Dirty Fairytale [#15]

20.8K 264 55
                                    

FIFTEEN.

“Oi, san mo ba ko dadalin?” tanong ni Vivi dahil hinila ko siya nung nag-uwian na yung mga bata. Alam ko kasi ayaw niya pang umuwe dahil nga badtrip siya dun sa ama niya. Saka minsan lang kami mag-date kaya nilulubos ko na. xD

“Basta.” Sumakay kami ng bus papuntang mall habang dala ko pa din yung chocolate niya. Naalala ko kasi yung movie na nireblog niya dati na papanoorin dapat nila ni Eron. Pero, teka. Wholesome yun a? Di ko lang talaga maalala title pero alam ko ngayon palabas nun e.

“Hoy. Kung inaakala mong papayag akong makipag-anuhan sayo dahil malungkot at marupok ako, asa ka!” natawa ako nun sa kanya. Halatang gustong may gawin ako sa kanya e. xD

“Makipag-anuhan?” asar ko kaya parang namula siya.

“Basta. Gets mo na yun!” tumingin siya sa may bintana nang naiilang. Wahaha. Maasar nga lalo to.

“Makipag-anuhan nga? Di ko talaga gets,Vivi e.” tumawa ako kasi di niya lang ako pinansin. Tapos nun, dumating yung konduktor kaya nilabas ko yung mahaba kong ANO.

WALLET. Wahaha. Pahaba kasi yung gamit ko dahil astig yung ganun e.

Nung magbabayad din si Vivi, pinigilan ko yung kamay niya kaya parang nainis siya.

“Hoy, yung kamay ko nga! Wala tayo sa school kaya pang-mamanyak yan!” sabi niya na tinanggal yung kamay ko. Taena. Asan ba si Eron para maging sweet na ulit tong mahal ko? xD

“Sus. Sino kaya yung laging humahalik sakin kahit wala sa school?” nabadtrip yung itsura niya sa sinabi ko.

“E kasi andun si Eron. Saka, ikaw lang nag-enjoy dun no. Ang eww mo kaya halikan.” Taena. Kunwari pa. E pwede namang isang beses lang diba? Ba’t kailangan marami pa yung goodbye kiss niya?

“E kasi ikaw yung humahalik. Pero pag ako humalik sayo, panigurado, hahanap-hanapin mo.” Natawa si Vivi nun sa sinabi ko.

“Yeah, right. E wala ka pa ngang experience sa kahit ano diba? Halik sa parents lang alam mo!” pagkasabi ni Vivi nun medyo nalungkot ako. Naalala ko kasi yung Mom ko. Sht.Teka. Ba’t ang bilis kong maging emo ngayon? Dahil din ba sa mahal na ko ni Vivi? xD

“Oi. Tama na LQ mga bata. Magbayad na kayo at marami pa kong sisingilin.” Sabi nung gurang na konduktor kaya tinignan namin siya. Taena lang e no? Extra nalang nga, ang sungit pa. Wahaha.

Binayaran ko na yung kupal na konduktor nun tapos nanahimik lang ako.

“Hoy. Wag ka ngang manahimik.” sabi ni Vivi kaya tinignan ko siya. Umiwas naman agad siya ng tingin na umirap pa.

“Teka. Wag kang mag-feeling. Kinakabahan lang ako at baka may binabalak ka nang masama sa pagkababae ko.”natawa ako nun sa kanya. Kanina pa kasi nag-aaya e. xD

“Di ka parin nakakamove on dun?” asar ko ulit. Nag-argh naman siya na lumipat pa ng ibang upuan.

“Oi, ba’t sobrang guiltymo?” sabi ko pagsunod ko sa kanya tapos nung tatayo siya, hinarang ko yung binti ko para di siya makadaan.

Nung aalisin na niya , biglang huminto yung bus kaya napatumba siya sakin. Sht. Pagbigyan ko na kaya tong mahal ko? Kanina pa talaga nag-aaya e. xD

“Tsk. Mga kabataan talaga ngayon o. Sa bus pa talaga gumagawa ng kababalaghan.” Sabi nung konduktor nung dumaan siya. Taena. Ulul talaga tong extra na to no? Papatay ko kaya sa gwapong author para di na maka-epal? [A/N: BWAHAHA]

Umaayos na si Vivi nun na halatang nailang tapos nanahimik na. Ako naman, tinignan ko kung nasaan na kami. Nung nakita ko na yung mall, hinila ko yung kamay niya para bumaba.

Dirty Fairytale [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon