Dirty Fairytale [#37]

16.1K 170 33
                                    

THIRTY SEVEN

Photoshopped lang lahat yun diba? Malabo naman kasing maging totoo yun e. Kasi taena, di naman ganun si Vivi diba? Saka di sila talo ni Kaizen. Err. Hindi nga ba? Sht. Oo’nga kayo. Ang gulo na ng utak ko e.

Tinanggal ko yung bag ko tapos naupo ako ang nakasandal sa may locker. Tapos nun, nilabas ko yung mga naunang picture na bigay ni J. Tinignan ko yung mga yun nang paulit-ulit kung pareho nung bagong bigay ni J. Taena. Oo, sila nga to. Pero photoshopped lang din to diba? Pinagtritripan lang sila ni J. Kasi sila yung slut saka fag na tinutukoy nun diba? Kaya tama, tama. Mahal ako ni Vivi kaya imposibleng totoo to. Kaso.. sht, wala.

Umayos ka nga, Skype. Mahal na mahal ka ng girlfriend mo tapos di mo lang siya pagkakatiwalaan?

Binato ko yung mga picture sa harap ko sa sobrang gulo na ng utak ko. Tapos nun, kinuha ko yung phone ko para tanungin si Vivi tungkol dito. Itetext ko na dapat siya kaso napansin kong iba na yung wallpaper ng phone ko.Dati kasi si Vivi lang yun e. Ngayon, yung nakakandong na siya sakin at hinahalikan niya ako sa rooftop. Err. Ako ba nagbago neto nung lasing ako? Di ko maalala e. Pero teka. Ba’t parang kapareho to nung unang bigay ni J?

Kukunin ko na sana yung mga picture na binato ko para ikumpara pero dumating bigla si Amanda pati si Kier sa gilid ko. Napatingin sila sakin na parang nagulat na andun pa ko.

“Hey, Skype. Ba’t di ka pa umuuwe?” tanong ni Amanda sakin. Si Kier naman tinignan lang ako nang masama.

“Hinihintay si Vivi. Kayo?” palusot ko. Ayoko kasing sabihin na magulo utak ko dahil sa kagaguhan ni J e.

“La ka na dun. Una na ko, Mandz.” umalis na si Kier nang maangas habang umupo naman sa tabi ko si Amanda.Tapos nun, parang napansin niya yung picture sa may harap ko kaya kinuha ko agad.

“Si Vivi ba yun?” nakaturo pa siya sa mga picture na hawak ko habang tinatanong yun.

“Di ko nga alam e. Tingin mo si Vivi saka si Kaizen to?” pinakita ko yung huling picture na di blurred si Kaizen sa kanya. Nakita naman na niya kaya wala nang dahilan para itago ko pa. Napakagat lang siya ng labi niya na parang may iniisip. Sht. May alam ba siya?

“Uhm. Honestly, Skype. Ayoko talagang manggaling sakin to pero madalas ko silang makitang magkasama ni Kaizen lately. And based sa mga posts ni Vivi sa Tumblr, she is a very good playgirl. Napagsabay niya nga kayo ni Eron dati diba?” Napaisip ako sa sinabi niya. Playgirl ba talaga si Vivi? Pero, di naman totoong pinagsabay niya kami ni Eron diba? Err. Taena. Mas lalo lang gumulo utak ko.

“Fvck.” Biglang tumayo si Amanda na parang nasusuka kaya napatingin ako. Nakahawak siya sa bibig niya na parang tinatakpan kaya nag-alala ako.

“Ayos ka lang, Mandz?” tumayo ako para alalayan siya.

“Yep. Sorry. I need to go.”tumakbo siya na parang nasusuka papunta dun sa CR. Sa totoo lang, di naman niya kelangan tumakbo e. Ayos lang naman sakin makita yung puke niya. Err. Teka,yung suka sa tagalog yun a? Magulo utak ko masyado para magbiro ngayon e.

Pag-alis ni Amanda, nilagay ko yung mga picture sa bag ko tapos nilabas ko ulit phone ko para itext si Vivi. Nung itetext ko na siya, may nagtext saking di nakasaved na number.

“Di pa exam pero may nagchi-cheat na? At ang lupet ha, sa rooftop pa talaga! – PS. Check it out and you’ll know what I mean, J. :>” Nabitawan ko yung bag ko pagkabasa ko nun.

Nagmadali akong nagpunta sa rooftop tapos nung bubuksan ko na yung pinto, nagdalawang-isip ako. Taena. Wag na lang kaya?

“I know, right? Nakakainis nga e. Patay na patay sakin si gago.” Narinig kong sabi ni Vivi na parang hindi siya yung nagsasalita. Basta, iba yung tono e. Pero si Eron yung tinutukoy niya diba? Oo kayo? :(

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon