Journey 10- Walang Title

25 0 0
                                    

Hime’s POV

Gabi na. Nasa kalagitnaan na kami sa gubat ng Genro nang maabutan kami ng malakas na buhos ng ulan kaya humanap kami ng masisilungan. At dito kami dali- daling nakasilong sa ilalim ng malaking puno na kinaroroonan naming ngayon. Sa bagay, malalaking kahoy talaga ang mga puno dito na parang munting kweba na ang nasa ilalim nito. May konting baga ng apoy sa aming gitna kaya tanaw din naming ang mukha ng bawat isa sa amin. Halos lahat ay tahimik, ano kaya ang kanya-kanyang iniisip nila? Pinagmasdan ko silang apat at napadako rin ang tingin ko kay kuya Senshi. Napangiti ako dahil hindi ko inakalang magkakaroon ako bigla ng kuya

“Ilang araw kaya ang aabutin natin bago marating ang Ryuun?” tanong ko. Napapaisip rin ako minsan kung ano ang hitsura ng Ryuun. Base kasi sa mga pagkakalarawan nila ay naiiba talaga ito sa apat na kaharian. Ewan ko nga eh, kahit na may takot akong nararamdaman at kinakabahan ay parang gustung-gusto ko ring makapunta don

“Matatagalan rin tayo ng konti. May madadaanan pa tayong isang kaharian, ang kaharian nina Bo sa Yunen. At pagnapasok naman natin ang teritoryo ng Ryuun ay matatagalan rin tayo bago marating ang kastilyo nito” halatang puyat nang sabi ni Ereyos

“Tama, ang Ryuun kasi ang may pinakamalawak na nasasakupan dito sa isla” sabi naman ni Runo na hikab ng hikab

“Alam niyo, pinapagod lang natin ang mga sarili natin sa paglalakad eh. Sana ay gumamit na lang tayo ng karwahe” gising na gising pa ring sabi ni Kuya Senshi

“At ikaw ang tagahila ng karwahe” Runo

“May kabayo naman kaya ba’t ako pa ang hihila? Utak mehn!” Kuya Senshi

“Ikaw ang may ideya eh. Alam mo namang mahihirapan din ang kabayo sa ibang lugar na nadadaanan natin kaya sa tingin mo ay pwede ang kabayo??. Mag- isip ka nga ha, gunggong?” Runo

“Psh. Hindi ko na kailangang mag- isip. Matalino ako” Kuya Senshi

“Mas matatagalan tayo kung sasakay tayo ng karwahe at tama si Runo, lubhang kumplikado ang ibang lugar na dinadaanan natin kaya talagang useless din” halatang antok na ring sabi ni Bo

“Eh di sa mismong daanan na tayo dumaan para makagamit na tayo ng karwahe, tutal ay nahanap ka na namin” pilit pa rin ni Kuya Senshi. Ang kulit talaga hehe

“Mas lalo lang tayong matatagalan. Kaya sa ganitong klase ng lugar tayo dumadaan ay para mas mapadali ang paglalakbay natin papuntang Ryuun. Parang shortcut, ganon” Bo

“Ahhh” at tumango-tango naman si Kuya Senshi. Mukhang kuntento na siya sa sagot ni Bo pero hindi pala… “Eh di kabayo na lang, wala nang karwahe”

“Ano ba? Hindi nga pwede. Hindi mo ba nakikita ang mga dinadaanan natin? Sa tingin mob a ay pwede ang kabayo??!”singit naman ni Runo, naubusan na ata ng pasensya sa kakulitan ni kuya Senshi

“Kung pwede ang kabayo eh di pwede rin ang kabayo-----“*PAKKKK!!!!!* aray,napalakas ata ang pagkakabatok ni Runo sa kanya. Ang kulit naman kasi. Natawa na lang kami sa itsura ng dalawa

“Namimilosopo ka ha!” nanlilisik ang matang sabi ni Runo

“Oy oy wag mo masyadong palakihin yang mga mata mo, nakakatakot at mas lalo kang pumapangit wahaha----“ Kuya Senshi

“A-abat--” akmang susugurin niya si Kuya Senshi buti na lang at malapit sa kanila si Ereyos kaya inawat niya ang mga ito

 “Tama na nga yan, para talaga kayong mag- asawa” natatawang awat pa rin ni Ereyos

Ang nakapagtataka eh biglang ngumiti yung dalawa na parang hindi kakagaling sa away-bata nila at pilyong tumingin kay Ereyos. Ano ‘to, lokohan??

“Hehe..” Kuya Senshi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journey (Seeking the Cursed One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon