Chapter One

28.3K 340 3
                                    

"Surprise to see you here! Kailan ka pa bumalik?" Melissa exclaimed upon seeing Cassandra sitting on the sofa. Dagli nyang nilapitan ang babae at tuwang-tuwang niyakap ito.

Yamot namang kumalas sa pagkakayakap si Cassandra sa kadarating na babae. "Common, spare me with the niceties, where is Daddy?"

Nabawasan ang katuwaan sa mukha ni Melissa. "May kausap na mga business partner si Ricardo. Kumain ka na ba?"

Inilibot ni Cassandra ang paningin sa kabuuan ng mansion, marami na rin ang nagbago simula ng umalis siya apat na taon na ang nakakalipas.

"Cassandra..." untag ni Melissa sa dalaga.

Walang buhay na ibinaling muli ni Cassandra ang paningin kay Melissa. Gaya ng dati, napakaganda pa rin nito as if nothing changed na para bang hindi nadagdagan ang edad nito. "I am not hungry."

Tumayo siya ng makita ang pababa niyang yaya na kasunod ng katulong na may dalang mga gamit. "Bring those to my car." Utos nya sa katulong.

"What are those?" Tanong ni Melissa na nakatuon ang paningin sa maletang inilabas ng katulong.

"Some of my things." Sarkastikong sagot niya.

"Cassandra, maghunusdili ka! Tiyak na hindi magugustuhan ng daddy mo na hindi ka niya daratnan dito." Awat ng yaya Nelia niya at hinawakan siya sa braso.

Banayad niyang hinila ang braso, hindi niya magawang patunguhan ng hindi mabuti ang yaya Nelia niya. She had been her yaya and also her second mother for the past 21 years of her life. "Yaya, napag-usapan na natin ito, hindi ba?" Tinignan nya ang suot na wristwatch. "I should go." Hinalikan niya sa pisngi ang yaya at bumaling sa madrasta. "I'll just call Daddy." Saka dire-diretsong lumabas ng mansion. Walang nagawa na sinundan na lang ng tingin ni Melissa ang dalaga

Kailangan niyang magmadali, hindi niya kakayaning magtagal sa bahay na iyon. Pinatatag niya ang sarili at sumakay ng kotse niya at tuluyang inilabas iyon sa garahe ng mansion. Kung siya ang masusunod, hindi nya gugustuhing bumalik ng Pilipinas ngunit mahigpit ang bilin ng kanyang ama na si Ricardo Lorenzana na kailangan nyang bumalik sa bansa kung gusto raw niyang abutan ito ng buhay. Napailing siya, lahat ay gagawin ng ama ultimo takutin siya para lamang bumalik ng bansa.

Nang makarating siya sa inupahang kwarto sa nagiisang mamahaling hotel sa bayan ay agad niyang ibinagsak ang pagod na katawan sa kama. Pagkagaling sa airport ay dumiretso siya sa mansion para makausap ang ama ngunit hindi nga nya ito nadatnan doon. Talking of threat, sinabi ng ama na maysakit ito ngunit nakuha pa nitong makipag meeting tungkol sa trabaho. Come hell or high water, she won't stay at the mansion. Her face hardened when certain memories started to flow. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang pigilan ang pagdaloy ng mga ala-ala.

Bigla siyang nagmulat ng mata, something wakes her up. Tumambad sa kanya ang madilim na kwarto. Kinapa niya ang switch ng night lamp. Tinatamad siyang nag-inat and looked at her wristwatch. It was 8:30 pm. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Bahagya siyang nakaramdam ng gutom, maybe that made her wakes up. She called for a room service and decided to take a shower while waiting.

Dali-dali niyang inabot ang bathrobe ng marinig ang doorbell. Ito na malamang ang room service niya. Binuksan niya ang pinto pero nakulong sa lalamunan niya ang anumang sasabihin nang tumambad sa kanya ang kung sino man na nakatayo sa doorstep.

"I-ikaw?" She squeaked out. A tall and sinewy and all muscled man is framing the door. Walang anumang pumasok ito at walang emosyong tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "Tito Ricardo is waiting for your call."

Wala sa loob na nahapit ni Cassandra ang suot na roba. She doesn't want to see this man but it seems that fate is playing tricks on her.

"How did you find out that I was here?" Tanong niya dito sa tonong ginamit niya kay Melissa.

Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now