Chapter Eight

11.8K 221 6
                                    

"Good morning, iha!" Bati ni yaya Nelia pagbaba niya.

"Good morning po, yaya." Ganting bati niya at hinalikan ito sa pisngi.

"Kumain ka na at ipaghahain kita."

Masigla siyang tumawa. "Puro kain na lang ang ginagawa ko dito, baka naman lumobo na ako."

"Huwag kang mag-alala, Cassandra, maganda ka parin naman." Papuri ng matanda.

Inakbayan niya ang yaya. "Yaya ko talaga kayo. Oh!" napalis ang pagkakayakap niya sa yaya ng maalala si Israel.

"Ano iyon?" Takang tanong ni yaya Nelia.

"Si Israel, yung bisita ko, I forgot!" Dali-dali siyang napaakyat muli. Masyado na siyang nagiging makakalimutin lately when it comes to her boyfriend.

"Teka lang, Cassie! Kanina pa siya bumaba." Pigil ng matanda sa pagmamadali ng dalaga.

Napahinto naman siya sa pag-akyat at nilingon ang matanda. "And where is he?"

"Kaninang pagka-almusal ay niyaya siya ni Anton sa palayan."

"K-kasama niya si Anton?"

"May problema ba iha?" Napansin ni yaya Nelia ang pagkabahala sa mukha ng dalaga.

Hindi sumagot si Cassandra at nagtatakbo palabas ng mansion.

"Anong problema ng batang iyon?" Malakas na tanong ng naiwan na si yaya Nelia.

"What are we going to talk about?" Tanong ni Israel kay Anton. Pagbaba niya kaning umaga ay si Anton ang nabungaran niya sa komedor. Yayayain sana niyang mag-almusal si Cassandra pero mukhang tulog pa ang dalaga nang kinatok niya. Nagpasya siyang bumabang mag-isa at si Anton nga ang nabungaran niya. Niyaya siya nitong mag-almusal at pagkatapos nga ay niyaya siya nito na mag-ikot sa palayan dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa kaniya.

Humarap ito sa kaniya at sinalubong ang mga titig niya. "You have to leave." Narinig niyang wika nito.

Napamaang si Israel. Alam niyang matabang ang pakikitungo sa kaniya ng lalaki pero hindi niya akalaing ito ang sasabihin ni Anton. "What are you trying to say?"

"Break up with Cassandra and go back to where you came from." May talim ang tinig niya.

Napatiimbagang si Israel. "Who the hell are you to tell me what to do?"

"Cassandra and I are getting married, that's her purpose in coming back. Her father already arranged the marriage." Anton said. He won't let Cassandra be lost in his life again.

"What did you say?" Bahagya nang namumula sa galit ng mukha ni Israel.

"Cassandra can't be with you because she's marrying me."

"That's a lie, man! Cassandra's my girlfriend and she already accepted my proposal for marriage." Hindi rin naman magpapatalo si Israel kung si Cassandra ang pinag-uusapan.

Naikuyom ni Anton ang mga kamao. "Cassandra's mine. She loves me and she's going to marry me."

Israel gritted his teeth. "You're joking, man!"

"This is a talk between two men, Israel. If you really love her, you'll let go of her." Bumaba ang boses niya. He hates what he's doing and for sure Cassandra would hate him but he can't just allow Israel to take Cassandra away from him. Nasabi sa kaniya ni Ricardo na niyaya nga itong magpakasal ni Israel at nasa kaniya na ang desisyon kung ano ang gagawin niya.

Umiling-iling si Israel. "I love her and she loves me. I won't let her go."

"She doesn't love you. Ako ang mahal niya." Sinalubong niya ang galit na mga titig nito. Sana nga'y iyon ang nararamdaman ng dalaga.

Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now