Chapter Nine

12.6K 191 3
                                    

"Cassandra! Cassandra! Open this damn door!" Katok ni Anton sa kwarto ng dalaga.

Galit na ibinato ni Cassandra ang yakap na unan sa pinto. "Get lost, Anton!" Sigaw niya at muling sumubsob sa kama. How dare him? Kulang na lang ay ipagsigawan nito sa buong mundo ang pagtutol nito sa pagpapakasal sa kaniya. Bahagya siyang napanatag ng hindi na niya marinig ang pagkatok nito, tama lang iyon dahil ayaw niya itong makaharap. Sobra siyang nasasaktan sa pagtanggi nito pati na rin sa panloloko ng ama, kaya pala kung kumilos ito'y parang walang sakit dahil wala naman pala talaga.

Napabalikwas siya ng bangon ng bumukas ang pinto at pumasok si Anton na hawak ang master key sa lahat ng kwarto sa mansion. Narinig niyang inilock nito ang pinto.

"What are you doing here? Get out of my room!" Galit niyang sigaw.

"Not until I get some sense in that hard head of yours." Bigkas nito at lumapit sa kaniya.

Mabilis siyang lumayo. "Umalis ka na, Anton. Get out of my life."

Nilapitan siya ng binata at hinawakan sa magkabilang-balikat. "It's not what you think, Cassandra."

"Hah! And what do you want me to think?" Tinabig niya ito pero mahigpit ang pagkakakapit sa kaniya ng lalaki.

"Be still, Cassandra and listen to me!" Isinandal siya nito sa dingding.

"Wala tayong dapat pag-usapan!" Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas.

"Marami. Four years is a long time kaya marami tayong dapat pag-usapan."

"Please, Anton. We don't have to go back there. Tapos na iyon." Pakiusap niya.

Umiling ito at puno ng determinasyon ang mga matang tinitigan siya. "Sinabi kong marami tayong dapat pag-usapan kaya pag-uusapan natin iyon!"

"Pwede ba?!" Pilit niya itong itinutulak pero wala talagang balak ang binata na pakawalan siya. She resigned. Kung mag-uusap sila ay dapat malayo ito sa kaniya dahil hindi siya makapag-isip ng diretso lalo na at nararamdaman niya ang init ng mga kamay nitong dumadaloy sa buong katawan niya. At lalo siyang nagagalit dito, sa kabila ng sakit na nararamdaman niya ay control pa rin nito ang reaction ng katawan niya. "Ok, pero pakawalan mo muna ako!" Anton seemed to hesitate for a while but let go of her.

Relieved, lumayo siya agad dito. His nearness is driving her senses crazy. Umupo siya sa kama at tumitig sa carpeted na sahig. Nagulat pa siya ng lumuhod ito sa harapan niya. He took ker hands in his own. "Why didn't you listen first to me before you go?"

Hindi siya nakapagsalita at nakatitig lang dito. Sinasabi ng puso niya sa utak niya na totoong pait ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki.

"Cassandra, hindi mo ba alam na nakakasakit ka na ng damdamin?" Banayad nitong akusa.

His words tug at her heart. "I don't know what you are saying." Iniiwas niya rin ang paningin. Gusto niyang abutin ang mukha nito at halikan ang mga pasang nakikita niy sa mukha ng lalaki.

"You always don't want to listen, Cassandra."

"Because there's no need for any explanation!" Sigaw niya.

Tumawa si Anton. "You always have the tendency to shout right into my face."

She sighed. Napakabilis magbago ng emosyon ng lalaki, nakikita niya ang amusement sa mga mata nito. "Tell me what you want to say and be done with it."

Umakyat pataas ang kamay ni Anton at banayad na hinaplos nito ang pisngi niya. Gusto niyang mapapikit sa init na nagmumula sa kamay nito.

"There's no use dwelling in the past, Cassandra."

Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now