask vivireyes a question.

____________________________________________________________________________

Taena. Si Jez pa talaga nagka-Iloveyou o. Akin dapat yun e! :(

Sasabihin ko sana nun sa Ask ni Vivi na di ako si Jez kaso, may nagsalita bigla sa harap ko.

“Nagtutumblr ka na rin, tol?” napatingin ako sa nagsalita. Taena. Si Jez pala. Lol. Tinotopak na naman ng pagkalalake niya. Wahaha.

Pero teka. Nakatayo siya na sa harap ko a? Delikado di malinaw sa maduming utak niyo e. Wahaha. Joke lang.

Wholesome tayong lahat dito. xD

“Angas, photographer.” bago ko ng usapan dahil baka magsumbong pa siya kay Vivi . Syempre, ayokong malaman ni Vivi na pinapasok ko nang di niya alam yung P niya.

YUNG PRIVACY NIYA. Wahaha.

Pero pwede rin yung bodypart niyang P e. Hulaan niyo nalang kung ano. Wahaha.Joke lang. Syempre, PUSO niya yun. Yun lang naman P na bodypart na pwedeng pasukin diba? xD

“Eksaherada! Porket may dslr camera, photographer na? Di ba pwedeng naka-bling-bling lang muna?” Natawa ako sa kanya habang may parang kinuha naman siya sa bulsa niya.

“Happy Birthday nga pala, tol.” Natawa ako sa sa pag-tol niya tapos tinignan ko yung mga picture na binigay niya. Sht.

“Thank you, Jez.” Tinignan ko ulit yung mga stolen shots ni Vivi nang naka-twopiece lang. Taena. Ang ganda pala lalo ng mahal ko pag naka-twopiece lang o. Pano pa kaya pag naka-no-piece langsiya? Wahaha. Teka. Curious lang ako a? Baka sabihin niyo ang bastos ng utak ko e. Lol.

Nga pala. Kung nagtataka kayo,oo, ngayon talaga yung birthday ko. Sobrang mahal lang talaga ako ni Vivi kaya gusto niya, siya unang makakabate sakin.Sht. Teka. Ng Happy Birthday a?Baka ibang BATE naiisip niyo e.

Yung DI MAGKAGALIT. xD

“La yun, tol. Tara, pasakay na sa matigas na ano mo.” Tinignan ko siya nang natatawa sa sinabi niya.’

“Na kotse mo.” Tinawanan ko lang yung kagaguhan niya tapos nagdrive na ko papuntang resthouse namin. Dito kasi talaga ako magcecelebrate ng birthday ko dahil tabing dagat e. Kaso nauna kami ni Jez para dun sa binabalak ko kay Vivi. Magpapatulong kasi ako sa kanya dahil busy yung dalawang kupal sa mga girlfriend nila.

Saka, gusto ko na rin matanong siya tungkol dun kay J.

“Ohmygod. Ang unkabagable ng resthouse niyo.” Sabi ni Jez pagbaba ng kotse ko. Pumasok kami sa loob na dala yung dalawang bouquet ng roses na binili ko tapos nagmano ako kay Lola Mary Claire.

“I miss you, Lola Claire. Bumabata tayo a?” binigay ko yung bouquet ng roses na isa kaya kinuha niya. Apat kasi yung binili ko e. Isa kay Vivi, isa kay Lola Mary Claire, isa sa kakambal niyang si Lola Aliciana Mary tapos, isa sa Mom ko.

“I know, right? Chos. Happy Birthday, iho.” hinalikan niya ko sa pisngi habang pinipigil ko tawa ko. Pa-teenager na naman kasi e. Nga pala, caretaker lang sila ng Mom ko kaya lola tawag ko. Wala na rin kasi yung pinaka-Lola ko talaga e.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon