Dirty Fairytale [#8]

23.5K 261 78
                                    

EIGHT

“Jeckoooooo. Si Ate Skyler mo tooooo. Ibili mo ng kotse si Skype sa birthday niya kung ayaw mo dalawin ka namin ng mga friends koooo.” natawa ako kay Xyra habang sinasaniban kunwari. Gumagawa kasi kami ng video ng panakot kay Tito Jecko e. Malapit na kasi birthday ko. Kaya eto, pinag-acting ko si Xyra na kunwari sinaniban siya ng Mom ko. Lol.

“Sht. Ang galing mo.” sabi ko kahit hindi naman talaga, tapos nun, binluetooth ko na yung video ni Kier sa kanya.

“Gosh, Skype! Thank you! Send-an mo ko pag may hot ka nang video niya huh?” natawa ako nun sa kanya dahil alam kong nagjojoke lang siya. Tumawa lang din naman siya tapos lumabas na siya ng classroom dahil kanina pa namin uwian.

Teka. Kung hinahanap niyo yung kupal na mahal niya, wala na. Nagcutting na naman e. Pero andito pa yung bag niya kaya mukhang babalik pa.

Yung mahal ko naman, ayun, kakaalis lang kasama si Eron. Badtrip pa din nga sakin dahil di ako sinusungitan kahit ilang beses ko ng kinulit. Ang sakit nga e. Dapat kasi mighty bond na ginamit ko para di na paulit ulit nawawasak yung puso ko e. Wahaha. Sht. Ang lakas ng epekto ng kagaguhan ni Kier sakin a. Lol.

Pag-alis ni Xyra, tinignan ko na yung videocam tapos finastforward ko hanggang napunta sa ginawa namin kanina. Taena.

Bakit walang narecord? Sht o. Wala na tuloy akong mauupload sa internet. Wahaha. Joke lang. Papaniwalain ko lang talaga si Vivi na niloloko lang siya ni Eron. Kaso taga ibang school ata yung pretty_J na kachat niya nung isang araw dahil walang nangyaring di dapat e. Lol.

Ni-rewind ko ulit yung videocam nun at baka nalagpasan ko lang. Nung wala talagang narecord, tinago ko na sa bag ko tapos lumabas na ko ng classroom para ilagay sa locker ko. Pang-sspy ko ulit kasi bukas sa office ng student council e. Wala lang. Baka kasi wala lang sa mood si Eron gumawa ng di dapat ngayon e. Lol.

Paglabas ko ng classroom, saktong nakasalubong ko si Alistaire. Bagong gupit nga e tapos kulay pink na yung buhok.

“Hey Skype! Miss me?” kumagat siya sa labi niya tapos lumapit ng todo sakin . Sht. Ang hot niya. Err. Teka, Skype. Mali to e. Magtatampo si Vivi pag nalaman niyang may ibang nakatikim sayo. xD

“Ayos lang.” sagot ko nang di tumitingin sa kanya tapos nung aalis na ko, pinigilan niya yung braso ko.

“What the fvck is wrong with you?” tinignan ko siya nang nagtataka. Ang labo e.

“Am I really not hot enough or you’re really just a fvcking fag?” dagdag niya nang siryoso kaya natawa ako. Lol. Porket di pumayag makipag-ALAM-NA, bakla na? Di ba pwedeng out-of-stock ng condom muna? Wahaha. Joke lang.

Gusto ko lang talaga na pag ginawa ko YUN, kay Vivi na.Wala lang. Mas masarap kasi pag sa mahal mo diba? xD

“Pano kung bakla nga ako?” parang nagulat siya sa sagot ko. Oi, teka. Joke lang yan a? Ang laki kaya ng ANO ko para maging bakla lang. Oo. Tama inisiip niyo. Nag-gy-gym ako kaya malaki BICEPS ko. Wahaha.

“Yeah, right..” Tumawa siya bigla tapos lumapit ulit sakin nang todo. Sht. Pagbigyan ko na kaya to? Ayaw padin tumigil e. Maniniwala naman siguro si Vivi pag sinabi kong pinilit lang ako diba? Saka next week pa naman magiging kami ni Vivi kaya di pa counted na panloloko to. Wahaha.

Joke lang. Masyado ko atang mahal si Vivi para gawin yun. Saka naniniwala ako na di nasusukat ang pagkalalake sa dami ng natikman niyang babae. Nasusukat yun sa laki ng ANO niya.

NG LOYALTY SA ISANG BABAE. Wahaha.

Tumawa lang ulit si Alistaire nun tapos tumalikod na sakin. Sht. Sayang. Tumigil. Lol. Joke lang.

Magpupunta na sana ako nun sa locker ko pero huminto siya tapos humarap ulit sakin.

“By the way, Skype.” Nagsmile siya sakin nung normal niyang smile. Sht. Ang ganda niya.

“Goodluck with getting laid to Vivi.” Tumawa siya tapos nun, umalis na. Taena. Ang gara talaga neto no? Pag transferee ba galing UK, laging active sa ALAM NA? O si Alistaire lang talaga? Lol.

Teka pala. Kung nagtataka pala kayo, oo, nakakaintindi yan ng Filipino. Ayaw lang niya magsalita masyado dahil ewan ko din, ayaw niya e.

Nung umalis na si Alistaire, nagpunta na ko sa locker ko para ilagay yung videocam. Pagbukas ko, may nahulog na picture kaya pinulot ko para tignan.

Sht. Sino naglagay neto?

Tumingin ako sa paligid ko nung kung may tao pero dahil ako na lang yung andun, hinanap ko agad yung locker ni Vivi.

Ipapasok ko na sana dun sa may butas ng locker niya yung picture pero biglang may kumuha galing likod ko.

“Ano na namang kalokohan to, Skype?” tinignan ko yung kumuha ng pic na kaboses ni Vivi. Sht.

“Pakyu ka. Akala ko si Vivi na.” tumawa lang si Kier sakin. Taena. Pinangtritrip pa talaga yung talent niyng manggaya ng boses e. Lol.

“Sht. Si Eron ba to?” sabi niya na binalik na yung boses niya sa normal. Nung aagawin ko na yung picture, iniwas niya palayo sakin.

“Sht ulit. Mahal mo talaga si Vivi no?” sabi niya nang seryoso. Taena. Kelan ko ba hindi minahal yun?

“Nagphotoshop ka pa talaga para maagaw siya e.” dagdag niya tapos tumawa siya kaya binatukan ko.

“Gagu. May naglagay lang niyan sa locker ko.” inagaw ko na yung picture ni Eron na may kasamang babaeng mahaba yung buhok.

“Weh? Ibig sabihin, totoo to? Tsk. Kawawang Vivi. Dapat kasi ako nalang minahal niya e.” sabi niya na siryoso pa kunwari kaya natawa ako.

“Ulul. Edi mas lalong nasaktan yun.” Tumawa lang siya sa sinabi ko tapos inagaw niya ulit yung pic sakin.

“Pero pre, tama ba iniisip ko sa ginagawa nila?” tanong niya habang tinitignan yung pic.

“Ata. Ano pa bang ginagawa ng babaeng nakaluhod sa harap ng lalake?” Parang nag-isip siya nang seryoso sa sinabi ko.

“Malay mo, nagdadasal lang.” natawa ako nun sa kanya. Siryoso pa mag-isip e. Lol.

“Gagu. Masyadong maliit yung tweetybird ni Eron para maging poon.”tumawa lang kami nun tapos binigay na niya yung pic sakin.

Pero teka. Joke lang yun a? Di ko pa nakikita yung tweetybird ng kupal na yun at wala akong balak.

Pero tingin ko, maliit talaga e. Ganun daw kasi pag nanloloko ng babae sabi ng Mom ko dati e. Siryoso. Sabi pa nga niya, ginagawa daw ng mga manloloko yun para tumaas yung confidence nila. Kasi parang masarap daw sa pakiramdam na kahit maliit si tweetybird, meron pading nakikibird. Wahaha.

Kaya nga ako, di nanloloko ng babae e. Wala lang. Ayoko kasi nang nakakasakit ng tao e. Saka, di ko na kailangan. Malaki na kasi yung ANO ko e.

YUNG CONFIDENCE. Wahaha.

Nung ipapasok ko na ulit dun sa locker ni Vivi yung picture, may napansin akong nakasulat sa likod kaya binasa ko:

_____________________________________________________________________________

                                      “Now Playing: Rolling in the deep-Adele

                                               You might have had it all

                                      but her tongue's rolling in the deep.

                                       P.S. I know you know what I mean, J. :>”

___________________________________________________________________________

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon